''Brandon stop. Tinatakot mo si Cassy.'' seryosong sabi ni Xander.Mahigpit ang naging kapit ko kay Xander ng maramdaman ang kamay ni Brandon sa aking braso. Pilit nyang tinatanggal ang pagkakakapit nito. ''Akin na.'' he said in a warning tone.
Sumiksik lalo ako sa leeg ni Xander. ''Ayoko please.'' Galit na naman sya.
''Dammit, Cassidy Entice piliin mo naman ako!'' he frustatedly said.
Nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi nya.
'Lagi kitang pinipili sa lahat ng bagay.' pipi kong sabi.
''Please. Akin na sya.'' pagod nitong sabi.
Unti-unting lumuwag ang pagkaka kapit sa akin ni Xander. Before I knew it nasa mga bisig na ako ni Brandon.
Hindi na ako nakapag reklamo pa nang magsimula na syang maglakad patungo sa dining table. Maging si Xander ay tahimik lamang na nakasunod.
Akala ko ibababa na nya ako pero nagulat na lamang ako ng umupo sya habang karga parin ako. I'am now sitting in his lap. Hindi ako mapakali dahil sa posisyon ko lalo na ng magsandok sya ng pagkain. Halos dumikit na ang balat nya sa akin sa sobrang lapit.
Akmang tatayo na sana ako ng hapitin nya ang bewang ko. ''Stay.'' pagalit nyang sabi.
Napanguso ako. Hindi nga ako komportable. It's not normal for me anymore. Kung dati ay sanay akong matulog at kumain habang nakakandong sa kanya ngayon ay hindi na.
Abala si Xander sa pagkain at hindi na kami pinansin pa. Akmang susubuan ako ni Brandon ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Nakapatong lang iyon sa mesa kaya't kitang kita ko kung sino ang caller. Maging ang busy sa pagkain na si Xander ay nag-angat din ng tingin.
Hindi agad sinagot ni Brandon ang tawag dahil inuna nya akong subuan.
Iniloud speaker nya pa ito. ''Yes Macy.'' walang gana nitong sagot. Hindi na ako nagkomento pa dahil patuloy sya sa pagsubo sa akin.
''Ahm nakaka istorbo ba ako?'' Mahinhin nitong sabi sa kabilang linya.
Pinainom muna ako ni Brandon bago sumagot. ''Nah it's okay. Pinapakain ko si Cassy.''
Tumikhim ito sa kabilang linya. ''Ah ganon ba? Sasabihin ko lang sana na maayos na ang lahat para sa party.''
Anong party?
''Alright. Salamat.''
Pagkatapos ay agad nyang pinatay ang tawag at patuloy akong pinakain. Aayaw na sana ako kaya lang sa tuwing susubukan kong magsalita ay tumitikhim sya. Tanda na galit parin sya. Hinayaan ko na lamang hanggang sa matapos na ako sa pagkain.
Nang matapos kumain si Xander ay tumayo na ito at iniwan ako. Traitor.
Si Brandon na ang nagligpit at pinaupo lang ako. He even forced me to drink milk kahit na parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.
Hindi parin sya nagsasalita pero hindi nya rin binibitawan ang kamay ko. Naabutan namin si Xander sa sala habang tuwang-tuwa sa hawak nitong susi.
A key?
''Damn bro your the best. Latest edition to 'ah?'' ngiting ngiti sya na parang baliw.
Umupo nalang ako at nagbukas ng tv.
''Yeah. Get out now.'' walang ganang sagot ni Brandon at tumabi sa akin.
''Okay. Bye princess.'' he was about to kiss me but Brandon shoo him.
''Get out moron.'' he shouted again.
Imbes na mainis ay ngumiti lamang ito ng pilyo. ''Alright.''
Nang makaalis na ito ay bumaling ako kay Brandon. ''You gave him a new car?''
He nodded and kiss my forehead. ''Yes princess.''
Napatango na lamang ako. Malamang may kapalit 'yon.
Agad akong napatayo ng may biglang maalala. ''Oh my, aalis pala ako ngayon.''
''It's Saturday. Wala kang classes ng weekends.''
That's right pero this coming Friday na kasi ang finals kaya gahol na kami sa oras para tapusin ang mga requirements na kakailanganin. Wala na'kong time mag explain dahil late na ako sa napag usapang oras.
''Magkikita kami ng mga classmates ko.'' sigaw bago isara ang pinto ng aking kwarto.
Mabilis ang ginawa kong pagligo. Nang makalabas ako ay nakaabang na si Brandon. ''Ihahatid kita.''
Hindi na ako nagkumento pa dahil late na ako. Nang marating namin ang meeting place ay agad ang ginawa kong pagbaba. ''Bye Brandon. Wag mo na akong sunduin malalate ako ng uwi.'' hindi na'ko lumingon pa at diretso ng pumasok sa loob ng isang convenient store. Dito kasi ang napiling meeting place dahil malapit at fair para sa lahat.
Hinihingal pa ako ng makaupo sa tabi ni Cherry. Lumingon ako sa paligid. ''Where are they?'' I asked. Wala pa kasi ang iba naming kagrupo.
Cherry chuckled. ''Wala pa.''
''What the hell? Nagmadali pa naman akong pumunta dito tapos wala pa sila?'' nanggigigil kong sabi.
''What do you expect, puro kaartehan lang naman ang alam ng mga kagrupo natin.'' ani Cherry habang nakairap.
Halos isang oras pa kaming nag-antay sa pagdating ng iba. Kaya't ng sabay sabay silang dumating ay agaran ang pagtaas ng aking kilay.
''Sorry we're late.'' maarteng sabi ni Maddie na kinahagikhik ng dalawa pa nyang kasama, na unfortunately ay kagrupo din namin ni Cherry.
''Really?'' sarkastiko kong sabi. ''Dahil late kayo maghanap kayo ng kagrupo nyo.'' nakangiti kong sabi.
''What? No way. We are part of this group kaya wala kang karapatan na alisin kami.'' Maddie shouted.
I arched my brow. ''Malinaw ang usapan na ito muna ang uunahin bago ang kaartehan.''
Lalo siyang namula pa galit. ''How dare you? Akala mo kung sino ka. Hindi naman ikaw ang leader ah. I'll tell Prof Ancheta about your attitude.''
I smiled sweetly at her. Ganun din ang ginawa ko sa dalawa pa nyang kasama na parang tuta dahil hindi man lang umiimik. ''Edi magsumbong ka. Kung gusto mo kahit ngayon na. You really think matatakot ako? I can throw you out not only in this group. You wanna try?'' I smiled wickedly ng bigla syang namutla.
Hindi na sya muling nakapagsalita maging ang mga kaibigan nya. Pathetic. Nakakalimutan nya yata kung sino ako.
''Let's go Cherry.'' dire-diretso akong lumabas. Agad namang sumunod si Cherry sa akin at iginiya ako papunta sa kanyang sasakyan.
''That was fierce.'' anunsyo nito at humalakhak pa.
Ngumiti lang ako. I realized na masyado yata akong nagpapakabait this past few months. Akala tuloy nila na hindi nako marunong maging maldita.
I'm Cassidy Entice Tiu. Once a maldita will always be maldita.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.