Chapter 38

19 4 0
                                    

Cynthia's POV


Hindi ko maintindihan pero bigla nalang ako nakaramdam ng matinding pangungulila at...

Takot.

Kahit kasama ko si Ate Claire ay nararamdaman ko na para lang ako nag-iisa sa kwartong ito. Di ko rin naman masisi ang nangyayari dahil sa hindi naman kami naguusap. Pero hindi pa rin normal ang nangyayari sa akin.

'Bakit ganito!?'

Pinilit ko pa rin na sagutin ang mga codes kahit na naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin. Habang nakatingin ng matagal sa mga codes ay unti-unting lumalabo ang paningin ko. Naisip ko na nangalay lang ang mga mata ko kaya pumikit muna ako saglit.

Kaso di ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

'Bakit nandito ako!?'

Tandang tanda ang kwarto na ito dahil sa may malaking ganap ito sa aking buhay. Ito ang kwarto ng aking ama at ina at hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito. Nawala ang puting lamesa. Nawala si Ate Claire. Nawala ang buong white room at napalitan ng kwarto na ito.

"Anak! Kahit anong mangyari ay wag ka lalabas sa kwartong iyan! Maliwanag ba!?" Utos sa akin ng pamilyar na boses.

Nakita ko si Inay na nasa pinto pero saglit ko lang siya nakita dahil sa sinara na niya agad ang pinto ng kwarto. Naiwan ako sa loob na nag-iisa.

Ilang saglit pa ay nakarinig ulit ako ng isa pa na pamilyar na boses pero dahil sa boses na iyon ay nakaramdam ako ng matinding takot. At sinundan iyon ng mga malalakas na yabag ng paa. Tinakpan ko ang aking mga teynga at nagsimula na rin umagos ang aking mga luha.

"Nasaan ang pera!?" Tanong ng nakakatakot na tao. Mataas at galit na galit ang boses niya. Hindi ko siya tinuring na ama kahit kaylan.

"Anong pera Felipe?" Mahinahon na tanong ng nanay ko

"Pwede ba wag mo ako gagaguhin! Nasaan na ang kinita ng mga bata!?"

Lalo ko pa diniin ang pagtakip sa mga teynga ko pero kahit anong diin ko ay naririnig ko pa rin ang sagutan nila. Ayoko na marining ang mga nangyayari.

"Hindi sila nagtinda Felipe. Wala silang dala-"

Naputol ang sasabihin ng nanay ko dahil sa isang pamilyar na tunog. Dahil doon ay tuluyan na akong umiyak pero pinigil ko ang sarili ko. Tanging luha ko lang ang naglalabas ng lahat ng pagdadalamhato ko.

Dahil sa tunog na iyon ay sigurado na sinaktan na ang Inay ko.

"Tang ina mo! Ako pa ang aasuhin mo!"

Kahit anong pilit ko ay talagang balewala pa rin dahil sa naririnig ko pa rin ang mga masasakit na salita, ang mga nababasag na gamit, ang mga tandyak at suntok at ang mas dumudurog sa puso ko ay ang pag-iyak ni Inay. Lahat ng ito ay dahil sa taong nasa impluwensya ng alak at droga.

"Tama na Felipe! Maawa ka!" Nagmamakaawa na ang Inay ko.

"Tama na? SINABI MO BA NA TAMA NA!? Ibigay mo ang pera kung ayaw mo masaktan!"

"Wala akong maibibigay sa iyo Felipe. Wala na tayong pera. Naubos mo na lahat!"

KInabahan ako dahil sa sinabi na iyon ni Inay. Gusto ko makealam pero wala naman akong magagawa.

"At putang ina mo ka! May gana ka pa na sisihin ako!?"

Narinig ko ang malakas na sampal. At sa bawat suntok ay sumasabay ang malakas na sigaw noi Inay. Hindi ko ramdam ang aking mga kuko na dumidiin sa aking balat. Mas nararamdaman ko ang patuloy na pananakit kay Inay.

"Nasaan na si Cynthia!? Sigurado ako na nasa kanya ang pera!" Nagulantang ako dahil sa tanong na iyon.

"Hindi ko alam! At maawa ka sa bata! Wag mo siya ida-"

"Nandyan ka pala huh!"

Naputol ang sasabihin ni Inay dahil sa sinabi ng lalake. Lalo akong natakot dahil sa lumakas ang boses niya. Nasa harap na siya ng pinto ng kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Buksan mo ito Cynthia!" Sigaw niya habang kinakalampag ang pinto na gawa sa kahoy.

"Wala siya jan Felipe! Maa-"

"Tumahimik kang gago ka!" Narinig ko na umiyak ng malakas si mama.

"Putang ina mong bata ka! Buksan mo itong pinto!"

Pumunta ako sa pinaka sulok ng kwarto at pilit na siniksik ang sarili ko doon. Balot ako ng takot dahil kahit anong oras ay makakapasok siya sa loob. Handa niya sirain ang lahat para lang mapunan ang maitim na pangangaylangan niya.

Lalo na lumakas ang iyak ko. Wala na akong ibang kayang gawin upang makaligtas.

Lumakas din ang pagkalampag sa pinto. Hindi ko na kayang tumingin dito.

"Tang ina! Buksan mo ito! Masasaktan ka talaga pag di mo binuksan ito!"

Nagalaw na ang pinto dahil sa lakas ng pagkalampag.

"CYNTHIA!!! TANG INA MO KA!!!"

"Tama na! Tama na please! TAMA NA!!!"

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon