Chapter 26

27 5 0
                                    

Cynthia's POV

"Ay! Wag mo ako basain Cyn!" Reklamo ni Jannell sa akin dahil sa niwawasikan ko siya ng tubig dagat.

"Ok lang yan. Eto rin naman ang pakay natin dito eh."

Nagpalipas muna kami ng kabusugan bago lumusong sa malamig na tubig. Grabe hindi ko makakalimutan ang mga luto ni Ate Hera. Sobrang sarap ng inihaw na bangus, Adobo, Chicken BBQ, at ang Fruit salad na may twist ni Ate Hera. Samahan pa ng mamahaling kanin, naparami tuloy ang kain ko.

Tumingin ako sa lugar kung saan nakatayo ang mga tent namin. Nakita ko si Ate Hera na nagpapahinga. Nakahiga siya sa duyan na nakatali sa dalawang puno. Nagbabasa siya ng libro.

'Mag-eenjoy daw? Yun kaya ang paraan niya ng pag-eenjoy?'

"Hoy! Cynthia! Jannell! Dito kayo dali!" Tinatawag kami ni Steven. Nasa malalim na parte sila ng dagat.

"Tara Jannell punta tayo sa kanila."

"Ahhh...ehhh."

"Bakit? May problema ba?"

"Kasi...Ahm..."

"Di ka marunong lumangoy noh?"

"Ahmm.. Oo. Di ako marunong lumangoy kaya ayoko sumama sa inyo."

"What!? Haha! Pinapatawa mo naman ako Jannell ehh."

"Seryoso ako! Hindi talaga ako marunong lumangoy."

Mukang seryoso nga siya. Di ako makapaniwala na di siya marunong lumangoy.

"Steve! Bryan! Punta muna kayo dito! May sasabihin ako!"

"Isigaw mo nalang!" Sigaw pabalik ni Steven.

"Hindi pwede! Basta pumunta na kayo dito dahil importante ang sasabihin ko!"

"Oh sige!"

At lumangoy na nga sila papunta sa amin ni Jannell. Tiningnan ko si Jannell. Nakatingin lang siya sa akin. Pokerface.

"Anong binabalak mo?" Tanong niya sa akin.

"Ano pa ba? Eh di sasabihin ko sa kanila na hindi ka marunong lumangoy."

"Ano!? Wag!?"

"Wala ka ng magagawa."

"Kukurutin kita pag sinabi mo!"

Nakarating na sa amin sila Steven at randam ko ang mahinang pagkurot ni Jannell sa tagiliran ko. Hindi kita nila Steven dahil sa nasa ilalim ng tubig. Kaylangan ko talaga sabihin to para kay Jannell.

"Cynthia. Ano ang sasabihin moi?"

"Kasi Steven. Si Jannell aww! Di marun-aww!! lumangoy!" Ang sakit ng kurot ni Jannell.

"Ano yun? Pakiulit."

"Si Jannell kako. Di marunong lumangoy! Ouch!" Tiniis ko ang sakit masabi ko lang.

"Seryoso? Weh?"

"Aw! Oo nga! Kaya dapat natin siyang turuan para naman makasabay siya sa atin."

Nawala na ang pangungurot ni Jannell. Siguro tinanggap na niya ang sinabi niya.

"Totoo ba yun Jannell?" Tanong ni Steven.

"Ahmm... O-oo."

Ngumisi ang dalawa dahil sa narinig nila.

"Dahil kaibigan ka namin. Tuturuan ka naming lumangoy. Wag ka mag-alala Jannell dahil nandito lang kami kung sakaling magkaroon ng problema. Magtiwala ka lang."

Pilit na ngumiti si Jannell.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon