Steven's POV
"Magandang hapon sa inyo mga Orb Seekers. Maligayang pagdating sa Branch ng Mythologia Organization. Tuloy kayo." Pabungad na bati sa amin ng misteryosong manager ni Ate Hera.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Orb Seekers? 'Kami? Teka? Ano ba talaga ang gagawin namin?'
Tumuloy na kami sa loob ng opisina ng manager at umupo sa mga upuan na tinuro niya.
"Wala siguro kayong kaalam alam kung bakit kayo nandito."
Tumango kaming apat. Inayos niya ang salamin niya sa mata na may grado. Sa tantya ko ay nasa 50's ang edad niya dahil sa kulubot nuyang muka, inaatake na rin ng pagkauban ang kanyang buhok. Isama na rin ang suot niyang salamin.
"Bago ko ipaliwanag ang lahat ay magpapakilala muna ako sa inyo. Ang pangalan ko ay Alberto Carissma, ang Manager ng Mythologia Organization-Cavite Branch at siya ang Secretary ko."
Tinuro ni Mr. Carissma si Ate Hera. Kaya pala lagi siyang inaasikaso ng mga Empleyado. Ang taas pala ng rango niya dito. At kung Branch pa lang ito. Nasaan ang Main?
"Ang layunin ng Organization namin ay humanap ng mga karapat dapat na kabataan upang tulungan na umunlad sa buhay. Mga kabataan na may talino, lakas, diskarte, moralidad, respeto, at pangarap sa buhay. Ang sakop lamang ng Branch namin ay ang buong Cavite at Ikaw ang napili namin na lumahok sa Event na ito. Ikaw at ang mga napili mong mga kasama ay haharapin ang lahat ng hamon na ibibigay namin sa inyo. At meron lamang kayong isang pangunahing dapat gawin."
Nagkatinginan kaming apat. Nagiisip kung ano ang sasabihin ni Mr. Carissma.
"Tinawag ko kayo na Orb Seekers dahil sa ang bawat isa sa inyo ay dapat makakuha ng isang Orb mula sa mga Orb Holders na nangangalaga dito."
"Teka? Gusto mo na magnakaw kami?" Pagtataka ni Jannell. Pero sa tingin ko ay hindi ganoon ang gagawin namin.
"Hindi kayo magnanakaw ng kahit ano. Ang gagawin nyo ay kuhain ang mga Orb sa pamamagitan ng pagtalo sa mga Orb Holders sa laban na sila mismo ang pumili."
"Ibig sabihin ay bawat isa sa amin ay dapat makakuha ng Orb. At dapat makuha namin ang lahat ng Orb na hawak ng apat na Orb Holder?" Tanong ni Cynthia.
"Tama ka hija. Pero wag kayo masyadong makampante dahil sa oras na matalo ang kahit isa sa inyo ay GAME OVER na. Hindi na sila pwedeng kalabanin ulit."
"Ahh ganon pala. Pag nanalo kami at nakuha ang apat na Orb ay kami ang makakakuha ng premyo. Pero pag may natalo sa amin na kahit isa man lang, ibig sabihin ay talo na kaming lahat at ang mga nakuha naming Orb ay ibabalik namin. Ganyan ba ang patakaran ng pagsubok?" Pagbubuod ko sa mga sinabi niya. Tumango siya, senyales ng pagsang-ayon.
"Meron bang mamamatay dito?" Akala ko ay nagloloko lang si Bryan sa tanong niya pero napansin ko na seryoso siya.
"Depende na sa inyo iyon. At laging may nakaantabang Medical Team kung masyadong peligroso ang Laro na napili ng Orb Holder. Kung may mangyayari mang masama ay kami ang sasagot ng lahat ng gastusin."
"Eh paano kung matalo kami? Ano na ang mangyayari sa amin?" Tanong naman ni Cynthia.
"Babalik kayo sa dati nyong buhay."
Tiningnan ko silang tatlo. Nararamdaman ko sa kanila ang Determinism na makaalis sa kasalukuyan nilang buhay. Katulad ng Determinasyon ko.
"Ano may tanong pa ba kayo?"
"Oo. Pero may isa pa akong tanong. Paano namin mahahanap ang mga Orb Holders?" Tanong ko kay Mr. Carissma.
Wala kaming kaalam alam kung sino ang mga Orb Holders.
"Oo nga pala! Tungkol sa bagay na iyan. Bakit ko ba nakalimutan sabihin."
Tumayo si Mr. Carissma at naglakad siya papunta kay Ate Hera. Nagulat kami pati na rin si Ate Hera dahil bigla siyang inakbayan ng matanda.
"Si Miss Hera na ang bahalang magdala sa inyo sa Orb Holders. Makakasama nyo siya sa mga laban nyo."
Halata kay Ate Hera ang pagkailang. Inangat niya ang nakaakbay na braso ni Mr. Carissma at inalis.
"Pwede ba manager! Magpakatino naman kayo! Naiilang ako at may mga bata dito."
Kaming apat ay nakatingin lang sa kanila. Para sa akin ay para silang may relasyon at nangangasim ang muka ko pag naiisip ang relasyon na iyon.
"Ehem! Sorry." Paghingi ng tawad ni Mr. Carissma.
"Ikaw kasi ehh... Hindi na ako bata para kulitin mo pa ng ganun." Inis na sabi ni Ate Hera.
"Ang totoo ay pwedeng ang mga Orb Holders na rin ang lumapit sa inyo. Kaya dapat lagi kayong maging handa dahil dadating sila ng di inaasahan."
Tinapos ni Mr. Carissma ang usapan namin. Pauwi na kami sa Ternate at nakasakay ulit kami sa Van ni Ate Hera. Nag iisip ako tungkol sa mga Orb Holders at sa mga kakayahan namin pero naputol ang pag iisip ko ng maramdaman ko nalang na nakapatong na pala ang ulo ni Jannell sa Balikat ko. Ang sarap ng tulog niya.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AventuraSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...