Steven's POV
7:00 AM nang umaga. Ang una ko na pinuntahan ay ang bahay nila Bryan na matatagpuan sa gitna ng palayan. Sa mahaba ko na paglalakad at sa pagiingat na huwag mahulog sa putik, sa wakas narating ko ang bahay nila. Ang bahay nila ay napapalibutan ng tatlong malalaking puno nang mangga at nilililiman ng mga ito ang bahay kaya presko dito. Nilapitan agad ako ng alaga niya na si Patras upang magpalambing sa akin at ginawa ko naman ang gustong gawin ko sa kanya.
Matapos makipaglaro kay Patras ay kumatok na ako sa pinto ng bahay na agad naman bumukas at nakita ko ang Nanay ni Bryan na si Aling Sol.
"Nasaan po si Bryan?" Panimula ko.
"Oh. Ikaw pala Steven. Sige pasok ka."
"Wag na po. Nagmamadali po ako ehh.."
"Ganoon ba? Oh sya nadoon siya sa kubo. Nagpapahinga."
"Sige po salamat."
Pumunta ako sa likod bahay kung saan makikita ang Kubo. Ilang hakbang pa lang ako ay natanaw ko na si Bryan na nangasab ng manga sa di kalayuan. Nakaupo siya habang nakatingin sa kabundukan. Marso ngayon pero mas maaga kung mamunga ang mangga nila.
Naramadaman ni Bryan ang presensya ko kaya agad siyang tumingin sa akin.
"Oh Steven napadalaw ka ata?"
"Oo. May gusto kasi akong ialok sa iyo."
"Ialok? Teka ano naman yan?"
"Diba gusto mo mabago ang kapalaran mo?"
"Oo naman! Kahit sino nasa kalagayan ko ganyan ang sasabihin ehh!"
"Kung ganoon kaylangan mo sumama sa akin."
"At saan naman?"
"Basta sumama ka nalang!"
Tinapon ni Bryan ang buto ng mangga na kinakain niya kanina pa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Siguraduhin mo na totoo ang sinasabi mo."
"Oo naman! Basta magtiwala ka. Siya ang magpapaliwanag nan dapat natin gawin."
"Sinong siya?"
"Basta! Kaylangan makumpleto muna tayo. Sunod na punta natin ay kanila Cynthia."
"Tara na nga! Sayang oras! Marami pa akong gagawin!"
Nagpaalam muna si Bryan kay Aling Sol na sa kabutihang palad ay pinayagan naman siya sa Kundisyong hindi dapat siya magpagabi.
Ang sunod na punta namin ay kanila Cynthia at matatagpuan ang bahay nila sa liblib na lugar sa Crusher. Ilang minuto din kami naglakad bago marating ang nasabing lugar.
"Mabago ang kinabukasan? Paano?" tanong sa amin ni Cynthia habang nababanlaw ng mga damit."
"Oo. Pero kaylangan sumama ka muna sa amin para malaman mo kung paano."
"Teka? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo Steve? Ako matagal ko na gustong mag aral. Ayoko na pinapaasa ako."
"Hindi kami nagbibiro. Basta kaylangan mag sama tayong apat."
"Ibig mo sabihin dapat kasama si Jannell?" Biglang kumunot ang muka ni Cynthia ng maalala ang isang kaibigan namin.
"Oo. Please Cynthia. Magbati na kayo ni Jannell. Isang taon na rin ang nakalipas at sayang naman ang pinagsamahan nyo."
"Kalimutan? Huh! Alam mo ba ang pakiramdam na mapagbintangan sa kasalanang di mo naman ginawa? Ang sakit lalo na ng pinahiya niya ako sa mga kaklase natin. Hindi mo alam ang pakiramdam na mapagbintangan dahil lang sa estado ng buhay mo." gigil niyang kinukusot ang damit na hawak niya. Senyales nang matinding galit.
"Pero-"
"Steve. Ayoko!"
Naubos na ang pasensya ko.
"Cynthia. Alam ko na ayaw mo na mamatay sa kahirapan. Eto na nag pagkakataon na binigay sa atin at wala na itong kasunod. Kung tatanggihan mo ito ay parang sinabi mo na rin na gusto mo na magpakamatay. Kaya ISIPIN MO NAMAN ANG KINABUKASAN MO!"
Natahimik si Cynthia. Ako naman ay parang na guilty.
"Sorry Cynthia di ko sinasadya na-"
"Ok lang Steve. Tama ka. Naturingan pa naman akong matalino pero hindi ko man lang naisip ang gusto mo iparating."
"Ibig sabihin sasama ka na?"
"Oo. Salamat sa iyo dahil nalinawan ako."
"Salamat Cynthia! Basta magkita kita na tayong apat sa baranggay hall mamayang 12:30."
"12:30!? Ang init kaya pag ganoong oras!"
"Eh 1:00 PM kasi siya pupunta sa Plaza ehh."
"Sinong siya?"
"Basta malalaman mo rin. Siguraduhin mo na kakapunta ka Cynthia. Sige alis na kami. Pupuntahan pa namin si Jannell."
"Sige makakaasa ka."
Naglakad na ulit kami ni Bryan. Pupuntahan namin ang isa pang kaibigan na nakatira sa Sapang.
"Sigurado ka ba na papayag yun?" Tanong sa akin ni Bryan.
"Oo naman. Kilala ko siya."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...