Chapter 47

19 4 0
                                    

Esteban's POV

Tumigil ang maingay na alarm. Sinundan ito ng matinding kasiyahan na nararadaman ng mga kaibigan ni Cynthia. Hindi ko rin sila masisi dahil sa ang kaibigan nila ang nanalo sa magulo at madilim na larong ito. Pero iba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa nakayuko na si Claire.

"Hay! Sa wakas at natapos na! Tara puntahan na natin sila sa loob." Anayay ni Citruss na sabik na makita sila ng malapitan.

Sumang-ayon kaming lahat dahil gusto namin matanong ang kalagayan nila. Ang mas iniisip ko ay ang opinyon ni Claire na natalo siya. Sa ginagawa niya ngayon, sa tingin ko hindi pa niya maintindihan ang mga nangyari.

Nakarating na kami sa harap ng pinto ng White Box. Kasama namin ang Medical team na pinadala ng Mythologia. Binuksan nila ang pinto at nakita namin si Cynthia na nakatingin sa amin habang hawak ang crystal brain at si Claire na nakayuko pa rin at nakaupo sa silya niya.

Agad ko na nilapitan si Claire dahil nag-aalala ako ng husto sa kanya.

"Ma'am. Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya. Lumuhod ako upang makita ko ang kanyang muka. Wala etong emosyon.

"Natalo ako Esteban." Mahinang sambit niya sa akin.

"Ok lang yan Ma'am. Ang mahalaga ay ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo." Sagot ko sa kanya upang palakasin ang kanyang loob.

Ngunit bumuntong hininga lang siya. Inayos niya ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang muka at humarap sa akin. Nilapitan siya ng ibang tao galing sa Medical team upang tingnan ang kanyang kalagayan. Pero pinigilan niya ang mga eto.

"Ayos lang ako. Kaylangan ko lang magpahinga." Sagot niya. Tumayo siya at naglakad palabas ng White Box.

Sumunod ako upang alalayan siya. Habang naglalakad ay napansin ko na unti unti niyang hinuhubad ang mga puting damit na pinasuot sa kanila kanina. Hanggang sa makita ko na ulit ang suot niya na fit na t-shirt at short na kita ang kaputian ng kanyang mga hita pero hindi naman sobrang ikli na skandaloso na.

"Esteban." Humarap siya sa akin.

"Bakit po Ma'am?"

"Ibalik mo ito sa kanila. Pupunta na ako sa kwarto ko para magpahinga at ayoko na may pumasok doon hanggat hindi ko sinasabi. Malinaw ba?"

"Sige po Ma'am."

Inabot niya ang mga puting damit na hinubad niya kanina.

"At sabihin mo rin sa kanila na tatawag na lang tayo pag ibibigay na natin ang kaylangan nila."

"Masusunod po."

Ngumiti siya sa akin at naglakad na palayo. Nakatingin lang ako sa kanya habang unti-unti siyang naglalakad sa hallway at nawawala sa paningin ko. Mapait ang ngiti na binigay niya sa akin at dahil doon ay napa-isip na naman ako sa pagkatao niya.

*****

Cynthia's POV

"Congrats Cynthia! Ang galing mo!"Bungad na bati sa akin ni Steven. Tinaas niya ang kanyang kanang palad at nag-aalok ng apir na akin namang pinagbigyan.

Napansin ko na mas lalo pa lumapit si Ate Hera sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan ng dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. At bigla nalang niya ako niyakap ng mahigpit.

"Sorry Cynthia! Sorry talaga!" Paghingi ng tawad ni Ate Hera sa akin.

"Oh Ate Hera!? Bakit ka naman nagsosorry?"

"Dapat binalaan kita na mangyayaring eto!"

"Ate Hera naman. Ok lang ako. Wag ka na mag-alala please."

Pero napansin ko na lumabas ng kwarto si Ate Claire kasama si Sir Esteban. Dahil doon ay kumalas ako sa pagkakayakap ni Ate Hera at tumayo.

"Oh Cynthia? Bakit?" Tanong ni Bryan sa akin pero hindi ko na siya nasagot dahil sa hinuhubad ko na ang mga puting damit na pinasuot sa akin. Buti nalang at hindi ko hinubad ang orihinal na damit ko.

"Tara sundan natin si Ate Claire." Anyaya ko sa kanila pero hinanap muna nila si Ate Claire sa buong kwarto.

"Hindi ko napansin na nakalabas na pala siya ng kwarto." Sagot ng kasama na bata nila Steven.

Lumabas kami ng White Box at naglakad sa hallway pero nakasalubong namin si Sir Esteban na may mga puting damit. Mga damit na sinuot ni Ate Claire.

"Nasaan po si Ate Claire?" Tanong ko sa kanya.

"Sinabi niya sa akin na magpapahinga muna raw siya."

"Anong oras na po ba?"

"8:12 PM. Hayaan nyo muna siya. Tatawag nalang kami pag ibibigay na niya ang kaylangan niyo.

"Siguraduhin nyo iyan dahil nagbabantay kami." Sagot ng bata.

"Sigurado ako Citruss dahil pinapasabi rin ni Ma'am Claire iyon. "Sagot niya. Citruss siguro ang pangalan ng bata.

"Pagod na pagod siguro si Ma'am Claire. Ang tagal ba naman ng laban. Ikaw din Cynthia kaylangan mo rin magpahinga." Payo ni Sir Esteban sa akin.

"Oo nga. Hindi pa gumagana ang utak nyo ng maayos dahil sa pagod." Dugtong naman ni Citruss.

"Teka bata? Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay Citruss dahil sa nalilito talaga ako sa kanya. Naririnig ko sila Steven na nabulong sa likod ko.

"Sinong bata?" Sagot niya sa akin. Sabay kunot ng kilay.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon