Chapter 25

26 5 0
                                    

Jannell's POV

"Jannell."

"Bakit Cynthia?"

"Sa tingin mo sino kanila Bryan at Steven ang mas mabilis lumangoy?"

Tanong sa akin ni Cynthia. Dahil sa tirik ang araw ay sumilong muna kami sa ilalim ng malaking punong sampalok. Pinapanood namin ang laban nila Steven at Bryan mula sa malayo.

"Ahmm. Siguro si Bryan. Mas sanay kasi siya sa languyan eh."

"Ako rin kay Bryan boboto. Pero maiba tayo Jannell. Sagutin mo ang tanong ko ah."

"Ano ba yang tanong mo?"

"Kasi Jannell. Bakit ka nga pala nag blush ng makita mo na nag blush din si Steven?"

Nabigla ako dahil sa tanong niya. Nag blush nga ako ng makita ko si Steven na nag blush pero hindi ko alam kung bakit at paano nangyari ang bagay na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil una sa lahat ay nakakabigla ang tanong ni Cynthia na parang nasa hot seat ako at pangalawa naiisip ko si Steven. Wala akong alam.

Kaya sinubukan ko nalang na ibahin ang usapan upang makaiwas.

"Cynthia naman eh. Pag-usapan nalang natin ang tungkol sa laban mo."

"Tapos at handang handa na ako. Tapos na akong mag training kaya tapos na ang pag-aaral ko. Wala ng dapat pag-usapan. At wag mo baguhin ang topic! Ayieee!!"

Kinikilig ang hibang. Mukang di ko talaga matatakasan ang hot seat. Buset!

"Oo na, Basta mangako ka na hindi mo ipagkakalat ang lahat ng sasabihin ko ah?"

"Sure! Sabihin mo na dali!"

"Thanks. Ano nga ulit yung tanong mo?"

"Haha! Bakit ka nag blush ng makita mo si Steven na nag blush?"

"Ahmmm. Ang totoo Cyn. Di ko rin alam eh."

"Paanong di mo alam?"

"Ewan ko pero ng makita ko si Steven na nasa ganoong lagay ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at namula na nga ang pisngi ko, Di ko talaga alam Cyn. Wala akong alam."

"May pagtingin ka ba sa kanya?"

"What!? Wala! Wala akong alam sa ganyang mga bagay."

"Sigurado ka ba?"

"Kilala mo naman ako Cyn. Wala akong hilig jan sa LOVE na yan."

"Hindi naman kasi Hobby ang love eh unless kung lalakero ka. Bigla nalang yan dadating ng di mo inaasahan."

"Posible ba na may gusto ako kay Steven at hindi ko alam."

"Pwedeng ganoon nga. Hindi mo kasi mararamdaman yan kung wala kang pagtingin sa kanya."

"Eh sa wala nga eh!"

"Hindi gusto ng isip mo. Eh paano ang puso? Diba nga sinasabi ng mga Love freaks jan na minsan lang magkasundo ang utak at puso? Puso ang nagdidikta."

"Tsk! Wala nga akong pagtingin sa kanya! Bakit kasi pinapalaki ang simpleng problema eh!"

Naiinis na ako. Di ko mapigilan."

"Haha! Ikaw naman nainis agad. Sorry na. Pero kahit anong tanggi mo ay talagang dadating sa iyo yan."

"Edi wow! Tulungan na nga lang natin si Ate Hera sa paghahanda. Para naman makakain na tayo."

"Deny pa more! Haha! Tara pabayaan na nating magkaroon ng Sun burn yung dalawa.. Sumunod nalang tayo sa kanila mamaya."

Tinulungan namin si Ate Hera sa paghahanda. At tinawag na namin sila Bryan at Steven para kumain. Napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Cynthia.

'Posible kaya?'

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon