Hera's POV
Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa saya ng kulitan namin. 7:30 PM na pala.
Malamig ang hangin na nanggagaling sa karagatan kaya nakapalibot kami sa camp fire habang nagiihaw ng marshmallows, karne, hotdogs, longganisa, at iba pa na pwedeng maihaw sa apoy.
"Guys ang saya talaga. Di ko makakalimutan ang araw na ito." Sambit ni Jannell.
"Ako rin. Ang kukulit nyo kasama. Grabe para akong bumalik sa pagka teenage ko." Sagot naman ni Ate Hera. Dahil doon ay napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ate Hera. Bata ka pa naman ah?" Tanong ni Bryan.
"Oo. Pero iba pa rin yung mga panahon na puro kulitan at laro lang ang iniisip mo kasama ang mga katropa mo. Feeling ko stress free na ako. Thank you guys."
"Hehe. Welcome po."
"Pero may hiling lang ako sa inyo."
"Ano yon Ate Hera?"
"Kung pwede lang sana ay wag nyo na ako tawaging Ate at wag nyo na rin lagyan ng PO ang mga sasabihin nyo. Pakiramdam ko kasi parang 40 years old na ako eh."
Dahil sa sinabi niya ay nagtawanan kami. Siguro nga may punto siya. 21 Years old pa lang naman siya at tinuring na namin siyang ka tropa.
"Hindi naman po kayo mukang 49 ehh. Para nga po kayong baby." Sagot ni Cynthia.
"Ang kulit ehh. Wag nyo na nga lagyan ng PO at wag nyo naman ako pabatain masyado. haha!"
"Haha! Sorry Ate...ay Hera pala!"
"Good. Para sa akin di lang kayo mga Challanger or Orb Seekers. Mga kabigan ko na kayo."
"Salamat Ate... Hera lang pala. Haha!" Pasasalamat ni Cynthia.
"H-Hala! H-Hera may kung anong nasa likod mo!"
"P-pwede ba Bryan wag mo ako lokohin. Wag ka mag biro ng ganyan."
"S-Seryoso ako Hera. May Babae sa likod mo. Nakaputi."
Seryoso sila na nakatingin sa akin. Bakas sa muka nila ang matinding takot. Kaya dahan dahan akong lumingon at nagulat ako sa nakita ko.
May babae na nakatalikod sa akin. Nakaputi siya at sobrang gulo ng buhok.
"Kyaa!!!" Di ko na napigilan na mapatili. Takot ako sa mga multo. Hanggat maari ayoko makarinig ng kwento nila.
Natigilan ako dahil biglang nagtawanan sila Bryan. Napansin ko na tumatawa ang multo at pamilyar ang boses niya sa akin.
'JANNELL!?'
At di nga ako nagkamali dahil humarap sa akin ang multo este si Jannell. Nakangiti siya sa akin. Ngiting tagumpay.
"Leche kayo! Haha!" Tumawa nalang ako dahil sa matinding pagka asar sa kanila.
*****
Steven's POV
"Ate.. Ayt! Hera matanong ko lang. May Boyfriend ka ba?" Tanong ni Bryan.
Tama siya. Sa ganda kasi ni Ate Hera ay imposible na wala siyang boyfriend or mga manliligaw man lang. Dahil doon ay na curious din ako.
Pero biglang pumasok ang mahabang katahimikan. Tahimik lang kami at inaabangan ang sagot ni Ate Hera pero di pa rin siya nagsasalita. Biglang lumungkot ang muka ni Ate Hera at siya na rin ang pumutol sa katahimikan.
"Guys. Meron pa sana akong isang hiling sa inyo."
Nagulat kami dahil biglang dumaloy ang mga luha niya. Nangingintab ito dahil sa liwanag ng buwan at ng campfire.
"Hera. Bakit ka naiyak?" Nagaalalang tanong ni Cynthia.
Nagulat si Ate Hera at biglang pinunasan ang mga luha niya gamit ang sariling palad. Nang matapos ay nagtutubig pa rin ang kanyang mga mata. Kumikislap pa rin ito.
"Wala lang ito. Wag nyo nalang pansinin. Dahil siguro sa usok kaya nagkaganito."
Pero alam ko na hindi lang dahil sa usok iyon. Nakokonsensya tuloy ako dahil pinaalala pa namin kay Ate Hera ang isang mapait na nakaraan.
"Guys. Ang hiling ko sana ay wag kayo magtanong tungkol sa buhay pag-ibig ko. Malinaw ba?" Pagdedeklara ni Ate Hera.
Sumang-ayon kaming lahat. Pero puno pa rin ng katanungan ang isip ko. Di ko lang magawang mag tanong dahil siguro na lalo ko lang masasaktan si Ate Hera. Ngumiti siya sa amin. Ngiti na nagtatago ng pait.
"Tara Guys. Tulog na tayo. May laban pa si Cynthia na kaylangang pag-aralan. Steve pakipatay nalang yung camp fire." Utos ni Ate Hera sa akin.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AventuraSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...