Chapter 13

43 9 0
                                    

Steven's POV

Ang Opir. Isang kumunidad na matatagpuan sa kabundukan ng Ternate. Ang mga bahay dito ay naghahalo sa tatlong kategorya:

Sosyal, Normal, at Simple.

Maraming mga magagarbong bahay dito na pinagawa ng mga mayayaman upang maging bakasyunan nila. Ang iba naman ay tahanan talaga ng mga permanenteng residente dito, pati na rin ang ilang kubo na pagmamay-ari ng mga magsasaka na may mga bukid sa gilid ng bundok.

Malamig, presko, tahimik, at malayo sa maingay at magulong mundo. Yan ang Opir. Kaya di na ako nagtataka kung bakit maraming nakatira dito kahit na walang internet connection at puno ng mga kwentong kababalaghan.

*****

"Wow!"

Namangha kaming lahat ng tumigil ang Van namin sa harap ng isang malaki at napakagandang bahay. Nasa harap kami ng gate nito pero kita na namin ang lawak nito. Nasa gitna ito ng malawak na hardin na puno ng iba't ibang puno at halaman. Kahit ang gate ay may disenyo na nagpamangha sa akin. Para itong gate sa isang Enchanted Garden. Kakaiba ang Vibes.

Bumukas ang malaking gate at may nagpakita na sikyo. Kinausap niya ang driver namin at sinasabi na pwede na kaming tumuloy sa loob.

Pinababa kami ni Ate Hera sa Van dahil sa ibang direksyon pupunta ang driver kaya napilitan kami na maglakad sa gitna ng malawak na hardin. Pero sulit naman dahil sa nabusog ang mata ko sa iba't ibang bulaklak na nakita ko. Yung iba ay di ko na makilala.

Mula sa labas ay para itong makulay na kastilyo. Pero ng pumasok kami sa loob ay mas lalo pa kaming namangha. Nasa loob ata kami ng bahay ng isang blue blood mula sa United kingdom.

Bumungad sa amin ang isang Red Carpet na nakalatag papunta sa isang hagdan na Hugis Y. May hagdan sa una at may dalawang hagdan ulit pag naaakyat mo na ang unang hagdan. Nagkalat din ang iba't ibang estatwa. Mataas ang kisame at dito nakasabit ang napakalaking chandelier na gawa sa kristal at kinakalat ang liwanag na galing sa mga araw na pumapasok sa bahay.

"Teka? Ano ba ang pinasok natin? Bahay o Resort?" Nakakatawang tanong ni Bryan. Pero walang nakasagot sa amin dahil sa matinding pagkamangha.

Lumabas mula sa gilid ang isang lalake na nakasuot na parang pang waiter. Hindi siya pilipino dahil una sa lahat ay matangkad siya, mga 6'5 siguro at matangos ang ilong. Maputi rin siya at blonde ang buhok. At kung isa akong babae na adik sa mga gwapo ay marahil tumili na ako. Kaso hindi.

"Maligayang pagpasok sa Malteza Residence. Sumunod kayo sa akin at ililibot ko kayo sa buong bahay." Bati niya sa amin. Nagulat kaming lahat dahil sa napakalinis ng pagtatagalog niya.

Nilibot namin ang iba't ibang sulok ng napakalaking bahay. Mula kusina, Library na kung saan nagtagal si Cynthia ng ilang minuto, dining room, living room, at iba pang mga kakaibang kwarto gaya ng play room, Laboratory at Astrology area (Rooftop) na kung saan nakalagay ang mga telescope.

"Nakalimutan ko nga pala ipakilala sa inyo ang aking sarili. Ako si Esteban Weinlestre at ako ang Butler ng Malteza clan." Pagpapakilala niya sa amin.

"Ahm Sir Esteban. Ano po ang lahi nyo?" Tanong ni Cynthia.

"Bakit mo naman natanong?" Balik na tanong ni Esteban.

"Kasi po ahmmm.. Nalilito kasi ako."

"Pranses ako. Kung iniisip nyo na kano ako ay nagkakamali kayo."

"Ahhh. Ok Thanks. :3"

"Buti naman naliwanagan ka na. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko na kayo sa kwarto kung saan naghihintay si Ms. Malteza."

Naglakad ulit kami hanggang sa marating namin ang kwarto na tinutukoy ni Sir Esteban. Nang buksan niya ang pinto ay nasilaw kami sa matinding liwanag na nanggagaling sa malaking bintana. Nasanay ang mata namin at bumungad sa amin ang malawak na kabundukan at kagubatan ng Opir mula sa malaki at bilog na glass window. Napansin din namin ang isang upuan na nakaharap sa tanawin ay may nakaupo dito.

"Ma'am nandito na po sila." Sabi ni Sir Esteban. Marahil siya na si Ms. Galaderza.

"Tumayo ang babae na nakaupo sa magarbong silya at humarap sa amin. Habang naglalakad siya papalapit ay mas lalo naman akong namamangha. Grabe to!

Para akong nakatingin sa isang diwata. Diwata na nakasuot ng napaka gandang dress na bumabagay sa kanyang puting balat at napaka among muka.

"Kayo ba ang tinutukoy ng Mythologia Organization?" Tanong niya sa amin at dahil sa bakas sa aming apat ang matinding pagkamangha ay si Ate Hera na ang sumagot sa tanong niya.

"Oo. Kami nga. Ako nga pala ang nangangalaga sa kanilang apat. Ang panglan ko ay Hera Samson. Ikaw ano ang pangalan mo?"

"Ako nga pala si Claire Chealsea Malteza. Tawagin nyo nalang akong Claire. At sino sa kanila ang makakalaban ko?"

"Ah. Tungkol sa bagay na iyan."

Lumapit si Ate Hera kay Cynthia na kasalukuyan pa rin nakatitig sa napakagandang si Ate Claire.

"Siya ang makakalaban mo Claire. Ang pangalan niya ay Cynthia Villacarlos. At tulad mo ay may taglay din siyang katalinuhan. Kayong tatlo ipakilala nyo rin ang mga sarili niyo." Utos sa amin ni Ate Hera.

"Ako si Bryan Talisco."

"Jannell Demetreo."

"Ang pangalan ko ay Steven Mendez."

"Oh. Tamang tama para sa laro na naisip ko. Sumunod muna kayo sa akin at doon ko na rin ipapaliwanag ang laban natin Cynthia."

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon