Cynthia's POV
Dumating na araw na lalaban ako para sa kanila. Nagpapasalamat ako kay Bryan dahil sa kanya ay nawala ang malaking takot at kaba na gumugulo sa akin.
Nasa loob na kaming lahat ng White Box ni Ate Claire pero bago ang lahat ay inatasan kami ng batang pinadala ng Mythologia Organization na suotin namin ni Ate Claire ang puting damit at pantalon. Ang damit ay merong sleeve at pinasuot din kami ng white gloves, boots, socks. Hindi ko mahulaan kung ano ang gustong mangyari ng Mythologia pero dahil sa suot at kalagayan namin ay para tuloy kaming mga baliw.
Umupo na kami sa lamesa. Pareho kaming poker face ni Ate Claire. Hanggat maari ay ayoko magpakita ng kahit anong emosyon dahil sigurado na magagamit niya iyon.
Pumasok ang batang assistant sa loob. May dala siyang dalawang white folder at inilapag niya ito sa lamesa.
"Kumuha kayo ng tig-isa. Wag kayo mag-alala dahil pareho lang ang laman niyan."
Sinunod namin ang utos niya. Napansin ko na hindi siya naglalagay ng PO sa pagsasalita niya. Sabagay mataas ng personel siya eh. Binigyan din niya kami ng tig isang puting ball pen.
"Huh? Seryoso kayo dito?" Prangkang tanong ko. Ang weird kasi ng White pen.
"Wag kayo mag-isip ng kung ano jan. Itim ang tinta ng mga Ball pen na hawak nyo." Sagot niya. Di nalang kami umimik.
"Kung wala na kayong tanong ay ipapaliwanag ko na ang mga palatuntunin ng labang ito."
Inihanda ko na ang sarili ko sa pakikinig.
"Ang mga folder na hawak nyo ay naglalaman ng mga komplikadong mga codes at ciphers. Lilinawin ko lang na magkapareho lang ang laman ng dalawang folder kaya iwasan nyo ang pag-iisip na merong pandarayang nangyayari."
"Ang misyon niyo ay sagutin ang mga codes na makikita nyo. Ang mga codes na rin ang magsasabi sa inyo ng mga susunod niyong gagawin. May apat na stage ang code breaking na binigay sa inyo ng Mythologia at lahat ay mahihirap kaya kaylangan nyo gamitin ang buong talino at diskarto na meron sa utak nyo."
"Nakapaloob na rin sa folder ang mga blangkong papel na gagamitin nyo para gaming scratch. Gamitin nyo yan sa paggawa ng mga maiisip nyo na idea."
Sinubukan ko buksan ang folder pero agad akong pinigilan ng Bata. Naisip ko nalang na sobrang strikto niya.
"Ang mga codes ay ginawa ng samahan ng mga Logician, scientist, at iba pa mga experto. Kaya wag kayo masyado maging kampante. Walang time limit, ang tanging goal lamang ay paunahang may makatapos sa pagsasagot at ang unang madiskobre sa mensahe ay siyang panalo. Maliwanag na ba sa inyo ang mga sinabi ko?"
Sabay kaming nagsalita ni Ate Claire. Ngumiti siya sa amin. Ngiti ng isang bata.
"Kung gayon. Ang laban sa pagitan ni Cynthia at Caire. SIMULAN NA!!!!"
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...