Steven's POV
Three years old pa lamang ako. Naintindihan ko na agad ang katotohanan na wala akong aking itay. Bigla nalang siya nawala. Maraming haka haka ang lumabas galing sa makakating dila ng mga kapitbahay. May nagsabi na nangibang bahay pero alam ko na di magagawa ni itay na mambabae dahil sa si mama lang ang mahal niya. Meron namang nagsabi na posibleng dinukot si papa nang isang sindikato upang dalhin sa isang di alam na lugar at sapilitang pagtrabahuhin. Sabagay may chance nga na ganoon ang nangyari dahil laganap ngayon ang pagdukot sa mga kalalakihan sa mga Third World Country upang gawing alila. Pero walang makapag sabi nang tunay na dahilan. Tinanggap ko nalang ang katotohanan dahil ayoko na nagtatanim nang sama ng loob.
Namuhay kami ng maayos. Dahil sa nag iisang anak ako ay hindi mahirap kay mama na pag-aralin ako kahit na maliit ang sahod niya sa pagiging teacher sa isang pribadong paaralan. Nag aral ako ng Elementary hanggang High School. Ayaw ako ipasok ni mama sa school na pinagtratrabahuhan niya dahil sa maaring makadama ako ng diskriminasyon buhat sa mga mayayamang estudyante. Natapos ko anh High School pero hindi ko na natuloy hanggang kolehiyo dahil sa hindi na kaya ni mama ang gastusin.
Umiisip ako nang paraan upang makatulong kay mama at ang pagsusugal ang naisip ko na paraan. Kinuwento sa akin minsan ni mama na namana ko raw ang makasalanang talento sa aking itay dahil sugalero din daw ito dati. Pero hindi ko balak gawin ang trabahong ito nang pang habang buhay, Ayoko manatili nalang ako ng ganito. Gusko ko mag-aral. Hindi ako papayag na hindi ko maabot ang aking mga pangarap. Hindi kasalanan nang kahit sino na pinanganak akong mahirap pero kasalanan ko kung mamatay ako sa kahirapan.
*****
Habang nakikinig nang kanta sa Cellphone ko habang nakahiga sa kama ko. Narinig ko mula sa labas ang isang pamilyar na boses na tumatawag sa akin. At mukang alam ko na ang balak niya.
"Hoy Steven! Lumabas ka jan!"
Dali dali akong lumabas upang harapin ang lalaking iyon. Tulad nga nang inaasahan si Bryan ang tumatawag sa akin. Isa sa mga matatalik ko na kaibigan noong nag-aaral pa ako sa High School. Nakasuot siya ng Long sleeve shirt, Jogging pants, may nakasabit din na diving goggles sa ulo niya at may dala siyang pana at net bag. Sabi ko na nga ba maninisid na naman ito.
"P're! Sama ka sa amin! Mangunguha kami ng halaan [Clams]." Sigaw niya na parang nasa kabilang baryo pa ang kausap.
"Pwede ba hinaan mo ang boses mo! Kaharap mo ako at nakakaistorbo ka ng mga nag sisiesta!." Saway ko sa kanya.
'Sorry. Pero pre sasama ka ba na manguha nang halaan sa kamandag. Maraming pwedeng makuha ngayon."
"Hindi ako pwede."
"Bakit naman?"
"Marami akong gagawin." Dahilan ko sa kanya pero ang totoo ay tinatamad lang ako na mag gala habang nakababad sa tirik na tirik na araw.
"Weh? Tinatamad ka lang ehh... Wala ka namang aasikasuhing projects para maging busy ka pa."
"Mag lilinis ako nang bahay, mag lalaba, mag iigib nang tubig, at walang marami pang iba. Sorry Bryan. Gusto ko talaga pero hindi pwede ehh."
"Ahhh ganoon ba? Oh sige p're alis na ako. Inaantay pa ako nang mga kasama ko ehh. Basta magsabi ka lang kung gusto mo sumama sa susunod."
"Oo. Sige bro ingat."
Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ulit ako sa kwarto at bumalik na naman sa pagkakahiga sa kama.
Nakikipag titigan lang ako sa kisame ng maalala ko ang High School Life ko. Naalala ko ang iba't ibang kabalbalan na pinaggagawa naming magkakaibigan tulad nalang noong inihaw namin yung bunga ng puno ng talong doon sa garden namin sa school upang ipangulam dahil nakalimutan namin magdala ng pagkain at NAT Exam pa kaya bawal umuwi para kumain nang tanghalian. Noong hinanap kami ng buong section namin na parang search and rescue team sa isang malaking mall sa maynila dahil sa kami nalang pala ang inaantay at uuwi na kami, nakita nila kami sa isang Anime collectables shop at sari saring sermon ang natanggap namin pero kami ay tawanan lang ng tawanan. Noong gumawa kami nang pagtatanghal sa teachers day pero kaming apat na dapat sana ay extra lang ay nalamangan pa ang bida dahil sa kakulitan namin. At noong JS Prom na tinulak nila ako para isayaw ang crush ng section namin dahil akala nila ay may gusto ako doon kahit wala. Sa huli ay nagsayaw kami habang si Bryan naman ay inihahagis sa ere sa taas na 7 Feet.
'Bry, Cyn, at Nell. Kumusta na kaya kayo? Isang taon na rin ang lumipas mula noong grumaduate tayo. Sana Classmate ko pa rin kayo pagdating sa kolehiyo.'
*****
"Nak Gising na! May ibibigay ako sa iyo!"
Nagising ako dahil sa lakas ng sigaw ni mama. Hindi ko namalayan ang oras. Alas kwatro na pala ng hapon kaya dali dali akong bumangon.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin si mama na may hawak na sobre.
"Ma? Ano yan?" Tanong ko sabay turo sa sobre.
"Pinabibigay nang bata jan sa labas." Iniabot niya ang sobre at kinuha ko.
"Sige nak bibili muna ako nang ulam. Basta mag saing ka nalang ahhh. Alam ko na personal yan ehh. Ikaw di mo sinasabi may girlfriend ka na ahh...."
"Ma naman! Alam mo naman na imposible yan eh!"
Umalis na si mama at naiwan ako na nanghuhula kung ano ang laman nang sobre. 'Ano kaya to? Sulat, Pera, Cheque, o titulo?'
Pero nayamot ako ng makita ko na naktuping papel lang ang laman ng sobre pero nagbago ang lahat ng makita ko ang nakasulat dito.
Gusto mo ba mabago ang kinabukasan mo? Pumunta ka sa plaza. Naghihintay ako sa fountain. Dalian mo dahil hindi ako pwedeng magtagal.
- Hera
Agad na akong umalis dala ang sulat. Nag iisip ng malalim.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AventuraSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...