Claire's POV
"Wag mo na isipin kung anong lugar ito. Malalaman mo rin mamaya."
Nasa isang madilim na kawalan kami ni Iyam. Pero hindi kami nalipad dahil sa nararamdaman ko na meron akong tinatapakan. Mula sa kadiliman ay nagsilabas ang mga maliliwanag at puting puti na mga parihaba sa paligid namin. Merong mga nasa malayo at meron naman at sapat na ang lapit sa akin upang makita ko ang nilalaman ng bawat parihaba.
Nakikita ko ang iba't ibang pangyayari sa buhay ko. Ang mga pangyayari na nakatatak na sa aking nakaraaan.
'Posible kaya na nasa imbakan ako ngayon ng mga ala-ala!?'
"Oo Claire. Nandito nga tayo sa sisidlan ng iyong mga ala-ala."
Hindi ko na kinaya ang pressure dahil sa mga nakikita ko. Masakit para sa akin na makita ulit sila.
"Iyam! Umalis na tayo dito! Ayoko na makita ang mga ala-ala na iyan!"
"Patawad pero hindi ko masusunod ang gusto mo."
"Pakiusap Iyam! Nasasaktan na ako!"
"Kahit nasasaktan ka ay hindi na maaalis sa isipan mo ang mga pangyayari na nakikita mo ngayon. Hindi mo pwedeng kalimutan pero pwede mo na tanggapin ang lahat ng mga nangyari."
Naintindihan ko ang nais niyang iparating pero...
"Pero hindi ko kaya. Ginawa ko na ang lahat. Iniwanan ko na rin ang mga taong may kinalaman sa nakaraan ko."
"Alam mo Claire. Ayoko man sabihin sa iyo ito pero napaka tanga mo. Hindi naman pagtanggap ang ginagawa mo kundi paglimot at pilit na pagtakas sa nakaraan mo."
Napanting ang teynga ko dahil sa mga narinig ko sa kanya.
"Hindi porket alam mo ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko ay pwede mo na akong laitin at husgahan!"
"Hindi panghuhusga ang ginagawa ko. Sinasabi ko lang ang katotohanan. Sabihin mo nga, naging matagumpay ba ang ginawa mo? Eh bakit pag naalala mo ang nakaraan ay lihim kang naiyak mag-isa? Bakit halos mabaliw ka na noong laban mo kay Cynthia? Sabihin mo nga na nakalimutan mo o kung nakatakas ka? Diba hindi." Mahinahon na paliwanag ni Iyam.Natauhan ako dahil sa paliwanag ni Iyam. Tama nga siya. Pinalitan ko ang aking pangalan, iniwasan ang aking mga dating kaibigan, at tinalikuran ang sariling bansa para lang sa plano ko. Pero hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang mga ito.
"At bakit nadamay ang Pilipinas? Ano ba kasalanan ng inang bayan sa iyo?"
"Wala ka ng pake doon!"
"Dahil ba dito sa bansang ito nangyari ang mga kasawian mo? Dahil ba sa mga Pilipino ang umapi sa iyo? Dahil ba sa mga tan-"
"Wag mo na pakealaman ang rason ko Iyam! Please! Oo inaamin ko na na tanga ako dahil sa pilit na paglimot sa lahat ng nasa paligid natin pero tama naman ang mga rason ko para laitin ang Pilipinas. Wag mo huhusgahan ang mga dahilan kong ito!"
"Sige sabi mo eh. Sana maiisip mo na isang malaking kahibangan ang panglalait mo sa bansang iyong pinagmulan. Teka lang. Hindi ako nagpakita sa iyo para lang sermonan ka."
Tiningnan ko siya. Binalot ng kalungkutan ang kanyang maamong muka.
"Oh Iyam? Bakit kanina ka pa yata malungkot?" Ang inis ko ay napalitan ng matinding kaba.
"Claire. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa iyo."
"Hah? Bakit ka nagsosorry sa akin?"
"Dahil sa eto na ang huling beses na magpapakita ako sa iyo." Sobrang nagulantang ako dahil sa sinabi niya. Namuo ulit ang luha sa aking mga mata.
"Pero Iyam! Diba nag promise ka sa akin!? Please Iyam! Wag mo na ulit akong iwanan!" Para akong batang umiiyak.
"Iyam naman! nagugu-"
Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako. Humarap siya sa akin at nakita ko ang mga luha sa dumadaloy sa kanyang pisngi."
"Oras na Claire upang tanggapin ang lahat. Oras na upang maging masaya ka na wala ako."
"Hindi ko kaya tanggapin ang lahat ng ito kung wala ka Iyam!"
"Nakita ko na ang buong buhay mo. At nakilala mo na ang mga tao na tutulong sa iyo. Hindi mo na ako kaylangan kahit gusto mo ako Claire."
"Iyam ano ba ang mga pinagsasabi mo!" Mas lalo pa lumakas ang iyak ko. Masakit talaga para sa akin ang mga pinagsasabi niya.
"Eto na ang huling gagawin ko. Ang ipaalala sa iyo na merong mga tao na tunay na nagmamahal sa iyo at kaylangan mo lang sila tanggapin. Sila ang magpapabilis ng paghilom ng mga sugat na nakaukit sa iyong sugatang puso. Sana Claire tanggapin mo sila at hayaan na gamutin ka."
"Iyam! Wag mo ako iwanan!"
"Kaylangan ko na magpaalam at kaylangan mo na rin bumalik. Gumising ka na at naghihintay na sila sa iyong pagbabalik. Paalam Claire. Mahal na mahal kita." Naririnig ko na siyang umiiyak habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya.
"IYAM! WAG!!!"
Binalot ng matinding liwanag ang paligid. Hindi ko na siya nakita ulit.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AventuraSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...