Chapter 54

22 4 0
                                    

Claire's POV

Binigay ko ang aking katawan... Sa taong mahal ko na mahal din ako ng buong puso. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ulit eto. Muntik ko na makalimutan dahil sa haba ng panahon na nawala sa akin ang pagmamahal. Iba na ngayon dahil sa nararamdaman ko talaga ang pagmamahal na binibigay sa akin ni Esteban.

At ang gabing pinagsaluhan namin ay ang pinaka masayang karanasan na nangyari sa aking buhay.

Naalimpungatan ako dahil sa matinding liwanag na pilit na pumapasok sa aking talukap sa mata. Pagdilat ko ay nakita ko si Esteban na nasa tabi ng malaking bintana at siya ang dahilan ng pagpasok ng sikat ng araw dahil sa binuksan niya ang kurtina na tumatakip dito.

"Good morning Ma'am. Kaylangan mo na bumangon."

"Ughh! Inaantok pa ako Esteban." Sagot ko sa kanya sabay talukbong ng kumot.

Nararamdaman ko na lumalapit siya sa akin. At bigla na lang niya hinablot ang kumot na tumatakip sa buo kong katawan. Akala ko ay hubad pa ako kaya sobra akong nataranta pero napansin ko na suot ko pa rin ang aking pantulog. Napangiti ako dahil alam ko na si Esteban ang nagbihis sa akin.

"Ma'am. May kaylangan ka pa gawin. Wag mo sabihin na nakalimutan mo na?"

"Alin ba kasi iyon!?"

"Si Cynthia. Kaylangan mo na ibigay sa kanya ang Orb." Paliwanag niya sa akin habang naglalakad papunta sa cabinet. Nabigla ako dahil naalala ko ang tungkol sa Orb.

"Hala! Anong oras na!?"

"8:15 Am Ma'am." Sagot niya habang kinakalkal ang damitan ko.

Mabilis ako na bumangon. Lumapit sa akin si Esteban dala ang mga damit na kinuha niya sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko. Nakakahiya dahil siya pa talaga ang kumuha ng mga underwear ko.

"Hihintayin kita sa labas Ma'am. Bilisan mo magbihis." Sabi niya sabay talikod. Pinigilan ko siya dahilan upang humarap ulit siya sa akin.

"Claire nalang ang itawag mo sa akin." Utos ko sa kanya sabay hinalikan ko siya ng mabilis.

"Sige Claire. Masusunod." Sabay ngiti at umalis. Naiwan ako sa kwarto na nagiisa at nakangiti.

*****

"Sigurado ka ba na dito nakatira si Cynthia?" Tanong ko kay Esteban.

Nasa harap kami ng isang kubo. May pinto ito na gawa sa kawayan at nagkalat sa paligid ang iba't ibang halamang gulay. Nakatayo ang kubo na ito sa pinaka liblib na parte ng Crusher kaya kakaunti lang ang mga bahay na nandito.

"Kumatok ka kaya para malaman mo."

Sinunod ko na lang siya. Lumapit ako sa pinto at ilang beses tinawag si Cynthia. Ilang tawag pa at bumukas ang pinto at bumungad si Cynthia na may hawak pa na walis ting ting.

"Ate Claire. Tuloy po kayo."

Pumasok kami ni Esteban sa munting tahanan nila Cynthia. Napaka payak nito. Lupa ang sahig, Ang kalan ay de kahoy at nasa tabi nito ang mga itim na itim na mga kaldero at kawali. Nakasabit ang mga cup ng instant noodles katabi ang mga baso na gawa sa plastic at sa isang sulok ay may papag na gawa sa kawayan na tinatabunan naman ng kurtina. Napansin ko rin ang isang pinto na gawa sa kahoy.

"Nauuhaw po kayo Ate Claire?" Tanong ni Cynthia sa amin.

"Ok lang kami Cynthia. Salamat nalang."

"Pasensya na po kayo ahh. Medyo magulo pa ang bahay. Peroi bakit po napadalaw kayo?"

"Cynthia. May ibibigay lang kami sa iyo."

Inabot ni Esteban sa akin ang bolang kristal na gawa sa ruby at kasing laki eto ng bola ng baseball. Sa loob ay merong inukit na bato na may hugis na diamond na katulad ng diamond na nasa mga baraha. Inabot ko ang orb kay Cynthia.

"Ibibigay ko sa iyo ang katibayan na nanalo ka sa laban natin. Ingatan mo sana iyan."

Kinuha ni Cynthia ang orb na nasa palad ko. May kinuha siyang twalya at binalot niya ang orb gamit nag twalya na ito. Pumunta siya sa papag at itinago ang orb na binalutan ng twalya sa isang sikretong lugar. Lumapit ulit siya sa amin.

"Maraming salamat po Ate Claire. Nagmamadali po ba kayo?"

"Hindi naman Cynthia. Bakit mo natanong?"

"Sumama po muna sa akin. May papakita ako."

*****

"Cynthia bakit dinala mo ako dito?" Tanong ko sa kanya.

Kasalukayan kaming nasa Ternate West National High School. Nakatingala kami sa bandila ng Pilipinas na sumasayaw sa ihip ng hangin.

"Sa Kabila ng mga kasawian ko sa buhay. Hinding hindi ko iiwanan nag Pilipinas. Dahil sa siya ang aking Inang bayan. Sa kabila ng mga kasalan natin sa kanya, kahit kaylan ay patuloy pa rin niya tayo pinapatuloy sa kanyang kanlungan at ibinibigay ang lahat ng mga pangangaylangan natin. Oo inaamin ko na maraming Pilipino ang patuloy na sumisira sa bansa pero hanggat nakakaya pa niya at hanggat nandito ako, ikaw, at iba pa na biniyayaan ng inang bayan ng katalinuhan sa kabila ng kakulangan niya sa pangangaylangang pang edukasyon ay naniniwala ako na may pag-asa pa ang Pilipinas. At tayong mga biniyayaan ng angking karunungan. Pag nagawa natin na magsama sama at pag nagawa natin na pagbukludin ang mga watak watak na mga Pilipino na panghabang buhay ay magagawa natin na gamutin ang mga sugat ng bansa at tuluyang magamit ang kalayaan na pinagkaloob sa atin ng mga bayani na nagsakripisyo ng kanilang buhay."

Nanliit ako dahil sa kanyang talumpati. Tuluyan nawala ang galit ko sa bansa. Nahihiya ako dahil sa mga pinaggagawa ko. Nahihiya ako dahil sa mga kasalanan ko sa kanya.

"Kaya imbis na laitin ang kapintasan ng bawat Pilipino ay bakit hindi nalang natin sila gabayan? Diba tama ako Ren Ink?"

"Teka? Paano mo nalaman ang pen name ko?"

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon