Cynthia's POV
"Tao po! Jannell nadiyan ka ba!?" Sigaw ko sa harap ng pinto ng bahay. Nakakahiya naman kasi kung basta basta nalang ako papasok ng walang pahintulot.
Eto na rin ang huling araw ko para makapag review. Talagang pinaghahandaan ko ang laban namin ni Claire dahil una sa lahat ay gusto ko manalo at para di ko na rin mabigo si Ate Claire sa expectations niya sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Jannell. Pero nagtaka ako sa itsura niya ngayon na naka beach sandals, shorts, at fit na t-shirt. May dala rin siyang back pack at may nakapatong na sunglasses sa ulo niya. Para ba siyang turista dahil sa suot niya.
"Teka Jannell anong meron at nakaganyan ka?" Tanong ko sa kanya dahil nalilito talaga ako.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Biglang kumunot ang kilay niya. Hula ko ay naiinis siya sa akin pero ewan ko lang kung saan.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya sa akin.
"Eh?"
"Haykss! Hayaan mo na nga!"
"Teka? Ano ba kasin-"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa bigla akong hinila ni Jannell. Hawak niya ang braso ko at nadadala ako sa lakas niya. Napipilitan akong maglakad dahil sigurado na makakalagkad ako ni Jannell. Kahit Petite ang katawan niya ay may lakas pa rin siya gaya nito.
"Teka! Saan ba kasi tayo pupunta!?" Tanong ko sa kanya. Naiinis na ako.
"Sa Kamandag."
"What!? Anong gagawin natin doon?"
"Basta! Mamaya ko nalang papaliwanag."
"Ahmm.. Ok." Napilitan na ako.
Ilang minutong paglalakad pa ay narating namin ang Van ni Ate Hera. Nakita ko rin sila Bryan at Steven at tulad ng pormahan ni Jannell ay naka beach wear din sila. Si Ate Hera naman ay may suot na summer dress na kulay dilaw. Nahiya tuloy ako dahil sa suot ko ngayon.
"Bilis. Sakay na agad kayo." Utos ni Ate Hera at agad naman kaming sumunod.
Habang bumibiyahe ay naisipan ko na tanungin sila upang masigurado na tama ang iniisip ko.
"Teka guys? Mag-aaral pa ako. Bakit nyo naman na mag-relax? Bukas na ang laban ko."
"Kasi Cyn. Minsan kaylangan mo mag-relax. Ilang araw ka na puro aral ang inaatupag at dahil doon ay sigurado na pagod na ang utak ko. Magpahinga ka muna. Just relax ok." Paliwanang ni Steven.
"Ehh. Bakit di nyo sinabi sa akin?"
"Hindi nyo pala sinabi sa kanya?" Tanong ni Jannell.
"Oo. Kasi sigurado na gagawin mo ang lahat para tumanggi. Kaya surpresa ang ginawa namin para di ka na makatanggi."
"Kala ko naman sinabi nyo sa kanya. Nagtaka pa tuloy ako sa suot niya ngayon."
"Loko kayo! Naisahan nyo ako doon ah!" Dinaan ko nalang sa tawa ang pagkagulat ko. Tama sila. Siguro kaylangan ko rin mag relax.
"Nakakahiya tuloy. Di ako nakapag suot ng mas maayos na damit.." Panghihinayang ko at dahil doon ay nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AbenteuerSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...