Esteban's POV
"Esteban sa tingin mo may alam ang batang iyon?" Natanong ni Ma'am Claire sa akin dahil sa nangyari kanina. Isang akong tapat na Butler. Kaylangan opinyon ko talaga ang aking sabihin.
"Malay natin ma'am tagahanga lang siya kaya alam niya ang linyang iyon."
"Pero Esteban iba ang dating sa akin ng sinabi niya eh. Parang nagpaparinig."
"Kung ako ang nasa sitwasyon mo. Mapapaisip rin naman ako ng ganoon sa ganoong pagkakataon."
"Sabagay may punto ka. Matalino siya. Sa tingin mo may pag-asa siyang manalo?"
"Hindi ko pa masasagot ang tanong na iyan ma'am. Siguro malalaman nalang natin pag naglaban na kayo."
Nasa harap ulit kami ng malaking glass window. Nakatingin si Ma'am Claire sa kalikasan at marahil ay nag iisip ng malalim.
"Ma'am may tanong po ako," Pag hingi ko ng permiso sa kanya.
"Sige lang."
"Yung laro na naisip nyo paglabanan ni Cynthia. Seryoso po ba kayo doon?"
"Yun ba? Mas maganda siguro kung challenging ang paglalabanan namin. Mas maiigi na mahirapan ako ng kaunti. At dahil doon ay kahit papaano ay may laban si Cynthia. Bakit mo namang natanong?"
"Wala lang po."
"Sa larong iyon malalaman kung hanggang saan ang talino ko at ng sa kanya."
"May punto ka po ma'am. Sigurado ako na makakapalag siya."
"Pero Esteban alam ko na may limitasyon din ako."
"Pero mahaba pa ma'am bago nyo marating ang limitasyon nyo."
"Yan ang madalas sabihin sa akin ng mga kaklase ko noon. 18 years na rin pala ang nakalipas."
"Ano po ang ibig sabihin ma'am?" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Naalala mo pa yung panahon na nakita kita sa isang parke sa London? Sa itsura mo noon parang wala ka ng pag-asang mabuhay."
"Ma'am pasensya na po pero hanggat maari ay ayokon pag usapan ang bagay na iyan."
"Sorry. Nakalimutan ko."
"Pero ma'am.Ngayon ko lang naisip at napansin sa inyo to. 28 years old na kayo pero bakit wala pa rin kayong Boyfriend. Maganda naman kayo ma'am. Sayang naman." Tanong ko sa kanya.
"Esteban. Hanggat maari ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan." Sagot niya sa akin. At dahil doon ay dinaan nalang namin sa tawa ang lahat.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
PertualanganSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...