Steven's POV
"Hoy Steven! Inaamag na ang baraha ko. Ilabas mo ang ang sa iyo." sigaw nang kalaban ko na inip na inip na sa kahihitnatnan ng laban. Wala pa kasing naglalapag ng baraha sa lamesa.
"Teka lang! Ikaw kaya ang mauna?" payo ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa baraha ko na kahit pagbaligbaligtarin ay isa lang naman ang ibibigay na resulta.
"Oh eto na nga ang baraha ko!" sabay padabog na nilapag sa lamesa ang tatlong baraha na binubuo ng 5-spade, 5- heart, at 3-diamond. Bakas sa muka niya ang matinding pagkayamot sa baraha niya dahil sa palpak na score na nakuha niya galing sa tatlong baraha. "Oh ikaw naman!" inis na utos niya sa akin.
"Sabi mo ehh." Sagot ko at nilapag ko na ang tatlong baraha sa mesa. Nagulat siya pati na rin ang mga nanonood nang makita nila ang three cards ko na binubuo ng 10-Club, 10- Spade, at 9-Heart. Sapat para tawaging Lucky 9.
"Ang 500 pesos ko?" tanong ko sa kanya at tapat naman niyang binigay ang hinihingi ko. Nakangiti ko namang tinanggap ang grasya.
Papalakad na ako pauwi ng bigla niya akong tinawag.
"Hoy teka nga muna!? Lumapit ka nga dito!" pasigaw na utos niya pero hindi ko siya nilapitan dahil sa maarin niyang gawin sa akin.
"Bakit Bro may problema ba?" mahinahon ko na tanong sa kanya pero sa loob loob ko ay kabado na ako sa nangyayari.
"OO! Dinadaya mo ata ako ehh!?" sigaw niya habang nagpapatunog ng mga daliri at leeg. Hindi ko na gusto ang inaasal niya.
"Huh!? Bakit naman kita dadayain? Nakita mo naman, malinis ang laban natin."
"Malinis? Paano mo papaliwanag ang tatlong beses mo na pagkapanalo ng sunod sunod?" Ngayon pipihit naman niya ang kaliwang braso niya. May bali balita na dakilang barumbado ang isang ito.
"Sus! Pati ba naman yun Bro paghihinalaan mo? Swerte tawag doon. Swerte."
"Swerte pa ba na tatlong beses ka nanalo sa akin ng walang kahirap hirap?"
"Bro sa ganitong mga laro. Swerte ng isang tao ang basihan. Malay natin sadyang malas ka lang talaga ngayong araw na ito."
Sumang-ayon ang lahat ng tao na nanonood sa bangayan namin. Pero etong si barumbado ay ayaw magpaawat.
"Kalokohan! Madaya ka!"
"Kahit tanungin mo pa ang lahat ng nakanood sa laban natin kanina."
Tinanong niya lahat nang nakanood sa laban namin at lahat ay sumang-ayon na malinis at walang halong daya ang laban namin. Wala siyang nagawa kundi maglakad palayo dahil na rin siguro sa kahihiyan. Ako naman ay lumakad na rin pauwi.
Sa totoo lang. Totoo ang lahat ng sinabi niya na nandadaya ako. Hindi nga lang nila mapansin dahil sa sobrang bilis ng mga kamay ko sa pagbalasa at pagpapalit palit ng baraha. At siyempre nagawa ko ayusin ang pagkakasunod sunod ng mga baraha. Dahil sa nagawa ko na masaulo ang mga barahang binalasa ko ay nanalo ako. Oo masama ang ginagawa ko pero eto lang ang tanging paraan upang makatulong ako kay mama at di maging pabigat sa bahay, At wala naman nakakapansin sa maliit na krimen ginagawa ko kaya tuloy pa rin ako.
Hindi naman ako garapalan sa pandaraya. Siyempre una sa lahat ay konsensya rin ako at pangalawa ay maaring sa kabaong na ako matulog na habangbuhay kung sakaling magkamali ako at mahuli. Minsan nga muntikan na akong mamatay noong may nakalaban ako na hindi natanggap ang pagkatalo niya at muntikan na akong saksakin ng ice pick pero buti na lamang at mabilis kumilos ang mga nanonood at naawat ang nag aamok na lalaki. Wew.
*****
Nakauwi na ako sa bahay namin. Ang bahay namin ay nakatayo sa isang lugar sa ternate cavite kung saan maraming mga angkan ang nag aaway upang maangkin ang lupang hindi naman talaga sa amin. Pero hindi nagpapatalo ang mga squatters at nalaban din sila kahit tama ang sinabi nang isang nangaangkin dita na "Isa Pusa" lang ang katapat namin. Sinalubong ako ni mama, biinigay ko sa kanya ang 800 at kinuha ang 200 bilang panglibang sa sarili. Papunta na sana ako sa kwarto ng biglang magtanong si mama.
"Nak. Saan galing to?"
"Sa trabaho po." Sagot ko sa kanya habang kinakalkal ang mga messeges ko sa Cellphone ko.
"Nagugal ka na naman noh?" maiinit ang tingin sa akin ni mama. Dahil doon ay napilitan ako na umamin.
"Ahmmm... Opo."
"Ikaw talaga. Mana ka sa tatay mo. Anak hindi naman kaso sa akin kung nagsusugal ka. Sana lang wag ka masyadon malulong dahil yan ang sisira sa iyo."
"Ikaw naman ma. Ako pa. Wala naman kayong tiwala sa akin niyan?"
"Meron naman. Oh sige matulog ka na."
"Sige po good night." at sabay diretso sa kwarto ko at humiga na paranag troso. Iniisip ko yung taong nakalaban ko dati at parang na guilty ako.
'Sa susunod na makapag-aral ako. Hinding hindi na ako magsusugal' pingako ko sa sarili ko. Gusto ko na makapasok sa paaralan. Makahawak ng Pen at mag suot ng uniporme. Dahil ayoko na maging pabigat kay mama.
Pero ang mga iniisip ko ay hanggang pangarap na lang.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
PertualanganSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...