11:00 PM
Bryan's POV
"Hmm... Sino ba iyon? Gabing gabi na ehh."
Naalimpungatan ako dahil sa mga kaluskos ng dahin na nanggagaling sa labas. Madali kasi akong maistorbo kahit sa mga mahihinang tunog lang. Hindi ako naniniwala sa multo at kung sino man iyon ay hindi magandang idea ang paglalakad niya ng dis-oras ng gabi.
Kaya iniwanan ko muna si Steven na parang starfish na natutulog. Dahang dahan akong lumabas dahil baka maistorbo siya at kumuha ako ng kahoy dahil baka masamang tao na ang naglilibot sa paligid. Hinanap ko kung sino ang umistorbo sa tulog ko hanggang sa makarating ako sa dalampasigan.
May napansin akong tao na nakaupo sa buhanginan. Nakilala ko agad siya dahil sa damit na suot niya. Siya si Cynthia at suot niya ang damit na pinahiram ni Jannell. Nakatingin siya sa malawak na karagatan at may malalim siyang iniisip.
Kaya nilapitan ko siya. Gugulatin ko sana siya pero mukang di magandang idea iyon kaya di ko na tinuloy.
"Cynthia bakit ka nandito? Bakit gising ka pa?"
Lumingon siya sa akin pero bumalik din agad ang tingin niya sa malayo.
"Hindi kasi ako makatulog."
"Bakit? Kinakabahan ka ba sa parating na laban mo?"
"Oo Bryan. Tinatago ko lang sa inyo dahil sigurado na mag-aalala kayo para sa akin."
"Pwede ba umupo sa tabi mo?"
"Sige lang."
Umupo na rin ako sa buhanginan katabi siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi talaga makapag-isip ng maayos si Cynthia dahil sa kaba na bumabalot sa kanya.
"Bryan. Ano ba ang dapat ko gawin?"
"Teka? Sabi sa akin ni Jannell may plano ka na raw?"
"Kasi... Kaya ko lang sinabi iyon kay Jannell ay para umiwas na mapag-usapan ang tungkol sa laban ko. Pero kahit anong pilit ko ay di pa rin mawala ang kaba sa akin."
"Kung patuloy mo na iiwasan ang isang bagay. Ay lalo lang ito lalala."
"Siguro nga may punto ka. Pero malakas na kalaban si Ate Claire. Natatakot at kinakabahan ako ng husto."
"Paano ang mga pangarap mo?"
Tumahimik siya. Umabot ng ilang minuto bago ko putulin ang katahimikan.
"Mahirap nga mapunta sa kalagayan mo. Pero isipin mo ang mga nangyari sa buhay mo at ang mga pangarap mo para sa inyong magkakapatid. Di ka nakapag-aral dahil sa kakulangan ng pera at ayaw mo rin na umaasa sa iba lalo na sa mga pulitiko. Alam ko na nagkaroon ka ng pag-asa ng makasali ka sa palarong ito."
Pero tahimik pa rin si Cynthia. Kaylangan ko talaga palakasin ang loob niya dahil makaka apekto ito sa performance niya.
"Kung patuloy ka na magpapadaig sa mga negatibong damdamin mo, patuloy ka lang mahihirapan, di ka makakapagisip ng maayos at sa bandang huli ay matatalo ka. Ano ba ang dahilan at kinakabahan ka ng ganyan?"
"Natatakot ako Bryan. Natatakot ako ng matalo at baka ako ang maging dahilan ng pagkatalo ng grupo natin. Ang laki ng responsibilidad ko Bryan."
"Yun lang? Lahat naman tayo may pantay pantay na responsibilidad para sa grupo natin eh. Wag mo muna isipan ang ganyang mga bagay hanggat hindi pa natatapos ang laban nyo ni Ate Claire."
Naiinis na ako dahil sa mga sinasabi ni Cynthia. Si Cynthia, tahimik pa rin at nakatingin sa karagatan. Kaylangan ko na gawin ito para mawala ang kaba niya.
"Cynthia. Humarap ka muna sa akin."
"Huh? Bakit Bryan?"
"Basta! Humarap ka muna."
Humarap na siya sa akin. Kaylangan ko gawin ito para sa kapakanan niya.
"Ngayon pumikit ka. Didilat ka lang pag sinabi ko ok."
Pumikit na siya. Gagawin ko na pero sana wag siya mag-isip ng mga negatibo sa akin.
Nilapat ko ang mga palad ko sa kanyang malambot na pisngi ng marahan. At idinikit ko ang noo ko sa kanyang noo. May distansya ang mga labi namin na kung saan ay di magdidikit.
"Ngayon dumilat ka." Sigurado ako na nararamdaman niya ang mga ginagawa ko.
At dumilat siya. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mga mata niya.
"Bryan! Anong ginagawa mo!?"
"Cynthia. Wag ka kabahan. Isipin mo na nasa tabi mo lang kami at sumusuporta sa iyo. Alam ko na gagawin mo ang lahat sa laban mo. Kung matatalo ka man ay wala kang matatanggap na masasakit na salita galing sa amin dahil sa kaibigan ka namin Cynthia. Ginawa mo lahat ng makakaya mo at sapat na iyon."
Namuo ang mga luha sa mata niya. Pumikit siya at marahan na humihikbi.
*****
"Salamat Bryan sa ginawa mo. Ngayon di na ako natatakot o kinakabahan." Pasasalamat ni Cynthia sa akin. Nakatingin kami sa malawak na kalangitan na puno ng mga bituin.
"Walang anuman. Siyempre gagawin ko iyon. Para sa iyo."
"Bryan. Saan mo natutunan ang ganoon? Di ko inaasahan sa gagawin mo iyon para sa akin."
"Ahhm. Yun ba? Ginawa sa akin ng Ate ko iyon noong unang laban ko para sa Waxu. Ang galing nga ehh. Pero di ako umiyak katulad ng ginawa mo. Haha!"
"Haha! Loko loko ka talaga!"
Nagulat ako dahil sinandal ni Cynthia ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ako kumibo dahil baka maistorbo siya.
"Ang ganda ng langit noh? Ganito pag walang Light polution. Di tulad sa Maynila."
"Oo nga."
Nararamdaman ko na merong nagmamasid sa amin mula sa malayo pero di naman ako nakakaramdam ng takot o kaba. Kaya di ko nalang pinansin.
"Bryan. Mag kwento ka naman tungkol sa ate mo."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AbenteuerSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...