Chapter 27

30 5 0
                                    

Cynthia's POV

"Pag nalangoy ka. Dapat laging ka nakatingala ng sa gayon ay di pumasok ang tubig sa ilong mo at para makahinga ka rin ng maayos."

Kasalukuyan naming tinuturuan si Jannell at binibigyan siya ng mga instruction ni Bryan. Nanonood lang ako at pasimpleng nangisi pag nakikita ko si Jannell na nasa nakakatuwang kalagayan.

"Hawakan nyo akong mai- Ano ba yan! May nalagok akong tubig alat! Phwe!" Reklamo ni Jannell. Ngumiti ako.

"Di mo naman kasi sinusunod ang sinasabi namin eh! Ganit. Dumapa ka sa tubi at tumingala ka. Bubhatin ka namin ni Steven. Pumadyak at kumampay ka lang at bibitawan ka namin pag ok na."

Nasa mababaw lang kami dahil baka magkagulo pag sa malalim kami nag training.

Pumadyak ng pumadyak si Jannell. Binitawan siya nila Bryan at nakalangoy siya. Pero sobrang ikli lang ng narating niya dahil sa lumubog siya sa tubig.

"Ang hirap naman!" Reklamo niya.

"Talagang mahirap yan! Inabot nga ako ng isang buwan noon para lang matutong lumangoy." Sagot naman ni Steven.

"Sanayan lang yan. Meron ngang iba ilang oras lang sa tubig eh natuto na. Pag nasanay ka na sa tubig at sa istilo ng paglangoy mo ay sigurado na matututunan mo iyan." Paliwanag ni Bryan.

"Kaylangan ko lang sanayan ang istilo ko?"

"Oo. Kaylangan humanap ka muna ng istilo ng paglangoy na nababagay sa iyo."

[30 minutes later.]

"Ngayon sasanayin natin na patagalin ang paglutang mo sa tubig. Pupunta tayo sa malalim!"

"Ano!? Ayoko! Natatakot ako!"

"Jannell. Wag ka nga kabahan jan! Nandito naman kami kung sakaling magkaroon ng problema. Basta kumalma ka lang at magtiwala sa amin pwede?"

"Sige... Magtitiwala ako sa inyo ah."

"Good. Ayan na si Steven at ang salbabida na pinakuha ko sa kanya. Kumapit ka sa salbabida at sumunod ka sa amin. Pumadyak ka."

Binigay ni Steven kay Jannell ang salbabida at mahigpit naman siyang kumapit dito. Lumangoy na kami nila Bryan papunta sa malalim na parte. Napagiiwanan si Jannell dahil sa di pa siya gaanong marunong.

"Jannell. Sanayin mo muna ang mga paa mo sa pag padyak sa tubig para makalutang ka. Sabihin mo lang sa amin kung handa ka na walang salbabida."

"Sige."

[30 minutes later.]

"Guys. Handa na ako."

"Seryoso ka?"

"Oo. Basta wag nyo ako pabayaan ahh?"

"Sure! Basta wag ka lang kabahan. Kung magkakaroon ng problema ay nandito lang kami."

Unti-unting tinulak ni Jannell ang salbabida papunta sa amin. Nagulat kami dahil sa wakas nagawa ni Jannell. Nakangiti siya sa amin. Natutunan na niya ang paglangoy sa loob lamang ng isang oras.

"Yes!!! Marunong na akong lumangoy!"

"Congrats Jannell! Swimmer ka na!" Bati ko sa kanya.

"Maraming salamat sa inyo guys."

"Welcome! Hindi nga ako makapaniwala na isang oras mo lang matututunan iyan. Ano bang meron sa iyo?" Tanong ni Bryan.

"Ewan ko rin eh. Basta pinakiramdaman ko nalang kung kaylan pwede."

"Siguro sadyang mabilis ka lang matuto Jannell. Teka nga lang? Nasaan na si Ate Hera?" Tanong naman ni Steven.

Tinuro ko si Ate Hera na kasalukuyan pa rin nagbabasa at nakahiga sa duyan. Pagkatapos tingnan si Ate Hera ay nagkatinginan kami.

"Guys. Naiisip nyo ba ang naiisip ko?" Tanong ni Bryan na may kasamang nakakalokong ngiti.

Ngumiti kaming lahat. Alam na namin ang ibig sabihin ni Bryan. Lalabas na naman ang pagiging maloko ng grupo namin.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon