Chapter 33

20 4 0
                                    

Steven's POV

"Ewan ko lang ah pero makakarelate ba tayo sa mga ginagawa nila? Hindi naman nila tayo kasing talino para maintindihan ang mga nakakalitong mga simbolo na iyan." Opinyon ni Bryan. May punto siya at tanggap ko naman iyon.

 Ang taglay na talino ni Cynthia ay hindi maikukumpara sa mga normal na Honor Students sa high school. Mas advance ang talino niya at mas marami siyang alam at karamihan sa mga ito ay hindi naman kasama sa curriculum ng High School o kung may pruweba ay pwedeng hindi kasama sa curriculum ng bansang ito. Sa edad niya na 17 ay may talino na siya na maikukumpara sa mga narating ni Ate Claire.

"Hindi ko alam Bryan. Pero bilang audience nila ay kaylangan nating pilitin na maintindihan ang lahat." sagot naman ni Ate Hera.

"Pero sa tingin ko matagal bago matapos ang laban nila."

"Bakit naman Jannell?" Tanong ni Bryan.

"Tingnan nyo silang maigi. Kung madali para sa kanila iyan ay dapat marami ng laman ang mga scratch paper dahil sa marami silang naiisip na mga hint. Pero sa nangyayari ngayon ay nahihirapan silang umisip ng mga paraan. Diba nga nagkamot pa ng ulo si Ate Claire?"

Nasa Viewing room kami ngayon kasama si Sir Esteban. Ang Viewing room ay ang mismong monitoring room ng buong mansyon kaya napapanood rin namin ang nangyayari sa ibang parte ng mansyon. Pero mas nakatuon ang atensyon naming lahat sa apat na monitor kung saan nakakabit ang apat na CCTV na nasa loob ng white box.

"May punto ka nga jan Jannell." pag sang-ayon ko.

"Ngayon ko lang nakitang nahirapan ng ganito sa isang laban si Ma'am Claire. Siguro dahil na rin sa kakaiba ang mga codes na binigay ng Mythologia para sa kanya. Wala siyang kahit anong alam sa paraan ng pagkagawa ng mga Codes."

Saktong pagkatapos magsalita ni Sir Esteban ay bumukas ang pinto ng Viewing room. At pumasok ang batang assistant na pinadala ng Mythologia upang mag monitor sa mga nangyayari.

"Manonood ka dito?" Tanong ni Ate Hera. Sa istilo ng pagsasalita niya ay parang matagal na niya itong kilala.

"Gusto ko mapanood ng buo ang laban. Hayaan nyo na magpakilala ako sa inyo ng maayos. Ako si Citruss Vargas-"

"Ang asim naman ng pangalan mo." Pang-aasar ni Jannell.

"Wag mo nga laitin ang pangalan ko! At patapusin mo ako sa pagsasalita!"

"Sorry. Hehe."

"Hmmmft! Ehem! Pinadala ako ng Mythologia Organization upang maging primary observer ng laban. At for your information, isa ako sa mga gumagawa at nag tratranslate ng mga code messeges para sa Mythologia."

Nagulat kaming lahat maliban kay Ate Hera at Jannell. Hindi ako makapaniwala na ang batang katulad niya ay magkakaroon ng malaking papel sa isang malaking organization.

"Bata. Ilang taon ka na?" Tanong ni Jannell. Dahil doon ay nainis si Citruss.

"Hindi na ako bata! 15 Years old na ako! Isa pa ay may pangalan ako!"

"Jannell. Wag mo siya asarin."

"Bakit naman Hera? Eh ordinaryong bata lang naman ang naki-"

"Isa siya sa mga malalaking tao sa Mythologia Organization at malapit siya sa pinaka pinuno ng grupo namin. Kung gugustuhin niya ay kaya niyang idesqualified kayong lahat.

Dahil doon ay nanlaki ang mata ni Jannell. Ngayon niya lang siguro naintindihan kung sino talaga si Citruss.

"Sorry na Citruss. Sorry talaga!" Pag hingi ng tawad ni Jannell habang nasa likod siya ni Citruss. Hinihimas niya ang ulo ni Citruss at si Citruss naman ay nakapikit at nag eenjoy sa ginagawa sa kanya. Ngumiti nalang ako.

"Nyaa! Ang sara- Teka! Bitawan mo ako!" Natauhan si Citruss at kumalas siya kay Jannell.

"Sorry na please!"

"Hmmmft! Pagbibigyan kita ngayon. Pero ayoko nang maulit to. Malinaw ba?"

"Yes ma'am!" Sigaw ni Jannell habang tuwid na nakatayo at nakasaludo. Dahil doon ay nagtawanan kami. Pati si Citruss ay napatawa na rin. Sa loob ng mahabang panahon ay nakita ko ang pagkakwela ni Jannell. Na miss ko ang funny side niya.

Maliit na bata este babae si Citruss. Sa Height ko na 5'6, ay hanggang dibdib ko lang siya. Maamo ang muka at maikisi ang itim niyang buhok na abot lang hanggang batok. Ang style ng buhok niya ay bulky na pabilog. At mukang biglaan ang pagkakatawag sa kanya dahil sa nakasuot pa siya ng school uniform (o ganun talaga ang trip niya?).

Siya ay isang imahe ng Cute na may tinatagong lihim. Medyo palaban siya.

"Teka? Anong page na ang sinasagutan niya?" Tanong niya sa amin. Nasanay na siguro siya na di naglalagay ng PO dahil sa taas ng katungkulan niya sa Mythologia.

"First page pa lang."

"Kung ganoon codec one palang sila. Wag kayo masyadong mag-isip ng mga kumplikadong bagay dahil sa lahat ng ginawa ko na codes ay yan na ang pinaka madali."

"Ikaw ang gumawa niyan?" Tanong ni Jannell.

"Tulad nga ng sinabi ko kanina ay ako ang gumagawa at nagtratranslate ng mga codes para sa Mythologia Organization. Sigurado ako na madali nila iyang masasagutan. Pero may isang bagay na magpapahirap sa kanila."

"Magpapahirap? Ano namang bagay iyon?"

"Malalaman nyo rin mamaya. Just wait ok."

Sinunod nalang namin ang sinabi niya pero napapaisip ako kung anong pagsubok ang sinasabi niya na magpapahirap kanila Cynthia at Ate Claire.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon