Prologue

167 17 2
                                    

?'s POV

"Bilisan nyo ang pagtakbo! Papunta sila sa pangpang at malilintikan tayo pag di natin nahuli ang mga nakatakas na bihag!"

"Bilisan mo! Hindi dapat nila tayo mahuli!"

Binuhos na naming dalawa ang aming lakas sa pagtakbo upang matakasan ang mga gwardya na humahabol sa amin. Pero hindi rin sila magpapatalo at nakakasabay pa rin sa mabilis naming pagtakbo.

Ilang metro nalang ang layo namin mula sa dalampasigan kung saan naghihintay sa amin ang isang maliit na balsa na ginawa namin ng patago. Kaso laking pagkainis ko na palpak ang pagkakagawa ng balsa. Masyadong maliit para sa aming dalawa.

Pero kahit na may depekto ay sumakay pa rin kami. Ang problema nga lang ay hindi na makaandar ang maliit na balsa dahil sa bigat naming dalawa. Kaya may naisip na ako na plano.

"Teka!? Ano ang ginagawa mo!?" Tanong sa akin ng kaibigan ko dahil nakita niya ako na bumaba sa balsa.

"Walang mangyayari kung pipilitin natin na mapaandar ang balsa na sakay tayong dalawa. Sa huli ay madadakip pa rin nila tayo!"

"Wag mo sabihin na-" Nahulaan na niya ang balak ko.

"Oo. Pasensya na kung hindi kita masasamahan."

"Ayon ang mga takas!"

Sumulpot mula sa masukal na kagubatan ang mga gwardya. Kitang kita ko sila dahil sa sinag ng buwan. Dahil sa nangyari ay dahan dahan ko ng tinulak ang bangka.

"Teka!? Wag mo gawi-"

"Ito nalang ang natitirang paraan!"

Tumahimik siya dahil sa sinabi ko. May naisip ako na bagay na dapat niya gawin kaya agad ko hinubad ang singsing sa kanang kamay ko. Inilapag ko ito sa palad niya at pinahawak ko ng mahigpit sa kanya.

"Ibigay mo ito sa nag-iisang anak ko kung makakaligtas ka sa karagatan. Yan na lang ang alaala na maibibigay ko sa kanya kaya sana wag mo akong bibiguin."

Ang nag-aalalang muka niya ay napalitan ng katatagan. Siguro napagtanto na niya ang mangyayari.

"Sige. Makakaasa ka."

"Salamat...

at paalam."

Ang mga huling sinabi ko bago ko tinulak ang balsa ng sobrang lakas. Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo bago tuluyang nagsagwan palayo sa impyernong isla na naging kulungan namin.

Agad na akong bumalik sa buhanginan upang harapin ang mga humahabol sa amin. Naririnig ko pa ang paguusap nila.

"Ang lakas ng loob nito na tumigil sa harap natin."

"Pinuno. Paano yung isang nasa balsa?"

"Pabayaan nyo na. Sigurado na hindi siya makakaligtas sa bagsik ng malawak na karagatan."

"Oo nga noh."

"Sa ngayon. Hulihin muna natin ang pangahas na ito. Sugod!"

Sabay sabay silang sumugod. Mga baton lang ang sandata nila kaya naging kampante ako na makakatagal ako.

Napangiti ako dahil sa nangyayari.

"SIGE!!! SUMUGOD KAYO!!! HINDING HINDI KO KAYO AATRASAN!!!"

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon