Esteban's POV
'Claire. Kaylan ka ba magigising?'
Nakaupo ako sa kama niya. Sa tabi niya. Nakatitig ako sa kanyang nakakaakit at magandang muka. Isa siyang prinsesa na mahimbing na natutulog pero iba ang mangyayari ngayon. Malayo sa isang fairy tail.
Gusto ko siya mismo ang magkumpirma ng lahat ng mga nalaman ko kay Spade. Masasagot niya ang mga sarili ko na palaisipan na matagal ng gumugulo sa aking utak. Kaya kahit bawal pumasok sa kanyang kwarto ay pumasok ako at matyaga na hinintay siyang gumising. Binuksan ko ang buong kwarto upang maging maliwanag ang paligid... At baka sakaling maalimpungatan siya dahil sa liwanag na bigay ng ilaw.
Hanggang sa wakas ay dahan dahan na siyang dumilat. Nakatitig lang siya sa akin at walang emosyon ang titig na iyon.
"Ma'am. Kumusta na po kayo?" Tanong ko sa kanya kahit kagigising lang niya. Bumangon siya at ngayon ay nakaupo na sa kanyang kama. Nakabalot pa rin sa ibabang bahagi ng kanyang katawan ang kanyang kumot. Nakasuot siya ng pantulog.
"Esteban? Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko wag ka pumasok dito hanggat di ko sinasabi."
"Marami akong gustong malaman kaya ako pumasok dito. Wag ka na umangal dahil marami na akong alam tungkol sa iyo. Trecia Saragona."
At dahil sa sinai ko ay labis ang kanyang pagkagulat. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa narinig niya ang kanyang tunay na pangalan. Inaasahan ko na ang reaksyon niya.
"S-Sabihin mo. P-paano mo nalaman ang tunay na pangalan ko? Paano!"
"Sinabi sa akin ni Spade ang lahat pati na rin ang iyong nakaraan. Sabihin mo. Totoo ba ang lahat ng mga sinabi niya sa akin?"
"Si Spade pala ang nagkwento sa iyo. Oo. Lahat ng sinabi niya ay totoo."
"Pero bakit tinalikuran mo sila? Bakit ginawa mo na lih-"
"SHUT UP!" Nagulat ako dahil sa pagtaas ng kanyang boses.
"Ano masaya ka na at nalaman mo na ang katotohanan? Nalaman mo na ang lahat kaya wag mo na alamin ang rason kung bakit ko ginawa iyon!"
"Pero kaylangan ko malaman Claire o Trecia. Hindi lang ikaw ang naguguluhan dito. Pati ako at lalong lalo na ang mga taong iniwanan mo."
"At ano naman ang rason at kinalkal mo ang buong pagkatao ko?"
Natahimik ako dahil sa tanong niya. Isa lang akong hamak na Butler at hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon.
"Wala ka namang dahilan diba!? Diba!? Sabi na nga eh! Trip mo lang talaga na alamin ang tunay na mga nangyari sa buhay ko pero wala ka talagang pake! Wala kang pakealam sa kung ano ang mga nangyari sa akin! Ano masaya ka na!? Masaya ka na dahil nagtagumpay ka!? Napaka makasarili mo! Hindi mo iniintindi ang mararamdaman ng iba!"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya na hindi naman totoo.
"Sarili mo lang ang inii-"
"HINDI TOTOO ANG MGA SINASABI MO CLAIRE!" Nasigawan ko siya pero hindi ko gusto ang ginawa ko. Nakagat ni Claire ang kanyang ibabang labi.
Ang tanga tanga ko talaga. Naguguluhan na nga siya tapos sinigawan ko pa siya. Dahil doon ay tuluyan na siyang umiyak.
Natataranta na ako dahil hindi ko na alam ang dapat ko gawin. Hanggang sa makaisip ako ng paraan upang pakalmahin ang kanyang damdamin.
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Hindi ko na makita ang reaksyon niya pero pinagdarasal ko na saan wag sumama ang tingin niya sa akin.
Dahan dahan akong kumalas sa kanya. Nakita ko siya na gulat na gulat dahil sa ginawa ko.
"E-Esteban? B-Bakit mo ginawa iyon?" Nalilitong tanong niya.
"Claire. Matagal ko na gustong sabihin sa iyo eto pero natatakot ako na baka masira ako sa iyo. Pero hindi ko na kayang itago ito. Claire. Mahal na mahal kita! At gusto ko na maging kasintahan kita!"
"E-Esteban." Pangalan ko nalang ang kaya niyang sabihin dahil sa pag amin ko sa kanya.
"Gusto ko na malaman ang nakaraan mo hindi lang dahil sa curiosity. Dahil sa matagal na akong may nararamdaman para sa iyo. Kaya ng malaman ko ang iyong nakaraan ay sobrang sakit iyon para sa akin. Iniisip ko ang lahat ng paraan para tulungan ka dahil ayoko na makita ka na nasasaktan. Ayoko makitang nasasaktan ang babaeng na matagal ko ng gustong makasama. habangbuhay"
Nararamdaman ko nalang na dumadaloy na ang mga luha sa aking pisngi. Nakakahiya dahil para akong di tunay na lalake. Pinunasan ko ang mga luhang iyon. Si Claire ay umiiyak na nakatingin sa akin.
"Pero di ako matinong babae Esteban. Sirang sira na ang puri ko at marami ng lalake ang nakagalaw sa akin. Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo kaya kalimu-"
"Wala akong pakealam Claire! Wala akong pakealam sa kung ano ang sinasabi nila at sa nakaraan mo! Mahal kita at wala akong pakealam kahit ilan na ang gumalaw sa iyo! Mahal kita dahil sa may katangian ka na lalong nagpapaganda sa iyo! Mahal kita at mamahalin kita na walang halong panghuhusga o pandidiri sa iyong pagkatao!"
Nakatakip na ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Pinipigilan niyang umiyak.
"At handa akong patunayan sa iyo ang pagmamahal ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na tulungan ka na kali-"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa bigla na lamang ako hinalikan ni Claire. Hindi muna ako kumibo ng una pero ginantihan ko na rin ang kanyang matamis na halik. Nakita ko nalang ang sarili namin na nakahiga sa kama at patuloy na pinapakita ang pagmamahal namin sa isa't isa. Pinagsaluhan namin ang buong gabi.
BINABASA MO ANG
ORACRYN: Motherland's Wisdom
AdventureSeries synopsis: Nangungulila sa ama at hirap sa buhay. Yan si Steven Mendez. Isang binata na maraming pangarap sa buhay ngunit hindi matupad dahil sa sitwasyon nila ng kanyang ina. Pero nagbago ang lahat ng bigyan siya ng pagkakataon ng...