Chapter 22

4.4K 99 1
                                        

Nagising ako sa mabining haplos sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad na sinalubong ng nakangiting mukha ni mommy. ''Wake up kana anak.''

I yawn. ''I'm still sleepy mommy.'' I said bago muling isinarado ang aking mga mata.

Narinig ko ang paghalakhak ni mommy bago ako niyakap. ''My baby is really cute, but you need to get up now. Our visitors are already downstairs.''

Lalo lang akong sumubsob sa aking unan. Natahimik naman bigla si mommy kaya akala ko umalis na sya. ''Ako na po tita.'' ani nang isang lalaki.

I'm too drowsy that's why I can't clearly recognize his voice. But it's sounds familiar. Agh!!

''Sure hijo.'' maligayang sagot ng aking ina bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

''Dude buhatin mo na gutom na gutom na ako.'' ani ng isa pang boses. But this time I recognized the voice. It's Xander.

''I know wag mo'kong utusan.'' This time I opened my eyes na. At tama nga ako, it's Brandon. Lumapit sya sa aking kama at doon nya lang napansin na gising na ako.

He smiled immediately. ''I'll carry you alright?'' he said in a soothing voice. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon. Bumaling naman sya kay Xander. ''Bring her slippers.'' utos nito sa walang magawang pinsan.

''Ako nalang lagi ang utusan dito.'' pagmamaktol pa nito.

Buhat-buhat ako ni Brandon hanggang sa makarating kami sa dining area. Iniupo nya ako sa tabi nya. Xander immediately kneel down to give my slippers. Napataas ang kilay ko.

I wonder kung ano nanaman ang hihingin nitong kapalit sa pinsan nya?

''Ang sipag ah.'' I said sarcastically. Ngumisi lang sa'kin si Xander at kumindat.

''Naman, for the future.'' mayabang nitong sagot. Napailing na lamang ako.

Binalingan ko ng tingin sila mommy at daddy na nakangiti lamang habang pinagmamasdan kaming tatlo. ''Let's eat na po. Tito, tita let's na po.'' ani ko nang nakangiti.

''Alright.'' Daddy smiled.

Tahimik lamang ako habang kumakain. Pinagbabalat pa ako ni Brandon ng hipon na sa sobrang dami na nang nasa plato ko ay kinukuha na ni Xander ang iba. 'Patay gutom lang ang peg!'

Nag-uusap sila daddy about business ng biglang nagsalita si Tita Brigette, Brandon's mom. ''Cassy hija, your lola keeps on telling us nga pala na she wants you to visit her. Miss kana daw nya. Alam mo ba, napagalitan pa nya yung lolo mo kasi nangako daw ito na pag-uwi nya kasama kana niya. Kailan ka ba magbabakasyon?'' mahabang litanya nito.

Natigil si daddy at matamang tinitigan si mommy bago bumaling sa'akin gamit ang malulungkot na mata. ''She will. Soon.''

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon