Steven's POV
"Citruss. May gusto sana akong itanong sa iyo."
"Sige ano iyon?"
"Yung mga pagkain na binigay nyo sa kanila. May kinalaman ba iyon sa mga nangyayari? May hinalo ba kayo na gamot?"
Naghinala ako. Posible kasi na may nakahalong mga Hallucinogens sa mga pagkain kanina. Kaya nakakakita sila Cynthia at Ate Claire ng mga bagay na wala naman talaga.
"Hindi ko kayang panoorin ang mga nangyayari." Pagdedeklara ni Ate Hera sabay talikod.
"Kahit kaylan ay hindi namin gagawin ang sinasabi mo."
"Pero Citruss. Sinasabi mo ba na walang kinalaman ang kahit anong gamot?" Tanong ni Jannell.
"Hayaan nyo na ipaliwanag ko sa inyo ng maayos kung ano ba talaga ang nangyayari. Ang mga binigay na pagkain kanina ay mga ordinaryo at masasarap na pagkain lang. Pero napansin nyo naman na puro puti lahat ng iyon."
"Siyempre naman mapapan- Teka!? May kinalaman lahat iyon sa White Torture na sinasabi mo!?"
"Oo. Sa proseso ng White Torture. Ang taong nasa loob ng puting kwarto ay binibigyan lamang ng puting kanin na nakalagay sa puting paper plate. Siyempre ayaw namin ipakita sa kanila na may kinalaman ito sa isang torture kaya naman ang mga binigay namin na pagkain ay mga masasarap at makakatulong sa kanila."
"Pero torture pa rin ang nangyayari. Tingnan mo nalang ang resulta. Halos malapit na silang mawala sa katinuan!" Nagulat ako dahil biglang sumabat si Sir Esteban.
"Siyempre ayaw namin mangyari iyon."
"Pero nangyayari na! Kung hindi matitigil ito ay sigurado na ibang Cynthia at Ma'am Claire na ang makikita natin sa mga susunod na araw!"
"Kalma lang Sir Esteban." sagot ni Jannell dahil mas lalo pa tumataas ang boses ni Sir Esteban. Hindi ko rin naman siya masisi dahil trabaho niya bilang Butler na protektahan ang kanyang amo.
"Bago kayo magalit ay tingnan nyo muna ang screen na ito." Utos ni Citruss habang nakaturo sa isang screen na nasa kaliwa.
May dalawang bar ito at bawat bar ay may pangalan ni Cynthia at Ate Claire. Ang mga bar ay nahahati sa apat na kulay: Green, Yellow, Orange, at Red. Umiilaw ito at pabago bago. Minsan umiilaw ang green at minsan ay umaabot sa pagitan ng green at yellow.
"Ano yan?" Tanong ni Jannell.
"Lilinawin ko lang sa inyo na mga utak mismo ni Cynthia at Claire ang lumilinlang sa kanila. Sa Sobrang mapanganib ng laban ay naglagay kami ng mga sensor sa loob ng kwarto upang tingnan ang kalagayan ng kanilang mentalidad. Ang Green ay safe, Stable naman ang yellow, Threat pag Orange, at High Risk pag Red na sobrang mapanganib na at pag umabot dito ay ititigil na namin ang laban."
Walang makapagsalita sa amin dahil sa paliwanag ni Citruss. Sobrang pinaghandaan pala nila ang laban na ito. Nagsisimula na akong maging kampante.
"Napapansin nyo na nagpapalitan pa ng liwanag ang Green at Yellow. Ibig sabihin ay nilalabanan pa nila ang mga illusyon at ang panlilinlang ng kanilang utak."
"Ano namang mangyayari pag umabot na sa Red?" Tanong ni Jannell.
"Ititigil na namin ang laban pag nagpapalitan na ng liwanag ang Orange at Red. May nakantabay na medical team sa labas kung sakaling magkaroon ng problema."
Tumingin ulit ako sa dalawang bar. Nagpapalitan pa rin ng kulay ang Green at Yellow.
'Kayanin nyo sana Cynthia at Ate Claire. Wag kayong magpapatalo.'
Kahit na sinabi na ni Citruss ang lahat ay nakakaramdam pa rin ako ng kaunting takot. At kahit na kalaban si Ate Claire ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya. Sobrang komplikado at mapanganib nga ang laban na ito.
"Citruss. Paano yung laban sa Code Breaking? Kasama pa rin ba iyon?"
"Siyempre kasama pa rin iyon. Pero matutuloy lamang iyon kung magagawa nilang makawala sa panlilinlang ng kanilang utak."
Tumingin ulit ako kanila Cynthia at Ate Claire. Si Cynthia ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakaupo sa isang sulok at si Ate Claire naman ay nakatingin sa kawalan pero nagulat ako dahil nakita ko sa muka niya ang matinding pagkagulat.
"Hindi ko nga lang sigurado kung kaylan nila maiisip na illusyon lamang ang nakikita nila. Siguro mga-"
"HAYOP KA!!! ITIGIL MO IYAN!!!"
Nagulat kaming lahat dahil sa biglang paglabas ng nakakarinding sigaw. Galing ito kay Ate Claire at nabalot kami ng matinding takot dahil sa eksenang nakikita namin sa loob ng White Box. Isang di inaasahan na-
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
MaceraSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...