"Hindi natin siya kayang alagaan. Masyado siyang espesyal para sa atin."
"Walang tao na tatanggap sa kanya. Dahil sa kalagayan niya."
"Kawawa naman yang batang iyan. Itinakwil ng sariling magulang. May sakit raw kasi sa pag-iisip kaya niligaw nalang."
"Special Child kasi kaya hindi kayang alagaan ng magulang."
"Lumayo ka sa amin! Hindi kami nakikipagkaibigan sa isang baliw!"
"Anak. Lumayo ka sa batang iyan. Baliw iyan. Baka pagkamalan ka rin na baliw."
"Wag mo bigyan ng pera iyan. Baka galing iyan sa sindikato o baka ipambili lang niya ng rugby."
"Lumayas ka dito! Wala kang silbi!"
""Magsama kayo ng kaibigan mong hangin!"
"Bakit kaya inampon ni Aling Deliah ang batang iyan? Eh may saltik yan ehh!"
"Haha! Baliw ka! Takas sa Mental!"
"Lumayo ka nga sa amin! Nakakadiri ka! Baliw!"
"Baliw! Baliw! Baliw!"
"Sabi ng mga kaibigan ko. Layuan na kita o kung hindi at itatakwil nila ako at pandidirihan. Sorry."
"Kakaawa naman yung bata. Sino na ngayon mag-aalaga sa kanya ngayong patay na si Aling Deliah?"
"TInapon ko na ang mga libro mo! Wag ka na umasa na ipagpapatuloy namin ang pag-aaral mo! Ano nalang sasabihin ng mga kapitbahay pag nalaman nila na nagpapa-aral ako ng isang baliw!"
"Kaya ka kinuha ni Mama ay para maging alila dito! Wag ka na umasa Baliw!"
"Sinong nagsabi sa iyo na mag-aral ka huh!? Diba sinabi ko na sa iyo na wag ka na umasa!"
"Subukan mo lang na sabihin sa Tita mo ang ginawa natin. At talagang papatayin kita! Maliwanag!?"
"Huh? Sa tingin mo ba mahal talaga kita!? Haha! Kaya ko ginawa ang lahat ng ito ay para maangkin ang katawan mo at manalo sa pustahan ng mga katropa ko! Sadyang tanga ka lang at nagpa-uto ka! Hahahaha!"
"Sa oras na wala ang Tita at pinsan mo dito ay gagawin natin iyon! Wag ka na magmatigas kung ayaw mo masaktan!"
"Pumasok ka na sa kwarto at aliwin mo ang mga bisita. Siguraduhin mo na malilibang sila o kung hindi ay wala kang makakain sa loob ng tatlong araw!"
"Pare. Pwede mahiram ang pamangkin mo?"
"Gawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo kung ayaw mo masaktan!"
"Kala mo hahayaan kitang makatakas? Marami pa akong kikitain sa iyo!"
"Swerte talaga tayo. Ang ganda ng ibinigay na babae sa atin ni Pareng Nestor! Ang ganda at sobrang sexy pa!"
"Urghh! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!"
"Lumabas ka dito! Wala ka namang pambayad ng pamasahe!"
"Wag mo ituloy iyan! Wag ka magpakamatay pakiusap!"
"Lahat tayo ay may sari-sariling masasamang nakaraan. Pero hindi iyon pwedeng gawing dahilan at walang namang dahilan upang kitilin nalang basta basta ang sarili mong buhay."
"Tayong apat ay isang buong pamilya sa loob ng luma at sira sirang bahay na ito. Kaya dapat ituring natin ang bawat isa bilang isang kapatid."
"May mga pangarap din kami. Hindi lang namin magawang abutin dahil sa kalagayan namin ngayon."
"Kahit hindi ko alam ang tunay na pagkatao mo. Ituturing pa rin kita na parang isang tunay na Ate dahil sa mahal kita."
"Puro kamalasan ang nangyayari sa atin ngayon. Pero nararamdaman ko na mapuputol na ang lahat ng mga kamalasan na ito. Kaya wag ka mawalan ng pag-asa hanggat nabubuhay ka pa dahil maaring sa isang iglap ay bigla na lamang magbago ang takbo ng iyong buhay."
"Wala kaming pakealam kung gaano kasama ang nakaraan mo! Hindi namin iyon gagawing dahilan upang pandirihan ka! Hindi kahit kaylan!"
"Mahal ka namin higit pa sa isang kaibigan. Mahal ka namin na parang isang tunay na kapatid."
"Kahit anong mangyari, kahit maghiwa hiwalay na tayo ngayon. Wag natin kalimutan ang bawat isa at mangako tayo ngayon na magkikita ulit tayong apat."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...