Steven's POV
"Kayo kasi ehh! Hindi niyo man lamang naisip na mag suot ng disente! Yan tuloy napatagal pa tayo!" bintang na may halong inis ni Ate Hera sa amin. Napanting na ang teynga ko.
"Huh!? Kami? Kung sinabi mo na agad na aalis tayo edi sana nakapaligo pa kami! Sorry pero tama ako Ate Hera."
Natahimik siya. Napagtanto na niya siguro na siya ang may kasalanan.
"Sorry." Paghingi niya ng paumanhin.
"Ok lang. Pinapatawad na kita. Pero saan ba tayo pupunta?"
Kasalukuyang kaming nasa Van na pag-aari ni Ate Hera pero meron siyang driver. Sila Cynthia at Jannell ay nasa likod, kami ni Bryan ay nasa gitna, at si Ate Hera ay katabi ng driver. Maayos na rin ang suot namin. Si Cynthia ay naka suot ng fit na kamiseta na may nakasulat na 'Never Give Up", fit na Jeans na pula at rubber shoes na pula. Ang suot naman ni Jannell ay checkered na girl polo na kulay pula at naka tuck-in sa fit na jeans na itim, at rubber shoes. Si Bryan ay naka checkered polo din at baston na pantalon with NIKE rubber shoes na nabili sa baclaran sa halagang 500 pesos at ako naman ay may suot na kamiseta at maong pants, may suot din ako na disenteng tsinelas.
"Pupunta tayo sa Branch ng Mythologia Organization. Si manager ang magpapaliwanag sa inyo ng lahat ng dapat ninyong malaman."
"Grabe. Si manager pa talaga ang kakausap sa amin... Teka sinong manager?" Tanong ni Cynthia.
Imbis na sumagot ay di nalang umimik si Ate Hera na parang di narinig ang tanong ni Cynthia. Di na rin ulit nagtanong si Cynthia.
"P're. Ang ganda niya. Anong pangalan niya? Pakilala mo naman ako." Bulong na may malisya sa akin ni Bryan.
"Siya si Hera Samson."
"Ilang taon na siya?"
"Ikaw kaya ang magtanong. Ikaw ang may interes ehh."
Tumayo ng kaunti si Bryan at lumapit kay Ate Hera. Muntikan pa siyang mawalan ng balanse dahil sa naandar ang Van.
"Ahhmmm... Miss ano ang pangalan mo?" Tanong niya kay Ate Hera pero alam na rin naman niya ang sagot.
"Nakalimutan ko nga pala sabihin sa inyo. Ako nga pala si Hera Samson."
"Hi Hera. Ilang taon ka na?"
"I'm 23 Years old. Bakit?"
"Ahh. Wala lang po."
Umupo na ulit si Bryan at walang kasing asim ang muka niya. Napapangisi ako dahil para siyang broken hearted.
"*Ngisi* oh bakit ang lungkot mo?"
"P're ang layo ng agwat namin."
"Ok lang yan! Marami pang iba jan. *ngisi*"
17 years old lang kasi si Bryan. Bale may 6 years gap sila at para sa akin ay di talaga sila talo.
"Teka kayong tatlo na kasama ni Steven. Anong mga pangalan nyo?"
"Ako po si Bryan Talisco."
"Cynthia Villacarlos po."
"Teka? Tulog ba yung isa?" Tanong ni Ate Hera habang tinuturo si Jannell na himbing na himbing sa pagtulog.
"Ah. Siya po ba? Oo tulog po. Siya nga po pala si Jannell Demetrea."
"Oh. Ok ok. Ang cute niya matulog."
Tumingin ako kay Jannell. Siguradong puyat ito dahil sa kalalaro ng online games kagabi. Meron siyang eye bag na di naman kalakihan. Nakasandal ang ulo niya sa salamin ng bintana ng Van habang kagat kagat ang hinlalaki niya sa kanang kamay niya. Ang cute nga niya matulog. Para siyang sanggol.
*****
Lumipas ang ilang minuto. Tumigil ang Van. Binuksan ko ang pinto at bumungand sa akin ang entrance ng isang malaking building. Tumingin pa ako pataas at mas lalo lang ako nanliit.
Unang lumabas si Ate Hera at inutusan na gisingin si Jannell.
"Hoy Jannell. Gising na. Nandito na tayo." tawag ko sa kanya habang marahang inaalog ang balikat niya.
Dahan dahang dumilat si Jannell at kinusot pa ang parehoing mata. Tinannggal niya ang Headset na suot niya at isinampay ito sa kanyang leeg.
"Oh Steven. Good morning." Garagal na sambit niya.
"Tara na. Nandito na tayo sa dapat puntahan."
Tumayo si Jannell at inalalayan ko siya sa paglabas sa Van dahil sa para siyang lasing kung maglakad. Sinenyasan ni Ate Hera ang driver na umalis na agad naman nitong sinunod.
Pumasok kami sa loob ng Building. Si Jannell ay kinukusot pa rin ang kaliwang mata niya. Lahat ng mga nakakasalubong namin ay binabati si Ate Hera ng "Hello po ma'am Hera." Mukang mataas ang ranggo ni Ate Hera dito.
"Nasa taas ba si Manager?" Tanong ni Ate Hera sa isang empleyado na babae.
"Opo ma'am. Kanina pa po kayo inaantay."
Nagpasamalat siya bago kami sumakay sa elevator at pumunta kami sa 50th floor ng building kung saan matatagpuan ang Manager's Office. Bumukas ang automatic door at bumungad sa amin ang isang malaking glass window at kita dita ang siyudad ng Cavite. Ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang isang matanda na nakatingin sa amin. Nakangiti siya.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...