Chapter 50

24 4 0
                                    

Claire's POV

"Hah! Hah!"

Hinahabol ko ang aking hininga. Sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga boses na naririnig ko sa kadiliman. Dumilat ako upang makawala sa kakaibang panaginip pero napunta na naman ako sa panibago. Panaginip na hindi ko inaasahan na mararanasan ko.

Nasa gitna ako ng isang malawak na lugar na parang walang katapusan. Maaliwalas ang paligid at magandan ang asul na kalangitan na dinadaanan ng mga malalaki at puting puti na mga ulap. Ang kalangitan na ito ay ginagaya naman ng isang malaking salaman kung saan ako nakatapak ngayon. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil sa eto ang pinaka unang lugar na pinuntahan ko simula na nagkaroon ako ng maayos na buhay.

Nilibot ko ang lugar. Tiningnan ko ang buong paligid ng 360 degrees at bumalik ang tingin ko sa isang direksyon dahil sa may nakita akong di pangkaraniwan doon. Nakakita ako ng lumilipad na bagay kaya nilapitan ko eto pero nagulat nalang ako na mapagtanto ko na hindi pala bagay ang nakikita ng aking mga mata. Nakatingin siya sa akin.

Isang batang babae pala ang nakikita ko mula sa malayo at ng akin itong malapitan ay doon ko na nakita ang mga pangunahing detalye. Ang suot niya ay isang dress na may palda na abot sa ibaba ng kanyang tuhod ang siyang nakita ko na kulay asul na lumilipad. At kahit walang hangin sa paligid ay para itong sumasayaw na mahinang ihip. May suot siyang putin sandalyas na tumeterno sa puting sinturon na siyang umaalalay sa suot niyang asul na dress. Sleeveless ito kaya naman kitang kita ang kanyang braso at sa kanyang kanang braso ay merong nakatalo na asul na ribbon na tumeterno sa suot niyang dress. Medyo kayumanggin ang kulay ng kanyang balat. Meron siyang itim, makintab, at alon alon na buhok na may haba na abot sa kanyang siko. May mga asul siyang mga mata na bagay sa kanyang inosente at cute na muka. Simple siya pero sobrang misteryoso ng dating.

"Bata. Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ibig sabihin hindi mo talaga ako kilala? Ang lungkot naman?" Mahiwagang sagot niya sa tanong ko. Dahil doon ay napakamot ako ng ulo. Pero dahil sa boses niya ay agad ko siyang naalala.

"Ikaw yung tumulong  sa akin na makawala!?"

"Oo Claire. Pero higit pa doon ang relasyon natin."

"Anong ibig mo sabihin?"

Lumipad siya palapit sa akin. Paikot ikot siya sa akin at tinitingnan ang kabuunan ko. Sa paglipad niya ay sumasabay ang kanyang buhok sa daloy ng hangin. Tumigil ulit siya sa harap ko.

"Hindi mo ba talaga malala yung tanging karamay mo noong bata ka pa? Ang dahilan kung bakit pinagtatawanan ka ng ibang tao? Ang pinaka una mo naging kaibigan?"

At dahil sa paliwanag niya ay nanlumo ako. Napaupo ako sa sahig at umiyak.

"Iyam! Bakit mo naman ako iniwanan noon! Alam mo ba na sobrang sakit ng bigla ka nalang nawala sa akin ng walang paalam!?" Pagtatampo ko sa kanya habang tinatakpan ang aking mga mata.

Si Iyam. Siya ang tanging karamay ko noong mga panahon na tinatakwil ako ng mga tao.

"Hindi ko gusto na iwanan ka Claire. Pero ayoko na makita ka na nasasaktan. Kaya kahit masakit ay iniwanan kita." Paliwanag niya sa akin. Nararamdaman ko ang kanyang mga maliliit na palad sa aking mga balikat.

"Pero wala naman akong pakealam sa sasabihin nila! Ang mahalaga ay kasama kita! Ang tagal kitang hinanap Iyam!"

Pumunta siya sa harapan ko. Malungkot ang ekspresyon ng kanyang muka.

"Sorry." Ang tanging nasabi niya.

Pinunasan ko ang mga luha na kanina pa dumadaloy. Pilit ko siyang ningitian.

"Ok lang Iyam. Pero sa susunod wag mo na ulit ako iwanan ah? Promise?" Pero malungkot pa rin siya.

"Oy Iyam. Sumagot ka naman."

"Ah...Eh...P-promise Claire. Hinding hindi na kita iiwanan." Utal utal na sagot ni Iyam pero malungkot pa rin siya.

"Salamat Claire." Niyakap ko siya ng mahigpit. Ilang taon ko na siyang gustong makita ulit. Namiss ko siya ng sobra.

*****

"Bakit kasi ang tagal mo hindi nagpakita sa akin?"

"Akala ko kasi hindi mo na ako kaylangan."

"Hala! Kahit kaylan hindi ko inisip na kaylangan kita Iyam. Mahal kita iyam kaya gusto ko lagi ka nasa tabi ko."

Nalipad siya habang ako naman ay naglalakad. Nililibot namin ang buong lugar.

"Matanong ko lang Iyam. Paano mo ba nalalaman ang lahat ng nasa isip ko?"

"Imaginary friend mo ako. Natural lang para sa akin na malaman ang lahat ng nasa utak mo dahil gawa ako ng iyong isipan."

"Kaya pala. Ang galing naman. Pero kung alam mo ang lahat ng nasa isip ko. Ibig sabihin alam mo na ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko?"

"Oo Claire."

"Alam mo naman pala ehh. Bakit mo naman nasabi na hindi kita kaylangan? Ang daming nangyaring kasawian sa buhay ko at ikaw lang ang gusto ko makasama sa mga panahong iyon. Alam mo rin naman siguro iyon diba?"

"Oo. At iyon ang dahilan kung bakit nagpakita ulit ako sa iyo. Claire may gusto sana akong ipaliwanag. Makinig ka ng mabuti."

"Sige Iyam. Makikinig ako."

Tumigil siya sa paglipad kaya huminto rin ako. Nakaharap na siya sa akin at dahan dahan siyang bumababa. At ng lumapat ang kanyang kaliwang paa sa salt flat mirror ay biglang sumulpot sa paanan niya ang isang sobrang itim na bilog at kasing bilis ng kidlat na kumalat sa buong sahig hanggang sa ang buong paligid ay nabalot ulit ng kadiliman. Napanganga ako dahil sa mga nangyari.


ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon