Claire's POV
"Mama? Papa? Nasaan na kayo?"
Hindi ako makapaniwala dahil sa mga nakikita ng aking sariling mga mata.
"Mama! Papa!"
Nasa gitna ako ng isang parke. Pamilyar ito sa akin dahil sa may maliking ganap ito sa aking nakaraan,
Ang mas nakakabigla ay nakikita ko ang aking sarili. Ang batang ako mga ilang taon na rin ang lumipas. Imiiyak at puno ng pighati ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko na ang mga susunod na mangyayari kaya tinakpan ko ang aking mga teynga at pumikit ng sobrang higpit.
Pero wala rin silbi dahil sa tumatagos pa rin ang mapait na pag iyak ng aking sarili. Di ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak na rin.
'Tama na. Ayoko na. Please.' bulong ko kahit alam ko naman na walang makakarinig. Ayoko na makita ulit ang mga eksenang ito.
Hanggang sa tumigil ang pag-iyak ng batang ako. Binuksan ko ulit ang aking mga mata upang tingnan kung ano ang nangyayari kaso mas lalo lang ako nasaktan sa aking mga nakikita.
Nakita ko ulit ang batang ako. Pero mas madungis, Payat, Magulo ang buhok, at halata sa musmos na katawan nito ang matinding pagod. Nasa harap siya ng isang pamilyar na bahay.
Ang dating tahanan ko.
Bakas sa kanya ang matinding pagkagulat sabay daloy ng mga luha sa mga mata niya. Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa sobrang sakit at tagos sa aking puso ang eksena na nakikita ko. Tanging ang puting lamesa lamang ang karamay ko.
'Bakit ganito!? Ayoko na! Sobrang sakit!'
Nakaririnig ako ng mga malalakas na yabag ng paa. Kinabahan na ako ng husto dahil alam ko na kung anong posibleng mangyari. Agad akong dumilat at nakita ko ang batang ako na mabilis na tumatakbo at umiiyak. Wala siyang pakealam kung nasaan na siya pero nakakatakot dahil nasa gitna siya ng kalsada at may humaharurot na kotseng papunta sa kanya.
Gusto ko siyang pigilan pero walang lakas ang lalamunan ko para sumigaw. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.
Papalapit na ang kotse sa kanya at naririnig ko pa ang ibang tao na sumisigaw.
"Hoy! Tumabi ka jan!"
"Yung bata! Masasagasaan!"
Pumikit nalang ako dahil wala akong magawa upang pigilan ang nangyayari,
BLAGG!!!
Isang malakas na tunog ang gumimbal sa pagkatao ko. Tunog iyon ng kotseng nakabangga ng isang tao. Narinig ko ulit ang mga tao na nagsisigawan at ang mga sigaw nila ay dumudurog sa puso ko.
"YUNG BATA!!! TULUNGAN NYO!!!"
"Habulin nyo yung kotse! Tumatakas na siya!"
"Dyos ko! Kawawa yung bata!"
Dumilat ako dahil gusto ko makita ang nangyayari. Kaso pagbukas ng mga mata ko ay nagbago ulit ang eksena.
Nakita ko ulit siya. Yung sarili ko. Pero hindi na siya bata. Isa na siyang dalagita at kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinggan. Bumilis ang tibok ng puso ko at nabalot ako ng mas matinding kaba.
At mas lalo pa itong lumala ng may nakita akong taong papalapit sa kanya. Bumasok ang matinding galit sa halo halong emosyon na kanina ko pa nararamdaman. Galit para sa aking tao na kahit kaylan ay hindi ko ituturing na akin tunay na Tito. Tumindi pa ang aking galit dahil sa papalapit ito sa kanya. Nang makalapit ay sinimulan na ng Demonyo na hawakan siya sa dibdib at tiyan,
RNaririnig ko ang usapan nila na mas lalo pa nagpapakulo sa aking dugo.
"Tito. Wag. Please!"
"Ang sexy mo talaga. Nakakalibog ka. Pwedeng pagbigyan mo nalang ako ulit."
"Tito. Maawa po kayo sa akin. Tito nasasaktan ako!"
Nararamdaman ko ang pamimilipit niya dahil sa sakit ng pagkakahawak sa kanyang kaliwang dibdib. At ang sakit ng ginagawa sa kanya na dumudurog sa kanyang puso.
Bakit ko hindi mararamdaman? Lahat ng nararanasan niya ay naranasan ko na. Dahil ako siya.
"Masasaktan ka talaga pag di ka sumunod sa gusto ko."
"Please Tito. Maawa po kayo. Nasasaktan na ako!" Pagmamakaawa niya habang umiiyak pero hindi siya pinapakinggan ng demonyo.
"Yan! Gustong gusto ko na naiyak ka. Yung nasasaktan ka. Mas lalo pa tuloy akong ginaganahan na angkinin ang katawan mo. Magdamag at walang sawa hanggang sa dumating ang umaga at dumating na ang Tita mo at saktan ka ulit."
Nandilim na ang aking paningin. Binalot na ako ng matinding Galit.
"HAYOP KA!!! ITIGIL MO IYAN!!!"
Tumayo ako at patakbong pumunta sa lababo kung saan nakalagay ang mga kutsilyo na hinuhugasan. Walang pagaatubili ko siyang sinaksak sa tagiliran. Dahilan upang mawalan siya ng balanse at matumba dahil sa matinding sakit.
Nakatingin siya sa akin na may halong takot at galit. Lumuhod ako sa harap niya.
"Putang ina kang babae ka! Pagsisisihan mo ang ginawa mo!" Banta niya sa akin pero wala na akong pakealam sa mga sasabihin niya. Ang gusto ko nalang gawin ay pakawalan ang lahat ng galit sa puso ko.
Inangat ko ulit ang kutsilyo at buong pwersa ko siyang sinaksak sa dibdib.
"Ahhhghh!!!!"
"Mamatay ka! Mamatay ka! Mamatay ka! MAMATAY KA NANG DEMONYO KA!!!" Galit na galit na ako. Sa bawat sumpa at mura na pinapakawalan ko katumbas ay isang saksak sa kahit saang parte ng kanyang katawan.
Di ko namalayan na bumalik na ang moralidad ko. Nasindak ako dahil nakita ko ang demonyo na tirik ang mata at naliligo sa sariling dugo. Nakarinig ako ng nalaglag na metal na bagay. Nakita ko kung saan nanggaling at nanlaki ang mga mata ko.
Nakita ko ang 16 years old na ako na nakaupo sa pinaka sulok ng kwarto. Nabitawan niya ang kutsilyo na balot ng dugo at takot na nakatulala sa direksyon kung nasaan ako ngayon.
Nakita ko rin ang aking sarili na duguan at hawak ang kutsilyo na balot rin ng dugo. Kaharap ko ang duguang demonyo. Nanlambot ako dahil sa nangyari. Di ako makapaniwala.
'Waaaaa!!!!"
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...