Chapter 6

73 14 0
                                    

Steven's POV

Marahil swerte ako dahil sa tumugma ang lahat ng katangian na pinapahanap sa akin ni Ate Hera sa mga kaibigan ko pero medyo naguguluhan ako. Nalilito ako kung coincidence lang ba ang lahat?

Si Bryan Talisco. Napunan niya ang katangian na Physically fit dahil isa siyang atleta sa aming School na pinagmulan. Lagi siyang pambato pagdating sa running, football, basketball, at iba pang sports kaya tinuring siyang MVP. Well trained siya at alaga ang katawan dahil dito ay sobrang tikas ng kanyang pangangatawan. Ang pagkasunog naman ng kanyang balat ay resulta ng pagkabilad niya sa araw pag nagtatanim sa bukid.

Cynthia Villacarlos. Ang top notcher at kahit minsan ay di nawala sa Rank 1 sa section namin. Napakatalinong babae na hindi na ata angkop ang katalinuhan sa kanyang edad. Napakahusay hindi lang sa Academic subjects kundi pati na rin sa mga bagay na hindi naman naituturo sa paaralan. Kaso mahina ang pangangatawan niya kaya maliking problema niya ng P.E. Madaling mapagod at lampa pero matalino siya at yun na yon.

Ang weird sa amin. Si Jannell Demetreo. Laging puyat kaya sa umaga ay lagi namang tulog or kung kakayanin ay gising pa rin. Ang pagpupuyat niya ay dulot ng paglalaro niya ng mga online games sa kanyang personal computer. Moody si Jannell at unpredictable ang ugali kaya madalas siya maiinis kahit sa maliit na bagay pero ang pinaka maganda sa kanya ay hindi siya yung tipo ng babae na Cry baby. Sana nga lang wag maka apekto ang ugali niya sa gagawin namin.

*****

1:00 PM. Pinuntahan namin ni Bryan sila Cynthia at Jannell sa Baranggay hall. Pero napansin namin na hindi pa rin sila nagkikibuan at ang layo ng agwat nila sa isa't isa. Mukang di pa rin humihingi ng tawad si Jannell.

"Oy! Dali! Tara na pumunta na tayo sa Plaza!" Tawag ko sa kanila at agad naman nila kaming napansin at agad na naglakad papunta sa amin. Pero di pa rin sila nagdidikit.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang Plaza. Nilapitan ko si Jannell at pinakiusapan na humingi ng tawad kay Cynthia bago pa mahuli ang lahat.

"Ano Jannell nag sorry ka na?"

"Hindi pa. Nahihirapan ako. Parang di ko kaya."

"Nako naman Jannell. Sigurado ako na hanggang ngayon ay naghihintay lang siya na humingi ka ng tawad."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Kaya wag ka mawalan ng pag-asa. Kaya di kumikibo iyon dahil sa pinapakiramdaman ka lang niya. Ngayon subukan mo na."

Ngumiti siya. Pero may kakaiba akong naramdaman ng makita ko nag matamis niyang ngiti na minsan ko lang makita. Hindi ko nalang pinansin dahil sa seryoso ang mangyayari mamaya.

"Salamat Steve. Bestfriend talaga kita." inangat niya ang kanyang kanang palad at nag alok na makipag apir sa akin. Sinakyan ko naman ang gusto niyang mangyari.

Nasa kalagitnaan na kami ng tulay Maragondon. Tumigil si Jannell dahil doon ay tumigil na rin kaming tatlo na nasa likod niya. Napangiti ako dahil alam ko na ang mangyayari.

"Ahmmm... Cynthia... G-gusto ko s-sana mag sorry sa iyo dahil pinagbintangan kita." Pautal utal na sambit ni Jannell.

"Ano. Yung tungkol sa nawalang kwintas mo?"

"Oo. Ang totoo kasi ako talaga ang may kasalanan kung bakit nawala ang kwintas ko. Nagkamali ako dahil pinagbintangan kita. Sorry Cynthia."

"Eh?" pokerface at walang reaksyon si Cynthia.

Dahil sa reaksyon ni Cynthia ay biglang nalungkot si Jannell.

"Siguro nga di mo na ako mapapatawad. Napakalaki ng epekto ng ginawako sa pagkatao mo ata alam ko na matindi ang galit mo sa akin. Sige uuwi nalang ako."

Naglalakad na pauwi si Jannell habang nakayuko at nakatingin sa lupa pero pinigilan siya ni Cynthia.

"Sandali! Ikaw naman porket di lang ako nakapag salita sa sinabi mo eh sumuko ka na. Halika nga dito."

Lumapit si Jannell kay Cynthia. Ngayon ay magkaharap na sila. Ipinatong ni Cynthia ang dalawang palad niya sa balikat ni Jannell at ngumiti.

"Kung iniisip mo na may matinding galit ako sa iyo at hindi na kita mapapatawad. Nagkakakamali ka. Kahapon napagtanto ko na kahibangan na alalahanin ko pa ang nangyari noong nakaraang taon at sobrang liit lang nun. Naguguluhan ka lang siguro kaya ako ang pinagbintangan mo pero tulod nga ng sinabi ko. Past is past.

"Talanga Cyn?" umaliwalas ang muka ni Jannell.

"Oo naman! Kaya Jannell. Pinapatawad na kita."

Sa sobrang tuwa ay niyakap ni Jannell si Cynthia ng sobrang higpit.

"Salamat Cyn! Salamat!"

"Hahahah! Isang taon ko rin inantay yang sorry mo."

Dahil sa sinabi ni Cynthia ay nagtawanan kami. Buti nalang at sinadya ko si Cynthia at sinabi ko ang tunay na nangyari. Kaya hindi na masama ang loob niya.

*****

Lumipas ang ilang minuto. Narating na namin ang Plaza at mula sa malayo sinabi ko na sa kanila kung sini ang tinutukoy ko na kakausap sa kanila. Nagulat si Bryan at napa WOW siguro dahil nagandahan siya kay Ate Hera. Sabagay maganda naman talaga si Ate Hera.

Nakalapit na kami kay Ate Hera at tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. Nang matapos ay kumunot ang kanyang kilay at mataray na nakatingin sa aming apat.

"Ganyan lang ang suot ninyo?"

Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng Sleveless na damit at maong shorts na kupas. Tiningnan ko naman si Cynthia na nakasuot ng Kamiseta at Shorts na abot hanggang tuhod. Si Bryan naman ay Maluwag na Kamiseta at Basketball shorts, at si Jannell naman ay nakasuot ng Jogging pants at Long sleeve na kinataka ko naman dahil sa hindi siya naiinitan.

"Ahhmmm... Opo." Sagot ko,

"Mag palit nga kayo ng Disente! Dali at Aalis na tayo!"

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon