Chapter 46

22 4 0
                                    

Cynthia's POV


Agad ko na isinulat ang mga sagot sa blankong papel sa Fourth Codec. Hindi ko isinama ang nasa Third Codec dahil sa ang ibinigay nitong sagot ay ang instruction lamang para sa Fourth Codec.

Ang resulta sa First Codec ay isinulat ko. Ang mga numbers naman sa Second Codec ay sinaulo ko pa dahil sa alam ko na may paggagamitan ako ng mga numbers na ito.

Eto na ang pagtatapos...

Tiningnan ko muna si Ate Claire at seryoso siya sa pagsasagot. Tumayo na ako at pumunta sa pang-apat na quadrant ng White Box. Ayon na rin sa paliwanag na nasa Third Codec.

Ang buong galaxy na nasa litrato. Eto ang Milky Way, ang galaxy kung saan nakahimlay ang ating planeta pero ang tunay na sinisimbulo nito ay ang bird eye view ng buong kwarto kung saan kami naglalaban ngayon. Ang gitna ng cross ay ang lugar kung saan nakalagay ang puting lamesa. Si Ate Claire ay nasa kaliwang bahagi ng lamesa at ako naman ang nasa kanan kaya madali lang para sa akin na makapunta sa fourth quadrant ng hindi niya napapansin.

Kinuha ko ang pahina kung saan nakalagay ang Fourth Codec at dinala ko. Hindi ako napansin ni Ate Claire dahil nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa mga Codec na sinasagutan niya.

Narating ko na ang gitna ng Fourth Quadrant ng White Box. Lumuhod ako at nilapag ko sa sahig ang Fourth Codec na may nakasulat ng mga sagot. Sa isang iglap ay biglang itong binalot ng green na margin at may berdeng linya naman na gumagalaw ng pataas at pababa sa buong papel. Sa itaas ng papel ay may Green na sulat na nagsasabi ng SCANNING. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakakita ako ng ibang kulay sa paligid ng puting kwarto na ito.

At ang higit sa lahat ay tama ang hinala ko na ang buong sahig ay isang malaking digital screen. Namangha ako dahil nagawa ng Mythologia ang bagay na ito sa loob lang ng maikling panahon.

SCANNING COMPLETE!

Sa kanan ng papel ay lumabas ang isang pulang number keypad. At sa ibaba ng virtual number keypad. At sa ibaba nito ay may nakasalutan na dapat ko gawin.

'PLEASE. INSERT THE NUMBERS HERE.'

At sinunod ko naman ito sa pamamagitan ng pagpindot sa Virtual Number Keypad. Nilagay ko ang limang set ng numbers na nakuha ko sa Second Codec. Ang Space sa bawat dulo ng numbers ay katumbas ng Enter na nasa Keypad.

'PASSWORD VERIFICATION COMPLETE!'

May lumabas na pulang arrow sa ibaba ng mga pulang keypad. At ang itinuturo nito ay ang asul na sulat na nagsasabi ng mga susunod ko na dapat gawin.

'YOUR ALREADY USING IT.'

Sa ibaba ng asul na sulat ay lumabas ang isang asul na virtual keyboard na katulad ng sa mga computer. Ang asul na sulat ay isang clue at dahil dito ay agad ko na nalaman ang tanging sagot para sa tanong na may maraming sagot.

Nagtype na ako sa keyboard at nilagay ko ang kasagutan at ang huling bahagi ng mga dapat ko gawin....

KNOWLEDGE.

Pagkapindot ko ng enter ay mabilis na naging neon green ang buong White Box. Na sinundan naman ng nakakagulat na tunog na galing sa isang buzzer. Tumingin ako sa sahig at nakita ko ang huling mensahe na nagpangiti sa akin.

'CONGRATULATIONS! YOU FINISH THE MAZE! CLAIM THE TROPHY THAT REPRESENTS YOUR OVERWHELMING KNOWLEDGE!'

Nahati ang puting sulat at nagkaroon ng hiwa sa gitna nito na unti unting lumalaki. Sa malalim na hukay ay dahang dahan na umaangat ang bagay na tunay na sumisimbulo sa karunungan.

****

Claire's POV

Naramdaman ko ang paglalakad ni Cynthia papunta sa isang lugar dito pero hindi ko na binigyan iyon ng pansin. Naisip ko nalang na nangalay siguro siya sa matagal na pagkakaupo. At unti unti ko na rin nasasagutan ang Second Codec.

Hanggang sa nakuha ko na ang limang number set. Agad na akong pumunta sa Third Codec pero nabigla ako ng mabasa ko ang laman nito.

'Imposible!'

Kaya pala naglakad si Cynthia. Dahil sa....

MALAPIT NA NIYANG MATAPOS ITO!!!

Taranta akong pumunta sa Fourth Codec at ayon sa nakasulat sa pangatlo ay isinulat ko ang mga sagot sa una at pangalawa.

Pero huli na ako dahil saktong pagtayo ko upang pumunta sa First Quadrant ay bigla na lamang naging Neon Green ang buong White Box na sinundan ng isang nakakarinding tunog. Nabali ko ang hawak ko na panulat dahil sa halo halo na emosyon.

'Tapos na ba? Natalo ako?'

Hinanap ko si Cynthia at nakita ko siya na nakatingin sa akin. Hawak niya ang isang Transparent Crystal Brain. Walang emosyon ang muka niya. Dahil sa mga nakita ko ay napaupo nalang ako sa upuan ko at napayuko. Hindi ko siya kayang tingnan.

"Natalo nga ako." Ang salita na nabitawan ko dahil sa mga nangyari.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon