Steven's POV
"Anong lugar to?" naitanong sa akin ni Jannell dahil sa kakaibang kwarto na pinagdalhan sa amin ni Ate Claire. Kahit ako ay walang alam.
"Hindi ko alam Jannell."
Kanina lang ay sumunod kami kay Ate Claire dahil sa may papakita raw siya sa amin. Laking gulat ko nang pumasok kami sa isang kwarto. Pero hindi tulad ng ibang kwarto na pinuntahan namin ni Sir Esteban ay mas malakas ang presensya dito.
Puti ang sahig, kisame, pader, pinto, at pati narin ang dalawang upuan at lamesa na nasa gitna ng kwarto. Ang tanging source ng liwanag nito ay isang flourescent lamp na nasa gitna ng kisame at meron din mga air vents. Pero kakaiba talaga ang pakiramdam dito. Pakiramdam ko nag iisa lang ako.
"Tinatawag ko ang kwarto na ito na White Box. Cynthia, dito tayo maglalaban."
Nagulat kami dahil sa sinabi ni Claire. 'Seryoso ba siya!? Dito sila maglalaban!?'
Kung ako ang papapiliin. Hindi ko gugustuhin na manatili sa kwartong ito. Dahil sigurado na masisiraan ako ng bait pag nagtagal ako dito ng mag isa lang.
"Soundproof ang kwartong ito kaya walang makakapasok na kahit anong tunog galing sa labas. Pasensya na sa mga kaibigan mo pero tayong dalawa lang ang pwede sa kwartong ito. At sila ay sa isang kwarto lang na nakareserba sa kanila. Sa Viewing room."
"Eh paano naman nila tayo mapapanood doon?" Tanong ni Cynthia.
"Sa bawat sulok ng kwartong ito ay mga CCTV at may microphone naman sa gitna ng bilog na lamesang iyan."
Nilibot namin ang aming paningin para hanapin ang mga sinasabi ni Ate Claire na CCTV at microphone pero puro puti lang ang nakikita namin.
"Wag nyo nang subukang hanapin dahil nakatago ang mga CCTV at microphone. Ang mga CCTV at ang microphone ay nakakonekta sa isang kwarto kung saan manonood kayo sa mga monitor."
"Ate Claire. Ano po ba ang paglalabanan natin?" Tanong ulit ni Cynthia.
Inayos ni Ate Claire ang pagkakasuot ng kanyang salamin sa mata dahil sa naluwag na ito.
"Code Breaking."
Walang reaksyon na lumabas sa amin. Tahimik lang kami na nakikinig kay Ate Claire.
"Kinausap ko na ang Mythologia Organization at pinakiusapan ko na rin sila na gumawa ng isang mahirap na Cryptic Messeges at Codes para sagutan natin. Pero wag ka mag alala dahil wala akong alam sa mga codes na ginawa nila."
"Ganun pala. Kaylan mo po kinausap ang Mythologia?" Tanong ni Cynthia.
"Noong biyernes. Kaya sure ako na nakagawa na sila. Sinabi na rin nila sa akin na inayos na nila ang kwartong ito at naglagay ng ilang bagay pero pinagbawalan nila akong pumunta sa kwartong ito kahit sa viewing room para raw maiwasan ang pandaraya."
"May punto naman po sila."
"Oo nga. At nabalitaan ko rin na matalinong estudyante ka raw."
"Hindi naman po. Hehe."
"Ayaw pa umamin. Pero lilinawin ko lang sa iyo. Wag ka masyado maging kampante dahil hindi ako basta magpapatalo sa iyo." sambit ni Ate Claire sabay ngiti.
"Wag ka mag alala Ate Claire. Hindi kita bibiguin. Ibibigay ko ang laban na gusto mo." Sagot naman ni Cynthia sabay ngiti rin na sila lang ang nakakaintindi.
"Ang galing mo naman. Pero sa tingin mo ba kaya mo ako?" Tanong ni Ate Claire.
"Oo naman. Because I have perseverance ang courage to encounter any challanges."
Napansin ko na biglang nawala ang ngiti ni Ate Claire at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Pero saglit lang iyon at bumalik ulit siya sa dati.
"Ikaw ahh. Ang dami mong kumpyansa sa sarili. Pero di ko lang sigurado kung magtatagal yan sa oras na naglalaban na tayo sa kwartong ito."
"Malalaman nalang po natin pag naglaban na tayo. Pero Ate Claire kaylan po ang laban natin?"
"Tutal sunday ngayon. Sa susunod na linggo tayo maglaban. mga 1:00 PM dapat nandito na kayo."
Sure ako na napansin din ni Cynthia ang kakaibang ekspresyon na pinakita ni Ate Claire kanina. Sinadya niya siguro sabihin ang salitang iyon.
Lumabas na kami ng White Box. Napansin ko ang isang batang babae sa gilid ng pinto. Nakatingin siya sa amin, Ni lock niya ang pinto ng White Box at nilagay ang susi sa bulsa nito.
"Ate Claire sino yun?" Tanong ko sa kanya.
"Ah siya ba? Siya ang pinadala ng Mythologia Organization para mag monitor dito. Ewan ko nga lang kung bakit bata ang pinadala nila."
"Ang Strikto naman."
"Oo nga eh. Pero wala tayong magagawa. Para na rin naman sa magandang laban ang ginagawa nila ehh."
"Oo nga po."
"Oh hanggang dito nalang. Tapos ko na ipaliwanag ang mechanics kay Cynthia at siya lang naman ang lalaban kaya di ko na hinabaan ang paliwanag dahil alam ko na naintindihan na niya ang lahat."
"Sige aalis na kami. - Hera
"Ok. Esteban. Samahan mo sila hanggang sa labas. Baka kasi maligaw sila.
"Masusunod po Ma'am Claire."
Nakarating na kami sa Van namin at nagsimula na kaming bumiyahe pauwi pero nagpaalam muna kami kay Sir Esteban. Habang nasa biyahe ay napansin ko si Cynthia. Nagkapalit sila ng pwesto ni Jannell at siya naman ngayon ang nasa tabi ng bintana. Nakatingin siya sa labas at napakalalim ng kanyang iniisip.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...