Esteban's POV
"Bakit ka umiiyak? Pwede ko ba malaman?"
Tinanong ulit ako ng misteryosang babae na bigla nalang sumulpot sa harap ko. Hindi ko mahulaan kung ano ang pakay niya sa akin pero naiilang ako dahil sa antas ng buhay niya at sa sitwasyon ko ngayon.
"Ahmm... Kasi..."
"Pwede ba umupo sa tabi mo?" Nagulat ako dahil sa tanong niya. Pero pinaubaya ko na rin sa kanya ang upuan sa tabi ko pero naiilang ako dahil sa sobrang dungis ko ngayon.
"Ahm... Sige."
Umupo na nga siya sa tabi ko pero lumayo ako ng kaunti dahil sa baka mahawa siya sa amoy at dumi na nasa katawan ko. Nahihiya ako sa kanya.
"So pwede mo ba sabihin kung bakit ka naiyak?" Tanong ulit niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay kinuwento ko sa kanya lahat ng mga pinagdaanan ko. Ang pinagmulan, mga kasalanan, kasawian, at panghihinayang sa mga pagkakataon na sinayang ko lang para sa wala. Tahimik siyang nakikinig at nagtatanong kung may hindi siya maintindihan. Unti unti ako nakaramdam ng pakikiramay dahil sa malasakit niya sa akin.
"Ganoon pala ang nangyari. Pero sure ako na bibigyan ka pa nila ng pangalawang pagkakataon."
"Hindi na mangyayari iyon. Nakita ko sa kanya kung gaano katindi ang kanyang galit. Galit na may kahulugan na ayaw na niya akong makita habambuhay. Kung mapapatawad naman nila ako ay ayoko na rin bumalik. Grabeng kahihiyan ang binigay ko sa kanila."
"Ok. Disisyon mo naman iyan ehh. Hindi kita pipigilan kung yan ang gusto mo. Anyway ano ang pangalan mo?"
"Ako si Esteban. Esteban Weinlestre."
"Ako naman si Claire Chealsea Malteza. Nice to meet you." Sabi niya sabay abot na kamay.
Pero ayoko tanggapin ang kamay niya na humihingi ng shakehands dahil sa sobrang dumi ng kamay ko. Baka madumihan ko lang ang malinis niyang kamay.
"Ano ka ba naman. Wag ka na mahiya!."
Dahil sa sinabi niya ay mabagal ko ng inilapit ang kamay ko sa kanya. At nakipag kamay na ako. Pero di ko siya na nag punas ng kamay o gumamit ng hand sanitizer.
"Tutal Esteban wala ka naman babalikan at sinabi mo na rin na ayaw mo na manatiling ganito. Gusto mo ba sumama sa akin?"
"Huh!?"
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Nakangiti siya na nakatitig sa akin.
"Alam mo Esteban. Naghahanap kasi ako ng isang tapat na Butler. At ikaw ang napili ko. Ano tatanggapin mo ba ang alok ko?"
"Bakit ako pa? Pwede na kumuha ka nalang ng legal na Butler. Marami naman mapagpipilia. Sorry pero ayoko."
"Bakit naman?"
Nalungkot siya dahil sa sinabi ko. Pero nararamdaman ko pa rin sa kanya ang matinding determinasyon.
"Kasi wala akong pinag-aralan. Taong kalye ako at baka di ko magawa ang mga inaasahan mo. Magiging kahihiyan lang ako sa iyo."
Nainis siya dahil sa dahilan ko. Bigla siyang tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero sobrang nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinihila ako.
"Teka!? Saan mo ako dadalhin!?"
"Sa bahay ko." sabi niya sabay ngiti.
"Diba sinabi ko na sa iyon na ayoko." may kaunting inis na sabi ko sa kanya.
Binitawan niya ako at humarap siya sa akin. Halata sa kanya ang inis.
"Ano ka ba naman Esteban. Papayag ka ba na maging ganito ang buhay mo? Gusto mo ba mamatay na nasa ganitong kalagayan? Wag ka mag-alala dahil ako ang bahala sa iyo, Pag-aaralin kita hanggang sa maging ganap na matalinong Butler ka. Gagawin ko ang lahat basta maging butler lang kita."
Tama siya. Kahit ako ay ayokong mamatay na nasa ganitong kalagayan. May mga pangarap ako pero wala akong maisip na paraan kung paano ko maabot ang mga pangarap na iyon. Pero eto nasa harap ko na siya. Ang tutupad ng mga pangarap ko.
"Ano? Tara na?"
Hinila niya ulit ako. Nagpadala nalang ako sa kanya at sa gusto niya.
"Ahmm. Ano ba ang dahilan at gustong gusto mo akong maging butler mo?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi nakita ko sa iyo ang matinding determinasyon na makawala sa kalagayan mo at pagsisisi sa mga nagawa mo na kasalanan. Kaya sigurado ako na hindi mo ako bibiguin."
Nakatalikod siya habang nagsasalita pero sa tingin ko ay sobrang saya niya. Biglang bumilis ang tibo ng puso ko dahil sa mga sinabi niya sa akin.
*****
"Woah! Ang laki naman ng bahay mo! At ang ganda!"
Nasa harap kami ng isang malaking mansyon. Nalula ako sa laki nito at naakit sa kakaibang ganda.
"Ma'am nandiyan na pala kayo. At sino po yang kasama nyo?" Tanong ng maid kay Claire.
Pumasok kami sa loob at mas lalo pa ako namangha sa ganda ng bahay na maitatapat sa bahay ko noon.
"Matalik ko siyang kaibigan. Asikasuhin nyo siya. Pahiramin nyo muna siya ng mga damit ni George. Gusto ko magmuka siyang disente at malinis."
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...