Chapter 36

23 4 0
                                    

Cynthia's POV


'Kakainis namang ang mga codes na ito!'

Di ko na mapigilang mainis dahil sa pagiging komplikado ng mga codes na binabasag namin ni Ate Claire. Wala pa rin akong nasisirang kahit isang code sa first codec maliban sa I na sobrang dali lang naman mahulaan.

Dahil doon ay nawalan ako ng kaunting pag-asa na masisira ko ang sikreto ng mga codes na ito. Padabog ko na nilapag ang folder. Alam ko na naramdaman iyon ni Ate Claire. Siguro di niya lang pinahalata na masaya siya sa naging reaksyon ko.

'Ano ka ba naman Cynthia! Bakit ka ba sumusuko!? Hindi eto ang oras at wala ang salitang Sumuko sa bokabularyo mo!'

Puno pa rin ako ng fighting spirit. Pero sumusuko na ang utak ko. Pero hindi ko dapat ipawalang bahala ang laban na ito. Dito nakasalalay ang kinabukasan ko. Dito nakasalalay ang kinabukasan naming apat. Kung susuko ako ay wala akong muka na maihaharap sa kanila. Kahit na! Kaylangan ko subukan!

Tumingin ako sa white folder na binalibag ko. Nakatagilid ito ng padiagonal.

Nanlaki nalang ang mga mata ko sa mga napansin ko.

'V!' Sigaw ng isip ko.

Nang nakatagilid ang folder ng diagonal. nakita ko na ang letter L ay parang naging Letter V kahit na di naman talaga exact nag itsura.  Nag hinala ako. At tama nga! M ang number 3. Inimagine ko na naka vertical ang folder dahil baka mahalata ni Ate Claire ang ginawa ko.

Nagpalinlang ako sa kaisipan na sobrang hirap ng mga codes kaya di ko na naisip ang mga simpleng paraan.

Naloko kami ng Mythologia Organization.

Dahil sa mga natuklasan ko ay nagkaroon ako ng matibay na clue na magagamit ko sa pagsagot sa palaisipan na ito.

~ Ang V at M ay posible na mga roman numbers.

Pero may mali pa rin. Dahil 26 letters lang meron ang Alphabet at ang equivalent ng M ay 1,000. 5 ang katumbas ng V at sure ako na ito ang huling transformation nito.

Dahil sa mga nangyari ay ginanahan na akong mas-isip ng iba pang mga clue.

Ang % ay Letter I at kasama ito sa roman numerals na may katumbas na One. Tinanggal ko ang dalawang bilog at tinagilid ko upang maging diretso. At isa pa ay mas maraming pa na I na lalabas sa Alphabet.

L = V (Full Transformation)

3 = M

% = I (Full Transformation)

'Hindi! Paanong!?'

Natulala ako kay Ate Claire dahil nakita ko siya na binubuklat ang White folder niya. Papunta na siya sa Second Codec. Nataranta ako dahil sa naunahan pa niya ako na sagutin ang first codec.

Napag-iiwanan na ako.

'Ano ba! Kumalma ka lang Cynthia! Kalma lang'

Pumikit ako at huminga ng malalim upang mapakalma ang sarili ko. Nang huminahon na ako ay bumalik na ako sa pagsasagot.

Tumutig ako sa Letter M na sinulat ko ng sobrang tagal. Pero nangalay lang ang mga mata ko sa aking ginawa.

Kaya sinulat ko nalang ang mga Roman Equivalent ng mga Alphabet at baka sakali na makakuha ako ng Clue.

A = I, B = II, C = III, D = IV , E = V, F = VI, G = VII, H = VIIi, I = IX, J =

'Leche!'

Agad ko sinulat ang Letter X. Nakuha ko na ang ganap ng Letter M sa puzzle na ito.

Panggulo! Dahil wala naman talagang M na magagamit. Tapos tinago niya lang ang Letter X at nagkunwari na may tranformation pa dahil sa malilinlang niya kami at masesentro ang atensyon namin sa kakaisip.

At sa 26 Letters. Sobrang daming X ang magagamit kung gagawin itong roman numerals.

'Leche ka talagang M ka!!!' Naisip ko nalang.

L = V (Complete)

3 = M - X (M is decoy)

% = I (Complete)

Agad ko na pinalitan ang meaning ng 3, L, at %. Ginawa ko na roman numerals lahat. At nakabuo na naman ako ng panibagong puzzle na masasagot ko na ng mas madali.

XXVIIV I VIIXVIIIVIXXVXIXXX I XXXVIIIVIXIXXXIXVIIIV I XXVIIIIXX I XVXXIXXXXIIIXIIXXIV I IXIVXXV I IIIXXIXVIIIXVIIIVXIVIIIIXVXIX

Nakuha ko na rin ang ibig sabihin nito sa wakas. Kaylangan ko paghiwalayin ang mga ito upang mas madali ko maintindihan ang mabago sa huling pagkakataon.

XX,VIII,V I VII,XVIII,V,I,XX,V,XIX,XX I XX,XVIII,V,I,XIX,XXI,XVIII,V I XX,VIII,I,XX I XV,XXI,XX,XXII,I,XII,XXI,V I I,XIV,XXV I III,XXI,XVIII,XVIII,V,XIV,III,IX,V,XIX

Matapos ko ito isalin ay nakagawa ako ng isang pangungusap. Kaya pala mahaba dahil sa maraming roman numbers ang nagamit pero ang tunay ng kahulugan nito ay sobrang ikli lang.

Pero kumunot ang kilay ko dahil sobrang dali pero kakaiba nag naging huling pagbabago ng codes sa first codec.

'The greatest treasure that out value any currencies.'

Maraming posibleng sagot pero mahirap pumili ng isa. Sa mga susunod na codec ko pa siguro makikita ang mga susunod na codec ko pa siguro malalaman ang sagot nito.

Pero hindi ako handan ng buklatin ko ang papel patungong Second Codec.

'Dafuq!'

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon