Chapter 43

20 4 0
                                    

Cynthia's POV

'May mali dito'

Tumigil ako sa pag-iyak dahil sa ubos na ang mga luha ko at malinaw na sa akin ang lahat ngayon. Nawala na ang ingay mula sa kinakalamapag na pinto at ang mga sigaw na tumatawag sa akin.

Naramdaman ko na mali ang mga nangyayari. Naalala ko ang mga sinabi ko kanila Steven tungkol dito:

'Tanggap ko na lahat ng iyon. Hindi ko na kasi mababago kung ano ang mga nangyari sa nakaraan at isa pa ay past is past diba?'

Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa mga nangyayari.

'Loko loko ka Cynthia! Bakit ka nagpalinlang!'

Tiningnan ko ulit ang buong paligid at nagulat ako dahil nakita ko ang pamilyar na puting lamesa at puting silya.

'Naalala ko na ang lahat ngayon!'

Kahit nanghihina ay pinilit ko tumayo. Nanginginig pa ang mga binti ko dahilan upang bumagal ang aking paghakbang.

'Leshe ka talaga Cynthia!'

Sa wakas ay narating ko na ang dapat kong puntahan. Umupo na ako sa puting silya at sa huling pagkakataon ay tiningnan ang buong paligid. Naalala ko ang kwartong ito at napangiti ako dahil sa mga masasaya at mapapait na alala na binigay nito sa akin. Pero oras na para lisanin ko na ito.

Oras na upang tapusin ang gawain na iniwan ko sa reyalidad.

Pumikit ako ng maigi at nag-isip. Nilabanan ko ang sarili kong utak na gumawa ng mga ilusyon na ito.

'Wag mo na akong linlangin! Alam ko na ang katotohanan. Isa lang itong ILUSYON!'

Tatlong segundo pa ang pinalipas ko bago akong tuluyang dumilat. Wala na ang kwarto. Puro puti nalang ulit ang aking nakikita at nakita ko rin ang mga gawain na naiwanan ko. Sa wakas. Nakabalik na ulit ako sa White Box.

Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Ate Claire na nasa isang sulok ng White Box at nalilinlang ng mga ilusyon. Naiyak siya at sinasabunutan ang sarili. Ang mas kinagulat ko pa ay ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo. Kaya kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan ulit siya. Wala na ang makapal na dugo na bumabalot sa kanyang mga kamay.

Nalito ako dahil sa nangyari. Pero ang mas dapat ko pagtuunan ng pansin ay ang mga codes na kanina pa dapat tapos kung hindi lang ako nalinlang ng utak ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi nangyari iyon ay sigurado na di matatauhan ang utak ko.

'Ate Claire. Kaya mo iyan.  Wag ka magpatalo sa ilusyon mo.'

*****

Steven's POV

'Yes! Ang galing mo Cynthia!"

Sobrang saya naming makakaibigan dahil sa nagawa na ni Cynthia. Nagawa na niyang makawala sa kanyang mga ilusyon. Ngayon ay balik ulit siya sa pagsagot sa mga makatunaw utak na mga codes. Niyakap ako ni Jannell ng sobrang higpit dahilan upang di ako makahinga.

Tumingin ako kay Ate Claire. Ganoon  pa rin ang estado niya. Nahaluan ng lungkot at pag-aalala ang kasiyahan ko dahil sa mga nangyayari sa kanya. Naawa ako sa kanya.

Kahit kalaban namin si Ate Claire ay nalulungkot pa rin ako para sa kanya dahil sa patuloy pa rin siyang nasasaktan. Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang tumunod. Alarm ng kung anong bagay at bumalot ang matinding takot sa buong monitoring room. Ang dahilan ng tunog ay ang MSM (Mental State Meter) ni Ate Claire. Na umabot na sa...

CODE RED

"Sino ka!? Magpakita ka sa akin!"

Si Ate Claire. May kinakausap na siya lang ang nakakakita...

O hindi niya rin makita.

Patuloy pa rin sa pagsigaw si Ate Claire pati na rin ang Alarm na natunog pa rin hanggang ngayon.

"Citruss! Buksan mo na ang pinto!" Sigaw ko.

Pero nakatulala lang si Citruss.

"Citruss! Nanganganib na ang kaligtasan ni Ate Claire! Buksan mo na ang pinto ng White Box! Papasukin mo na ang emergency team!"

Natauhan si Citruss. May kinuha siya sa bulsa niya at eto ay isang radio. Sasabihan na niya sana ang mga tao sa labas ng White Box pero may biglang pumigil sa kamay niya.

Si Sir Esteban.

"Sir!? Bakit nyo pini-" Naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko siya na nakatingin pa rin sa screen at seryoso na nanonood.

Nakatingin siya sa Monitor E at seryoso na nanood. Dahil doon ay napatingin na din kami sa Monitor E at doon ay nakita namin si Ate Claire na nakataas ang kanang kamay at nakaunat ang mga palad na nakaharap sa Camera na nakakonekta sa Monitro E."

"W-wag nyo itigil ang laban. P-pakiusap..." Garagal na sambit niya pero sapat na iyo upang maintindihan namin ang gusto niyang sabihin.

"I-imposible! Paano niya nalaman ang gagawin ko!?" Pautal-utak na pagkagulat ni Citruss.

CODE RED pa rin ang meter ni Ate Claire pero base na rin sa mga kinikilos niya ay nilalabanan pa rin niya ang mga panlilinlang.

"Gawin nalang natin ang gusto niya." Mahinahon na sagot ni Sir Esteban.

Dahil doon ay ibinulsa ulit ni Citruss ang radio.

Coincidence lang ba o hindi. Paano niya nahulaan ang gagawin namin. Kung may kinalaman ang kinakausap niya ay siya lamang ang nakakaalam ng kasagutan.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon