Chapter 20

31 6 0
                                    

Esteban's POV

Seven years na rin pala ang nakalipas. Pero hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw kung saan di kapani paniwala na nagkakilala kami. Siya ang bumago sa masalimuot na buhay ko.

[FLASHBACK]

Galing ako sa mayamang pamilya sa France. Ang pamilyang Weinlestre. Kilala kami dahil sa impluwensya at taglay na yaman. Higit sa lahat kilala kami sa taglay na kabaitan ng mga magulang ko. Pero di ako isa sa kanila.

Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Sinabi sa akin minsan ni Ama na ako ang magmamana ng kanyang mga yaman pag nawala na siya sa mundong iyo kaya naman naging kampante ako sa buhay ko. Nag bulakbol lang ako. Ang mga taon ko ay inubos ko sa walang katapusang lakwatsa, party, at bisyo. 'Bakit pa ako mag-aaral kung sigurado naman ang magandang kinabukasan ko? magkakaroon pa rin naman ako ng malaking kayamanan galing sa magulang ko.?'

Dahil doon ay madalas ko pagtawanan si William. Isa sa mga kapatid ko at nag-aaral ng husto. Dahil ssa wala siyang gaanong aasahan sa mga magulang ko. Natatawa ako sa kanya dahil sa wala siyang panahon na libangin ang sarili niya.

Pero nalaman ko na isang napakalaking kasinungalingan ang ginawa ko na pananaw sa buhay.

Nalaman ng ama ko ang lahat ng mga pinaggagawa ko sa Amerika. Hindi ko alam kung paano pero sigurado ako na may pinadala siya upang siyasatin ako at nalaman niya nga na ang pera na pinapadala niya sa akin ay napupunta lang sa lakwatsa, bisyo, at babae. Ang pinaka malala ay ng malaman niya na gumagamit ako ng pinagbabawal na gamot.

Agad niya akong pinabalik sa France at doon ay matinding panlalait, pambabatikos, at panlulubak ang natanggap ko sa aking galit na galit na Ama.

"Hindi ko akalain na isa ka palang napakawalang kwentang tao! Walang silbi!" Sigaw sa akin ng aking ama at binato niya sa akin ang baso ng alak na hawak niya.

Nakayuko lang ako. Hindi ko magawang ipakita ang muka ko sa kanila dahil sa matinding kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.

"Lahat ng gusto mo binigay namin! Pinadalhan ka namin ng pera na sobra sobra! Tapos malalaman ko nalang na lahat ng kinukwento mo sa akin ay pawang kathang isip lang!? Hayop ka! Di ko akalain na magagawa mo ito sa amin!"

"Tama na Gilbert. Maiintindihan din ng anak natin ang gusto nating mangayari sa kanya." Si Ina sinusubukan niyang pakalmahin si Ama pero-

"Anak!? Huh! Wala akong anak na tarantado at sinungaling! Wala akong anak na tanga na katulad niya! At higit sa lahat ay wala akong anak na hindi iniisip ang sarili niya!"

At dahil sa mga sinabi niya ay tuluyan na akong naluha. Guilty ako dahil sa hindi ko nagawa ang mga inaasahan sa akin ni Ama. Tama siya. Nakokonsensya na ako dahil sa mga narinig ko sa kanya.

"Hindi ka karapat dapat na magmana ng mga kayamanan ko! At higit sa lahat ay di ka karapat dapat na maging anak ko! Nagkamali ako dahil sa iyo ko tinuon ang buong atensyon ko. Kaya lumayas ka sa pamamahay na ito at wag ka ng babalik kahit kaylan!"

Mas lalo pa akong nasaktan sa mga sinabi ni Ama. Sobrang pagkakonsensya na ang gumugulo sa akin dahil sa mga pinagagawa ko. Gusto ko magsisi pero huli na ang lahat. Eto na siguro ang oras para tanggapin ang mga kasalanan ko.

Kaya pinunasan ko ang kanina pa na dumadaloy na luha at taas noo na tumingin kay ama.

"Humihingi ako ng tawad dahil di ko natupad ang mga inaasahan nyo sa akin. Hindi nga ako karapat dapat na maging anak ng isang katulad mo. Kung tutuusin si William talaga ang may karapatan na magmana ng lahat. Wag ka mag-alala dahil aalis na ako dito at hindi na babalik. Paalam at eto na ang huling beses na makikita nyo ako."

Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palayo. Pero lumingon ako sa huling pagkakataon at nakita ko si William. Malungkot siya na nakatingin sa akin.

*****

Nagawa ko makaalis sa France sa pamamagitan ng natitirang pera meron ako. Nakarating ako sa United Kingdom. Sinubukan ko tawagan ang mga naging kaibigan ko pero isa isa nila akong tinalikuran.

Nalaman ko na pera lang ang habol nila sa akin.

Dumating ang panaho na naging pulube na ako sa UK. Ang pera ko ay naubos sa pamasahe at pagkain. At ngayon ay ako na ang nanghihingi ng pera sa lahat ng dumadaan sa harap ko.

21 Years old ako ng umalis ako sa France. Isang taon na ang nakalipas at sa mga panahon na iyon ay nasanay na akong maging pulube.

Habang nakaupo sa isa parke ay tinitingnan ko ang mga tao sa paligid. May ilan na buong pamilya na namamasyal pero napansin ko sa kanila ang bagay na kumukurot sa puso ko. Kahit na simple ang buhay nila ay napakasaya naman nila na nagsasama. Naalala ko ang mga panahon na lagi ko pa inaasar si William noong mga bata pa kami at papasok ang sila Ama at Ina sa eksena at mahinahon kaming sasawayin. Sa kabila ng maraming trabaho ay lagi pa rin silang may oras para makipaglaro sa amin.

Dahil sa sobrang pangungulila ay unti unti na akong naiyak. Pumunta ako sa lugar sa parke na walang tao at doon umiyak ng umiyak habang nakaupo sa isang bangko. Wala na ang Pride ko. Nilabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa aking sarili.

"Bakit ka umiiyak?"

Nagulat ako sa hindi pamilyar na boses na angtanong sa akin. Pagtingin ko kung sino ay nalito ako. Hindi ko talaga siya kilala. Babae na kayumanggi ang balat, maliit, at may maamo at magandang muka. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay ningitian ako.


ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon