Chapter 35

21 4 0
                                    

Claire's POV


Hindi ko na nasundan ang oras. Hindi ko na matandaan haba ng paglalaban namin ni Cynthia dahil na rin siguro sa nabuhos ang atensyon ko sa mga codes na nasa harapan ko:

33L%%%L I L%%3L%%%L%33L3%333 I 333L%%%L%3%333%3L%%%L I 33L%%%%33 I 3L33%3333%%%3%%33%L%%3%L33L I %3%L33L I %%%33%3L%%%3L%%%L3%L%%%%3L3%3.

At isa pa ay kumakalam na ang aking sikmura. Naubusan na ako ng lakas dahil sa kakaisip ng mga posibleng sagot sa mga codes na ito. Kaylangan ko kumain kung hindi ay wala na akong maiisip na kahit ano.

"Ahmm. Cynthia. Gusto mo ba kumain?" Niyaya ko na rin si Cynthia dahil sigurado ako na gutom na rin siya. Ayoko naman na di siya makapag-isip ng maayos.

"Oo Ate Claire. Gutom na ako ehh. Hehe."

"Esteban! Dalhan mo kami dito ng mga pagkain." Utos ko sa aking butler gamit ang hindi nakikita na microphone.

Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto ng White box at pumasok si Esteban na may dalang tray.  Nilapag niya ang tray sa lamesa at nagtaka ako sa laman nito.

"Esteban? Bakit ganito?" Tanong ko sa kanya.

Ang laman ng puting tray na dala niya ay: White forest cake na puti rin ang loob, White chocolate bars, dalawang basong gatas, white utensils, at puting mga platito kung saan nakalagay ang mga hiwa ng White forest cake.

"Pagdating ko kasi sa kusina. Sinalubong ako ng mga chef na sigurado na galing din sa Organization. Pinagbawalan nila akong magdala ng kahit anong pagkain bukod po dito sa mga pinadala nila sa akin." Paliwanag niya. Pinagsuot rin siya ng puting damit.

"Ganoon pala ang nangyari."

"Oo. Sorry kaylangan ko na umalis. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Kainin nyo na agad."

At kinain na namin ang mga dinala niya. Nang matapos ay agad niyang niligpit ang mga pinagkainan at dalian na lumabas. Sumunod ang nakakabinging katahimikan.

Dahil sa nakakain na ako ay gumana na rin ng maayos ang aking utak. Sa una ay hindi ko alam kung ano ang plano ng Mythologia pero ngayon ay naintindihan ko na ang lahat ng gusto nilang mangyari.

'Akal nila siguro gagana sa akin ang binabalak nila. Sanay na ako.'

Pero inaalala ko si Cynthia. Hindi ko alam kung kakayanin niya.

*****

Cynthia's POV

Dahil sa mga dinalang pagkain ni Sir Esteban ay nakapag-isip na ako. Nagkaroon ulit ng lakas ang aking utak. At naisip ko na may pinaplano ang Mythologia Organization.

Sobrang kakaiba kasi ang nangyayari. Una ay ang mga codes. Pangalawa ay ang white box. Pangatlo ay ang mga bagay na ginawa nila sa amin. At ang pang-apat ay ang white box mismo. Nararamdaman ko na meron silang gustong mangyari pero hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin dahil sa busy ako sa pagsagot sa mga codes.

At may naisip na akong mga hint.

- Ang I ay nagsisilbi lamang na space sa pagitan ng iba pang codes. Wala itong ganap.

- Kung gaano kahaba ang codes ay maikli naman ang tunay na kahulugan nito.

-Walang computation na kaylangang gamitin. Dahil sa tatlong uri ng characters ang nandito. Numbers, letters, at symbols. Imposible na mag kalkula gamit lamang ang tatlong ito.

Nahahati sa apat na chambers ang first codec. Base na rin sa paano ito pinaghihiwalay ng mga guhit. Ang hula ko ay merong sentence na mabubuo pag nabasag ko na ang code pero di ko pa rin alam kung paano ito basagin.

Kaylangan ko pa mag-isip.

*****

Esteban's POV

"Good. Maayos ang ginawa mo." bati sa akin ni Citruss. Pero napapaisip pa rin ako sa mga nangyayari.

"Bakit puro puti ang pinadala nyo na pagkain? Masyado ng weird." Tanong ni Jannell kay Citruss.

"Hindi ko masasagot ang tanong mo. Pero kaylangan naming gawin lahat ng dapat namin gawin."

Nakalimutan ko na magdala ng pagkain sa kanila. Kaya bumalik ako sa kusina upang kumuha ng mga pagkain na katulad ng dinala ko para kanila Ma'am Claire. Pero dahil sa wala ng gatas ay nagtimpla nalang ako ng orange juice bilang pamalit.

Bumalik na ako na may dalang dalawang tray ng pagkain. Nang makita nila ako ay hindi maipinta ang ngiti nila.

"Wow! Sakto gutom na ako!" sambit ni Jannell.

"Ako rin. Salamat Sir Esteban." Dugtong naman ni Steven.

"Kala ko di kami makakatikim eh." Sagot naman ni Hera.

"Sige kain tayo. Dapat makakain rin tayo tutal napapaisip din naman tayo eh." Biro ko sa kanila.

"Oh. Bakit ang ing-"

Narinig namin na nag reklamo si Bryan pero naputol ang sasabihin niya ng makita niya kami na may hawak na mga slice ng white forest cake.

"HOY PAHINGI! MGA TRAYDOR KAYO!" Pabirong sigaw ni Bryan. Dahil doon ay nagtawanan kami. Muntikan pa mabulunan si Steven dahil sa may laman pa ang bibig niya. Buti nalang at may orange juice.

"Ang bilis ng karma." Biro ni Bryan.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon