Chapter 44

17 4 0
                                    

Claire's POV

"Papayag ka na lamang ba na maging ganito?"

Nagulat ako dahil sa boses na aking narinig. Kahit kaylan ay hindi ko pa naririnig ang boses na iyon sa talang buhay ko.

"Sino ka! Magpakita ka sa akin!"

Pero kahit anong tawag ko sa pinanggagalingan ng boses ay walang nagpakita sa akin.

"Lumabas ka! Wag ka magtago!"

Pero wala pa rin lumabas sa pangalawang tawag ko.

"Hindi na mahalaga na malaman mo ngayon kung sino ako. Ang mahalaga ay ang iyong kalagayan."

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Wala akong alam sa mga nangyayar bukod sa mga nangyari sa paligid ko. Inusig ako ng kakaibang mga tanong.

"Anong ibig mo sabihin!?"

"Wala ka talagang alam sa mga nangyayari noh? Pero bago ko sabihin sa iyo ang lahat ay may ipapaalala ako sa iyo. Ang laban mo ngayon?"

"Anong laban?"

Wala talaga akong alam sa mga sinasabi niya.

"Tingnan mo ang bagay sa gitna ng kwarto na ito."

Tiningnan ko ang tinutukoy niya. Isang puting lamesa. Sa sobrang puti ay nakakatakot ito pag nagkamatsa.

"Puting lamesa lang naman ang nando- Teka!?"

Nabigla ako dahil sa naalala ko na ang lahat. Naalala ko na ang ibig niya sabihin na laban ko. Nakalimutan ko na may laban ako na sinimulan...

At kaylangang tapusin na dapat ako ang panalo.

"Nalala mo na rin sa wakas. Pero nanganganib na matapos ng maaga ang laban na ito."

"Teka!? Bakit naman!?"

"Kilala mo naman siguro yung mga kasama ni Cynthia at ang butler mo. Nanonood sila sa labas ng kwarto at para sa kanila ay nanganganib ang kalagayan mo. Handa nilang itigil ang laban at si Cynthia ang itatanghal na panalo pag nagkataon."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Kaya agad akong kumilos upang huwag matigil ang laban.

"S-sabihin mo! Ano ang dapat ko gawin!?"

"Ikaw na ang dapat umisip ng paraan kung paano mo sila mapipigil. Alam mo rin siguro na merong mga camera at microphone dito diba?"

Napapaisip na ako sa misteryosong boses na ito ng isang babae. Malinaw ang boses niya at kung susukatin base sa boses niya ay nasa 20 yeas old pataas na ang nagmamayari nito.

Pero ang mas mahiwaga ay kung paano niya nalalaman ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin.

Kaso wala na akong oras upang isipin pa ang mga bagay na iyon dahil sa kahit anong oras ay pwedeng itigil ang laban namin. At ayoko mangyari iyon.

Kaya tinaas ko ang kanang kamay ko at iniharap ang unat ko na palad sa lugar kung saan sa tingin ko nakalagay ang isa sa mga camera. Kahit nahihirapan at paso na dahil sa kanina pa na kasisigaw ay pinilit ko na magsalita.

"W-wag nyo itigil ang laban. P-pakiusap..."

Hinintay ko ang mga susunod na mangyayari pero wala namang nangyari.

"Good. Sasabihin ko na kung ano talaga ang nangyayari sa iyo ngayon. Ang kaylangan mo gawin ay makawala sa ilusyon na ito."

"Sinabi mo ba na ilusyon?"

"Oo. Lahat ng mga nakikita mo ngayon ay isa lamang ilusyon. Maliban lang sa puting lamesa na pinakita ko sa iyo kanina. Ang lamesang iyon ang nagsisilbing pagitan ng realidad at mundong ito na ikaw mismo ang gumawa."

"Ibig sabihin kanina pa ako nililinlang ng utak ko!?"

"Oo. Diba alam mo naman ang tungkol sa plano ng Mythologia?"

"Oo naman. Pero imposible na hindi ko mapansin na ilusyon lang ang mga ito!?

"Maaring alam ng iyong matalinong utak. Pero hindi maikakaila na nadala ka ng iyong mga emosyon at masasamang alaala."

Nagtaka ako dahil sa mga sinabi niya.

"Hindi eto ang oras para mag-isip! Tumayo ka at pumunta sa puting lamesa. Kaylangang tapusin mo ang sinimulan mo!"

"Pero-"

"Isipin mo lang na ilusyon lang ang mga ito. Parte lang ito ng iyong alala kaya wag ka magpaloko."

Napalunok ulit ako dahil sa sinabi niya. Kahit nanghihina ay pinilit ko na tumayo at mabagal na maglakad papunta sa puting lamesa. Naubos ang lakas ko dahil sa kakaiyak.

Pero malinaw na sa akin ang lahat.

Habang naglalakad papunta sa puting lamesa ay unti-unting nagbabago ang buong kwarto. Unti-unti itong nababalot ng puti. Ang mga gamit at pati na rin ang ang aking sarili at ang demonyo ay nawawala at parang mga punit na papel na nililipad ng hangin.

Hanggang sa makarating ako sa lamesa. Bumalik na sa dati ang lahat. Nakita ko ang mga codes na dapat sana ay tapos na kung di lang ako naloko ng utak ko.

Pero ang mas kinagulat ko ay nakita ko si Cynthia na nagsasagot sa mga codes niya. At hindi tulad ng kanina ay tuloy tuloy ang pagsusulat niya. Mas nauna siyang makawala.

"Hindi ako magpapatalo!"

Kaya agad kong kinuha ang panulat at nagsimulang mag-isip ng mga solusyon. Narinig ko si Cynthia na nagsalita at binati ako ng "Welcome back" pero hindi ko na iyon pinansin dahil sa...

napag-iiwanan na ako sa larong ito.

ORACRYN: Motherland's WisdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon