Cynthia's POV
"Hindi nyo agad sinabi sa akin na mahalagang personel pala si Citruss ng Mythologia!"
"Haha! Kalimutan mo na yun Cynthia. Ang mahalaga ay pinatawad ka niya."
"Nako! Pero Steven! Kung hindi niya talaga ako pinatawad. Sigurado na wala na tayong kinabukasan ngayon!"
Dalawang araw na ang lumipas noong araw na naglaban kami ni Ate Claire pero wala pa rin tumatawag sa amin upang ipaalam na ibibigay na nila ang Orb. Ibinigay ko kay Citruss ang crystal skull dahil meron pa raw silang paggagamitan neto.
"Ate Hera. Tumawag na po ba kayo kay Sir Esteban?"
"Ilang beses ko na ginawa Cynthia. Pero lagi niyang sinasabi na tulog pa si Claire. Ewan ko lang kung maniniwala ako o hindi dahil sa dalawang araw na siyang tulog."
Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Jannell at naguusap tungkol sa mga nangyari. Kahit nakapagpahinga na ang utak ko ay sumasakit pa rin ito ng kaunti.
"Hintayin nalang natin na tumawag sila. Sobrang pagod lang siguro si Ate Claire. Kayo ba namang mag-isip ng matindi sa loob ng ilang oras!" Opinyon ni Jannell.
"Oo nga. At isa pa ay mas stress si Ate Claire base na rin sa mga napanood ko..." Hinihintay namin ang susuno na sasabihin ni Steven.
"Kasi ibang iba ang nakaraan niya sa iyo Cynthia. Mas madilim ang nakaraan ni Ate Claire."
"Bakit Steven? Ano ba talaga ang mga nangyari?" Tanong ko.
"Noong mga oras na nililinlang kayo ng utak nyo. Meron siyang tinadtad ng saksak. Siyempre hindi naman namin kilala dahil sa siya lang naman ang nakakakita sa taong iyon."
"Napansin ko lang ah? Bakit ang dami nyong alam sa mga nangyayari?"
"Si Citruss. Pinaliwanag niya lahat ng komplikado."
"Yung bata!?" Gulat na reaksyon ko sa sinabi niya.
"Oo. Bata nga siya pero isa siyang napakatalinong bata. Hindi mo lang alam pero isa siya sa mga gumawa ng Codec na sinagutan nyo."
"Kaya pala nandoon siya noong unagn punta natin at ng simula pa lang ng laban."
"Balik tayo kay Ate Claire. Lahat ng kinikilos ni niyo sa laban ay may kinalaman sa Nakaraan nyo. Kung ganoon kasama ang nakaraan ni Ate Claire ay sigurado na malilito at mastrestress talaga siya ng husto kung bigla nalang iyon magpakita sa kanya."
"Tama ka sa bagay na iyan Steven. Kaya lang naman nakawala sa ilusyon ko ay dahil sa naalala ko na natanggap ko na ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Nalinlang lamang ako sa simula dahil sa biglaan ang mga nangyari. Pero bakit kaya ang tagal niya bago siya makawala sa ilusyon niya?"
"Isa lang yan sa maraming katanungan tungkol kay Ate Claire."
"Ano ibig mo sabihin Steven?"
"Kasi meron siyang kinakausap na siya lang ang nakakakita o nakakarinig. Ewan ko lang pero pakiramdam ko may kinalaman iyon sa ginawa niyang pagpigil sa amin na itigil ang laban."
"Oo nga. Kakaiba nga ang ginawa niyang iyon. Pero pwede naman na nakaramdam lang siya o naka-"
"Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo tumulong din yung mahiwagang kausap niya na makawala si Ate Claire sa ilusyon?"
Dahil sa sinabi niya ay bigla ko na lang naalala ang lahat. Naririnig ko nga si Ate Claire na may kinakausap noong mga oras na iyon. Dahil sa nakapagpahinga na ang utak ko ay naging maayos na ang andar nito at naalala ko na ang ibang nangyari.
At tama nga si Steven dahil sa narinig ko si Ate Claire na nakiusap sa isang tao na siya lang ang nakakakita o nakakarinig na tulungan siya. At ang nagpalinaw pa sa lahat ay ang tanong ni Ate Claire na 'Sinabi mo ba na Ilusyon?'.
"Oo Steven! May kinalaman nga ang kausap na iyon ni Ate Claire!"
"Naalala mo na Cynthia?"
"Oo. Meron nga tumulong sa kanya na makawala sa ilusyon."
"Kayo Guys ano masasabi nyo?" Tanong ni Steven sa iba pa.
"Ano naman masasabi ko eh wala naman akong gaanong naintindihan sa pinaguusapan niyong dalawa." Sagot ni Bryan.
"Teka si Jannell. Nasaan na siya?" Tanong ulit ni Steven.
"Hindi niyo napansin? Umakyat na siya at pumunta sa kwarto niya." Sagot ni Ate Hera.
"Pero isa lang ang masasabi ko guys huh. Kung sino man ang tao na iyon ay siya lang ang nakakaalam. At sa tingin ko ay hindi siya parte ng ilusyon na sinasabi nyo." Paliwanag ni Bryan sa opinyon niya. Dahil doon ay napaisip ako.
'Hindi parte ng Ilusyon?'
"Kung isa iyon sa mga sikreto niya ay hinding hindi niya sasabihin iyon kahit kanino." Dugtong pa ni Steven.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...