Steven's POV
Natulala kaming lahat. Hindi makapaniwala sa mga eksena na nakikita namin sa loob ng White Box. Kahit si Citruss ay natulala dahil sa di inaasahan at nakakatakot na ikinikilos ni Ate Claire.
Wala man ang ibang detalye pero sapat na ang mga ikinikilos niya ngayon upang maipakita niya ang lahat ng kanyang emosyon at higit sa lahat...
Isang maliit na bahagi ng kanyang nakaraan.
May kung sino siyang sinasaksak sa sahig at may hawak siyang kutsilyo. Hindi rin maikumpara ang galit na nararamdaman niya sa tao na kinapopootan niya.
"Sigurado na ako kung ano ang mga nakikita nila." Sagot ni Citruss. Pero kanina ko pa alam kung ano ang nahulaan niya.
Walang makapagsalita sa amin. Hindi pa rin mawala ang tingin namin kay Ate Claire maliban kay Ate Hera na tinakpan ang sariling mga mata.
"Sigurado na ako. Ang mga nakikita nila ay mga bahagi ng kanilang nakaraan."
Nagulat ng husto si Sir Esteban. Marahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari at sa sinabi ni Citruss.
"N-nakaraan!? Wag mo sabihin na lahat ng mga kinikilos niya ay bahagi lamang ng kanyang nakaraan!" Mataas na boses na sagot ni Sir Esteban.
"Pero iyon ang katotohanan Esteban. Binabalik lamang ng kanilang utak ang ilan sa kanilang mapapait na nakaraan. Kung ano ang mga nakikita natin na ikinikilos nila ay may kinalaman sa mga nakikita nilang ilusyon."
"Pero imposible na pumatay siya!"
"Oo. Maari na matino si Claire. Pero maraming limitasyon ang isang tao."
"Kaya pala kahit anong pilit ko ay ayaw niya maglabas ng kahit ano tungkol sa nakaraan niya. Bwisit!" Nanggagalaiting sagot ni Sir Esteban.
"Anong ibig mo sabihin Sir Esteban?"
"Mataga na akong Butler ni Ma'am Claire. Pero hindi niya magawang mag kwento sa akin tungkol sa nakaraan niya. Hindi ko akalain na ganito pala kasama iyon kaya pala kahit gaano kalaki ang tiwala niya sa akin ay ayaw niya na malaman ko ang tungkol dito."
Tumingin ulit ako kay Ate Claire. Nasa isang sulok siya ng White Box. Umiiyak ng malakas at sinasabunutan ang sarili.
Naisip ko ang mapait na nakaraan ni Cynthia. Naikwento na niya sa amin ito. Sinabi niya sa amin na tinanggap na niya ang lahat ng ito pero bakit nadadala pa rin siya ng mga ilusyon?
"Ang hindi ko mahulaan ay kung sino ang nililigtas niya?" Pagtataka ni Sir Esteban.
"Siya lang ang nakakaalam ng kasagutan sa tanong mo." Sagot naman ni Citruss.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...