Chapter 5

74 13 0
                                    

Jannell's POV

"Mega creeps nyo na hanggat patay pa silang lahat!"

Ang hirap pasunudin ng mga kakampi ko sa Dota 2 kahit microphone na ang gamit ko para kausapin sila. Sa kabutihang palad ay nagawa namin talunin ang kalaban bago pa kami mabaligtad ng mga to. Agad na ako nag log-out sa Steam at pinatay ang computer. Tiningnan ko naman ang facebook sa Cp ko.

"Jannell! May naghahanap sa iyo!"

'Tinatawag ako ni Nanay?' kahit kulob ang kwarto ko ay narinig ko pa rin ang sigay ni nanay dahil sa kakaibang lakas nito na tamang tama lang upang gisingin ang tulog mantika niyang anak upang pumasok sa school ng maaga.

Kaso di na ako estudyante ngayon. Bakit kaya?

Bumababa pa lang ako sa hagdan ay nakita ko ang dalawang asungot na nakaupo sa sofa. Sila Steven at Bryan. Bakas sa muka nila ang pagkainip, Napansin nila ako kaya agad ko inayos ang magulo kong buhok upang di magmukang kahiya hiya sa kanila.

"Bakit kayo nandito?" panimula kong tanong sa kanila.

"Teka? Bakit ganyan ang itsura mo?" pabalik na tanong sa akin ni Bryan. Hindi naman ako nainsulto sa sinabi niya dahil totoo naman na nakasuot lang ako ng pantulog dahil di naman ako gaanong nalabas ng bahay.

"Alam nyo naman na minsan lang ako lumabas ng bahay diba? Bakit pa ako magsusuot ng disente?"

"Pero babae ka. Dapat marunong ka mag alaga sa sarili mo." saway sa akin ni Bryan.

"So what? Buhay ko ito."

"Pwede ba wag na kayo mag away! Hindi kami pumunta dito para lang makipag away sa iyo."

Tumigil na kami ni Bryan sa pag-aasaran dahil mukang bad trip na rin si Steven sa amin. Kaya naisipan ko na lang na bumalik sa topic.

"Steve. Ano ba ang dahilan at pumunta kayo dito?"

"Kasi Jannell. Diba gusto mo magbago ang buhay mo?"

Nagulat ako sa tanong niya. Isang taon na rin akong tambay dito sa bahay namin. Naglalaro lang ng computer games umaga at hapon. Gusto ko sana mag-aral kaso hindi muna pwede dahil sa kanya. Kaya ko tiisin lahat para kay ate Kate.

Pero ng marinig ko ang sinabi ni Steven. Bigla akong nagkaroon ng pag-asa. Hindi pa man niya sinabi kung paano ay umaasa agad ako na makakapag-aral ako ng hindi nakakaapekto kay ate. Kung totoo nga ang sinasabi niya na mababago ang buhay ko, gagawin ko ang lahat.

"Magkaiba tayo ng dahilan pero pare pareho lang tayong apat na di makapag aral ngayon. Hindi ka makapag aral dahil sa kanya diba?"

Ang tinutukoy noi Steve ay si ate Kate. Sa kanilang tatlo ay si Steven lang ang lubos na nakakaalam ng kalagayan ko ngayon dahil sa may tiwala ako sa kanya.

"Ano gusto mo magkaroon ng magandang kinabukasan?" tanong niya ulit sa akin.

"Oo naman! Pero paano?"

"Basta. Ang kaylangan mo lang gawin ay pumunta ka sa Baranggay hall mamayang 1:00 PM. Doon tayong apat magtitipon bago pumunta sa Plaza. Bawal ang Filipino Time at siya na rin ang bahalang magpaliwanag sa inyo."

"Sinong siya?"

"Makikilala nyo rin mamaya."

"Ok. Sisiguraduhin ko na makaka-"

Naputol ko ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Steven.

"Pero. Hinihiling ko na sana magkasundo muna kayo ni Cynthia. Mahalaga na maputol ang mga alitan natin sa isa't isa."

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. May kasalanan ako na kaylangang pagbayaran at iyon ay ang hinihiling ni Steven. Ang humingi ako ng tawad kay Cynthia dahil sa pamimintang ko sa kanya.

"Sandali lang Steve may kukunin lang ako sa kwarto ko. Maghintay lang kayo jan." nagpaalam ako sa kanila upang kunin ang naging ugat ng alitan namin ni Cynthia.

"Sige."

Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang kwintas na bigay pa sa akin ni ate Kate. Bumalik ako sa sala at pinakita sa kanila ang kwintas.

"Teka? Yan ba yung nawawalang kwintas na sinasabi mo?" tanong sa akin ni Bry.

"Yup. Akala ko may nagnakaw sa room natin pero nakita ko sa ilalim ng unan ko. Gusto ko sana na humingi ng tawad kay Cynthia kaso di ko magawa dahil natatakot ako na di na niya ako patawarin."

"Alam mo may punto ka Nell. Alam mo ba galit na galit si Cynt-"

"Bryan! Wag mo nga panghinaan ng loob si Jannell!"

"Teka Steve! Di pa ako tapos mag salita! Alam mo Nell. Kung gusto mo talagang mapatawad ka niya. Kaylangan harapin mo siya at buong pusong sabihin mo ang iyong sorry. Para sa mas malakas na tama lumuha ka at lumuhod sa harap niya."

Binatukan ko si Bryan dahil sa pang aasar niya.

"Aray! Bakit mo naman ako binatukan?"

"Ehhh pinagtritripan mo ako ehh. Pero salamat ahh."

"Welcome. Pero kung hinhingi ng pagkakataon. Iiyak ka talaga. Hahahah!"

"Loko! Game! Hihingi ako ng tawad kay Cynthia. Sana lang talaga mapatawad niya ako."

"Wag ka mag alala Jannell. Mapapatawad ka niya."

"Talaga Steve?"

"Oo. Sayang naman ang pinagsamahan nyo kung mapuputol lang ng simpleng alitan."

"Oo nga Steve. Tama ka. Sige buo na ang loob ko!" sigaw ko na puno ng determinasyon habang sila Steven at Bryan naman ay pumapalakpak.


ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon