Cynthia's POV
Ang bumungad sa akin sa second codec ay halos mas malala pa kaysa sa naunang codec. Sa sobrang simple ay nahihirapan na akong mag-isip.
Ang laman ng second codec ay sampung letters na parang walang kahulugan:
.J W T P G A M D J P
Na siya namang gumugulo sa utak ko. Hindi pa nga tapos magpahinga ang utak ko tapos ngayon ay magiisip na naman ako ng sobra. Naiinis na ako sa Mythologia dahil sa hirap ng pagsubok nila.
At hindi lang isang set ng cryptic letters dahil sa lima ito na nakahelera ng pababa at mapapaisip ang sino mang titingin kung may kahulugan ba o wala.
.J W T P G A M D J P
D A . G P T W M J T
. J D A M T G
W M D B J T P G .
M A H T
Dalawang oras na kaming naglalaban ni Ate Claire sa loob ng misteryosong kwarto na ito na tinatawag na White Box. Pero kapapasok pa lang namin sa Second codec at sumasakit pa ang ulo namin dahil sa kakaisip ng mga clue sa nauna. Pero kaylangan umisip ako ng kahit ano para malutas ang mahihirap na palaisipan na ito.
*****
Steven's POV
"Aba! Gusto talaga nilang pasakitin ang ulo natin!" Reklamo ni Jannell dahil sa mga nakita niya.
Nagdiwang kami dahil sa nagawang makalusot ni Cynthia sa first codec pero biglang nagbago ang pangyayari dahil sa laman ng Second Codec:
.J W T P G A M D J P
D A . G P T W M J T
. J D A M T G
W M D B J T P G .
M A H T
"Pareho silang matalino kaya dapat lang na mahirap ang ipagawa sa kanila." Opinyon ni Ate Hera.
"Haha! Nako di mahirap ang mga codes na iyan noh!"
"Teka? Anong ibig mong sabihin Citruss?" Tanong ko sa kanya.
"Tulad nga ng sinabi ko kanina. Sa lahat ng mga codes na pinagpilian namin. Ang mga nakikita nyo ngayon ay ang pinakamadaling set sa lahat. Walang Quantum physics, Walang computations, at Walang advance Algebra at geometry. Ang tanging magagamit lang nila ay ang kanilang Imagination."
"Pero bakit nahihirapan pa rin sila?"
"Simple lang ang sagot diyan. Masyado nilang inisip na mahihirap ang mga codes na nasa harapan nila. Dahil dito ay ang pagkakaintindi ng utak nila sa mga codes ay mga mahihirap na palaisipan na gawa ng mga experto. Ganyan ang mga pananaw ng mga normal na tao. Pag sa unang tingin pa lang nila ay inisip na nila na mahirap ang isang bagay, mahihirapan silang isipin ang mga simpleng paraan."
"Nasasabi mo lang iyan dahil sa matalino ka at isa ka sa mga gumawa ng mga codes na iyan." Sagot ni Jannell.
"Oo. Sa totoo nga ako pa ang gumawa ng codes na iyan eh. Pero dahil sa iniisip nila na malaking organisasyon ang nagpadala ng mga codes at inisip nila na matinding pagsubok ang ibibigay nila... Nakikita nyo naman ang resuta diba?"
"Oo nga noh? Kahit ako nagulat na ganoon lang kasimple ang sagot sa mga codes na iyan." Sagot ko.
"Pero nahihirapan pa rin sila ah?" Sagot naman ni Jannell.
"Pinapahirapan lang nila ang kanilang sarili." Dugtong naman ni Citruss.
"Ngayon ko lang naisip to? Bakit ang talino mo. Ilang taon ka na ba?" Tanong ni Bryan.
"13. Pero may autism ako kaya mas matalino ako kumpara sa ibang. May IQ ako na 160"
"Autism? Kung may autism ka eh paano mo nagagawa na makisalamuha sa amin?" Tanong ko.
"Di ko masasagot ang paraan kung paano ko nagawa na makisalamuha sa inyo. At kung paano naging normal ang kilos ko. Pero kahit may Autism ako ay gusto ko rin mabuhay ng normal. Kaya nga nakasuot ako ng high school uniform ngayon dahil sa katatapos lang ng klase namin. Wag kayo magisip ng ano jan. Di ko pinapakita ang tunay na talino ko sa klase."
"Ang galing mo naman. At ang cute pa."
"Hehe. Salamat Steven. Anyway hindi talaga nag mga codes na iyan ang magpapahirap sa kanila."
"Teka? Diba nga hirap na hirap na sila sa kakaisip dahil sa mga codes na iya? Ano naman ang tunay na magpapahirap sa kanila?" Pagtataka ni Sir Esteban.
"Ilang oras na silang naglalaban?" Tanong ni Citruss.
"Dalawang oras at kalahati." Sagot ko.
"Ngayon manood kayo at tingnan ang pagsisimula ng main event na talagang magpapahirap sa kanila. Dito talaga masususbok ang katatagan ng kanilang utak.. Maghinatay at masdan nyong maigi ang mangyayari."
"Dahil sa sinabi niya ay nanood kami kanila Ate Claire at Cynthia. Sampung minuto pa ang lumipas ay biglang napalitan ng takot ang curiosity namin.
"T-teka!? Anong nangyayari sa kanila!?"
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...