Chapter 34

20 4 0
                                    

Cynthia's POV

Sa pagkakatanda ko. Higit kumulang kalahating oras na ang lumipas pero wala pa rin akong maisip na mga hint at kahit anong klaseng clue para masagutan ang codes na nasa harap ko ngayon. Napaka kumplikado at hindi pa nasanay ng husto ang aking isip.

Bukod pa sa mga codes ay nalilito pa ako sa kakaibang vibes dito sa loob ng white box. May kung anong misteryo ito na gumugulo sa pagkatao ko. Unang kita ko palang dito ay nakaramdam na agad ako ng kakaibang presensya pero di ko nalang pinansin.

Hindi nalang ako nag-isip tungkol dito. Mahirap na manbintang lalo na kung pandaraya ang ibibintang mo.

*****

Steven's POV

"Sir Esteban. May gusto lang ako itanong sa iyo."

"Sige lang."

"May alam ka po ba tungkol sa White box na iyan?"

Naisipan ko na tanungin si Sir Esteban dahil sa curiosity ko. Kakaiba ang nararamdaman ko pag nakikita ko ang nasabing kwarto. May mabigat na presensya ito na di ko maintindihan.

At isa pa sa iniisip ko ay 'Bakit sa ganitong kwarto pa naisip nila Ate Claire maglaban?' Kakaiba kasi ang pakiramdam noong unang pasok ko dito.

"Huh? Bakit mo namang naisipang tanungin si Sir Esteban ng ganyan?" Tanong ni Jannell.

"Ikaw Jannell? Noong unang pasok mo sa kwartong iyan. Wala ka ba naramdamang kakaiba?"

"Ahmmm... Ang natatandaan ko. Bigla nalang nagtayuan ang mga balahibo ko. Di ko lang nagawang sabihin dahil baka magtawanan kayo eh."

"Ako Steven. May naramdaman din akong kakaiba." sagot naman ni Bryan.

"Naintindihan ko na. Noong unang punta ko pa lang sa lugar na ito. Kahit ako may naramdamang kakaiba ng pumasok ako sa loob ng White box na iyan."

"So may alam ka tungkol sa kwartong iyan?"

"Wala. Isa lang yan sa mga sikreto na tinatago sa akin ni Ma'am Claire. Si Aling Berta at Dianne lang ang may alam tungkol sa kwartong iyan pero ayaw naman nilang sabihin sa akin."

"Loyal talaga sila." Teka nasaan si Bryan?" Tanong ni Jannell.

At tinuro ni Citruss ang sofa kung saan tahimik na natutulog si Bryan. Yung istilo niya ay parang sa kanila ang bahay na ito.

"Sumakit na siguro ang ulo sa kakanood kanila Cynthia at Ate Claire." Nasabi ko.

"Grabe naman itong si Bryan. Di na nahiya!" galit na sabi naman ni Jannell.

"Hindi naman natin masisi si Bryan kung sumakit ang ulo niya... Diba nga mahina siya sa mga puzzles?" sambit ko. Hininaan ko ang bandang dulo dahil baka magising si Bryan. Alam ko na matalas ang teynga niya sa mga pangaasar sa kanya.

"Tungkol doon sa White box. May nabasa kasi akong libro na."

"Anong libro?" Tanong ko kay Ate Hera.

"Gore siya. Meron doon na kwartong katulad ng White box at doon tinotorture ang mga nagiging biktima."

"Torture!? Imposible naman atang mangyari iyang kinukwento mo." Opinyon ni Jannell.

"Kaya nga eh. Wag na nga lang natin pansinin nag nasa libro na binasa ko. Hindi naman siguro magagawa ni Claire ang ganoong bagay dahil lang sa may ganyang kwarto dito."

"Ok lang. Sinabi mo lang naman kung ano ang opinyon mo. Pero sa tingin ko merong malalim na kahulugan ang kwartong iyan." Sagot ni Sir Esteban.

"At ano naman?" Tanong ni Ate Hera.

"Hindi ko alam. Siya lang ang may alam."

"Bakit pa ba natin iniisip ang tungkol sa White Box? Ang pagtuunan natin ng pansin ay ang mismong laban nila Cynthia at Ate Claire." sabat ni Jannell.

"Tama ka. Kwento lang naman iyon eh. Galing lang siguro iyon sa isang manunulat na may malawak na imahinasyon." Pagsang-ayon ko kay Jannell.

Di ko nalang din pinagtuunan ng pansin ang White Box. Pero nararamdaman ko na merong kung anong mangyayari.

*****

Citruss POV

Buti nalang at wala talaga silang alam. Hindi pa ito ang panahon para malaman nila ang tungkol sa kwarto. Hindi nalang ako sumabay sa usapan nila dahil baka madulas pa ako.

'Maghintay lang kayo. Mabibigyan na ng kasagutan ang mga tanong niyo.'

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon