Steven's POV
"Ano? Saan tayo magsisimula?" Tanong ko sa kanila dahil kanina pa kami nakatunganga.
Nasa bahay kami ngayon nila Jannell upang pagplanuhan ang laban ni Cynthia para sa susunod na linggo pero wala namang makapag bigay ng info.
"Teka? Cynthia may naisip ka na na paraan?" Tanong ni Bryan kay Cynthia na kanina pag naghihimas ng baba.
"Sa ngayon wala pa. Nahihirapan akong mag-isip. At mahirapa talaga gumawa ng plano kung Code breaking ang pag lalabanan natin."
"Siguro ang dapat mo munang gawin ay mag-aral muna tungkol sa Code Breaking." Payoi ni Jannell.
"Oo nga Cynthia tama siya. May alam ka ba ngayon tungkol sa Code Breaking?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo kaso konti lang ang alam ko. Jannell hihingi sana ako ng pabor sa iyo eh."
"Sige lang."
"Pwede ba makigamit muna ako ng Computer mo?"
"Gagamitin mo para makapag search ka?"
"Oo. Mas marami kasing pwedeng malaman pag sa web ako naghanap."
"Sige lang. Para din naman sa grupo natin ito eh."
"Pero may pakiusap sana ako sa inyo."
Nakatingin lang kami kay Cynthia.
"Sana wag nyo akong istorbohin pag nag rereview ako. Nawawala kasi ako sa konsentrasyon pag may nanggugulo sa akin."
Walang nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko panggulo ako kay Cynthia pero kung para naman sa kabutihan niya ay handa akong sundin siya.
"Sige Cynthia kung makakabuti sa iyo. Lalayo muna kami at hindi ka namin kukulitin habang nag-aaral ka. Diba guys?"
Tumango sila. Senyales ng pagsang-ayon.
"Salamat guys. Pero bago ko simulan ang pag-aaral ko ay kaylangan may malaman ako tungkol kay Claire. Ate Hera may alam ka po ba?"
Napatingin kaming lahat kay Ate Hera at tumahimik kami para mas lalo pa maintindihan ang mga sasabihin niya.
"Sabi sa akin ng assistant ko at ayon na rin sa mga nakuha niyang info. Si Claire ay naging Suma cum laude sa UP Dilliman noong 2010 at naging Magna cum laude naman siya sa isang paaralan sa Amerika. Napakatalino raw ni Claire at maraming alam sa kahit anong larangan at may talento rin siya sa pakikipag debate."
Namangha kami dahil sa mga sinabi ni Ate Hera. Ibig sabihin ay napakatalino talaga niya.
"Eto pa. Dati siyang Orb Seeker at nanalo ang grupo niya noong 2005."
"Kaya pala ang lakas ng dating niya." Sagot ni Bryan.
"Isa rin siyang negosyante at pagmamay-ari niya ang ilang negosyo dito sa pilipinas."
Humanga ako kay Claire. Tamang tama lang ang laro na pinili niya. Masusubukan talaga hindi lang ang talino ni Cynthia kundi pati na rin ang sarili niyang kaalaman.
"Teka Ate Hera. Ilang taon na po siya ngayon?" Tanong ni Bryan na may halong malisya.
"28 Years Old."
"ANO!?" Nagulat si Bryan ng malaman ang tunay na edad ni Ate Claire.
"Hindi ba halata?" Tanong ni Ate Hera.
"Kala ko kasi kasing edad mo lang siya Ate Hera." Ani ni Bryan.
"Haha! Muka nga siyang 18 ehh." sagot naman ni Ate Hera
"Grabe naman." sagot ko
"Cynthia. May pabor din ako sa iyo."
"Ano yun Jannell?"
"Pinayagan kita na gamitin ang computer ko dahil sa alam ko na marunong ka. Pero Computer lang ang gagamitin mo, wag mo papakealaman ang ibang gamit sa loob ng kwarto ko. Malinaw ba?"
"Ang strikto naman! Huhu!" Pagkukunwari na iyak ni Cynthia. Dahil doon ay nagtawanan kami.
"Teka papayag ba ang mga magulang mo Jannell?" Tanong ko sa kanya.
"Wag kayong mag-alala. Planado ko na agad."
"Anong planado?"
"Pag nalaman ni mama na si Cynthia ang nagamit ng computer ay iisipin niya na nag-aaral din ako. Basta nandoon lang ako sa kwarto ko kasama si Cynthia." Mahinang paliwanag ni Jannell na sinundan naman niya ng nakakalokong ngiti. Nasa kusina kasi ang nanay niya at nagluluto.
"Oo nga noh? Haha!"
Nagtawanan kami dahil sa nakakatawang paliwanag ni Jannell.
"Salamat Jannell dahil pinayagan mo ako."
"Ano ka ba naman Cynthia. Kaibigan kita eh."
"Ikaw din. Geh mauna na ako sa taas."
At naglakad na nga siya papunta sa kwarto ni Jannell. Naiwan kami na nakatingin sa isa't isa.
"Sa tingin nyo guys may pag-asang manalo si Cynthia." Tanong ni Bryan na may halong pag-aalala.
"Oo nga. Napapaisip din ako kung kaya ba labanan ni Cynthia ang katulad ni Ate Claire." Tanong naman ni Jannell.
"Sa ngayon hindi pa natin alam. Mahirap magbilang ng itlog pag di pa pisa." Sagot ko. Sumangayon naman si Ate Hera
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
PertualanganSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...