Esteban's POV
At binigay ni Claire lahat ng pangangaylangan ko. Pagkain, Edukasyon, Tahanan, at Disenteng buhay. Siya ang nagpaaral sa akin at pinag-aral rin niya ako ng lenggwaheng tagalog dahil sa karamihan sa mga pamumunuan ko ay mga Pilipino..
Sa paglipas ng mga taon. Naging Opisyal na butler na niya ako. At dahil sa malaking utang na loob ko sa kanya ay ginagawa ko ang aking tungkulin ng buong puso. Unti unti ko rin nakita ang mga ugali ni Claire at hindi ko maitatanggi ang kanyang kabaitan at pakikisama. Ginagalang at sinusunod siya ng kanyang mga kasambahay dahil nakuha niya ang kanilang respeto.
Kaso sa loob din ng mga taon na iyon ay wala man lamang akong alam sa nakaraan ni Claire. Kahit ang pinakamatagal na kasambahay ni Claire ay walang alam sa kanyang nakaraan at mailap ito magsalita tungkol dito.
Ang isang alam ko lamang ay ang kanyang kawalang pag-asa sa kanyang bansang pinagmulan. Ang Pilipinas. Lagi niya sinasabi na wala na pag-asang umunlad ang kanyang bansa at minsan nilalait niya ng husto ang mga Pilipino na sa tingin niya ay TOXIC.
Isa siyang napakalaking palaisipan para sa akin. Gustong gusto ko makita ang tunay na SIYA. Kaso kahit nasa tabi niya ako ay di ko naman masimulan na tanungin siya ukol dito. Binalaan ako ng mga kasambahay na iwasan ko na direktang itanong kay Claire kung ano ang kanyang nakaraan dahil sa minsan na itong nagalit sa kanila.
Pero sobra akong nag-aalala pag naiisip ko ang tungkol sa nakaraan ni Claire. Base na rin sa matinding paglilihim niya, sigurado ako na sobrang samang nakaraan ang kanyang tinatago sa ibang tao. At minsan nga naiisip ko na hindi totoo ang personality na pinapakita niya sa akin.
Ang kanyang matinding galit sa kanyang bansang pinagmulan, ang kanyang sikreto, at ang paglilihim niya. Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit siya naging sobrang misteryosa.
*****
Hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya. Nasa Library kami noon at kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro. Nasa gilid niya lang ako dahil dapat lagi akong nasa tabi niya sa oras na mag-utos siya. Huminga ako ng malalim bago ko simulan ang usapan na alam ko na maglalagay sa akin sa alanganin.
"Ahmm... Ma'am Claire. Pwede ko po ba kayo makausap."
Nilapag niya ang hawak niyang libro sa maliit na mesa kung saan nakalagay rin ang baso ng orange juice. Kinuha niya ang baso at uminom ng kaunti.
"Yes Esteban? Ano yon?" Nakatingin siya sa akin. Nagtataka.
Nakakaramdam ako ng matinding kaba. Pero kaylangan ko tuldukan ang Curiosity ko na matagal ng nagpapahirap sa akin.
"Ma'am Claire. Sobrang nahihiwagaan kasi ako sa ino. Gusto ko po sana malaman ang inyong nakaraan. Maari mo ba ikwento sa akin?"
Napayuko ako dahil sa sobrang kaba. Pero nagulantang ako dahil sa tunog na nabasag na bagay. Pagtingin ko ay nakita ko si Claire... Nakatulala. Sa sahig ay nagkalat ang piraso ng basag na baso at ang orange juice. Pero mas natakot ako sa reaksyon ni Claire. Nanginginig ang kanyang kamay na kanina lang ay may hawak na baso. Namumutla siya at nakatulala.
"E-esteban. I-iwanan mo muna akong mag-isa. Please." Pautal-utal na utos niya. Kinakabahan na talaga ako ng husto dahil sa kanya.
"P-pero. Di maganda ang lag-"
"Please Esteban! Hayaan mo muna akong mag-isa!"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsigaw niya.
"Masusunod po. Patawad."
Mabilis ko na nilinis ang mga bubog at agad na umalis. Pakiramdam ko may mga bubog na tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya.
Ilang oras bago niyon. Humingi ako ng tawad sa kanya. At agad niya naman akong pinatawad pero binigyan niya ako ng kundisyon.
"Wag na wag mo na itanong ulit ang bagay na iyon. Maliwanag ba?"
Napilitan ako ng sundin ang utos niya dahil sa siya ang amo ko. Pero dahil doon ay mas lalo pa tumindi ang Curiosity ko.
Tiniis ko na wag na ipalala sa kanya ang bagay na iyon. Naghintay nalang ako sa tamang pagkakataon na ibibigay sa akin. Pagkakataon kung saan hindi na siya makakatanggi.
[END OF FLASHBACK]
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...