Let's not talk for two weeks pala ha.Umirap ako nang sa pang sampung beses na tawag ni Xander pagkalapag nila sa Paris ay may sumisingit na pangit.
"What now?"
I'm busy filing my toe nails when suddenly he called again after a five minute gap from his last call.
"I will buy you a new shoes and dress. What do you prefer, this one or this." Ipinakita pa niya sa akin ang hawak hawak na damit pati na ang mga sapatos sa isang mamahaling boutique.
"I have tons, bye." I ended the calls immediately when I saw someone peeking at the camera. He's hiding na para bang hindi ko siya nakikita.
Meron bang business meetings sa mall?
Brandon tried to call me but I ignored him. So for his last resort, he will use of course Xander.
Sayo na ang two weeks mo.
It's been three days since they left for Paris. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi ako tinantanan ni Xander kakatawag. Kahit nasa isang close door meeting sila ay nagvi video call siya sa akin para lang ipakita ang paligid at kung ano ang nangyayari.
"Look Cassie katabi ko si Brandon. And Macy is outside kasi ayaw ng pinsan ko na sumama pa siya dito." Umirap ako ng itapat niya ang kanyang celphone kay Brandon na abala sa pakikipag usap.
"Will you please stop calling me and focus on what you're doing right now. Nakakahiya ka talaga kahit kailan."
"Whoah. Para sa kaalaman mo po mahal na prinsesa mas nakakahiya para sa akin tong nangyayari ngayon. I'm a busy man but look what my cousin did just to make me stay away from you?"
Naguguluhan akong tumitig sa kanya. "What?"
He smiled confidently bago lumayo kay Brandon at lumipat sa sulok na bahagi ng conference room kung nasaan sila ngayon. "I'm not part of this errands prinsess. Pero dahil maiiwan ako sa piling mo kaya sinama ako ng pinsan ko."
I pouted when I understand everything. Napasapo naman siya sa kanyang noo. He looks problematic now. "Lagi mo akong sinasabihang slow pero mas slow ka pala sakin." He laugh.
"Suntukin kaya kita diyan." I ended the call when I saw someone peek again at the camera.
May epal.
I busied myself for the rest of the day. I cleaned my already polished room. Wala lang kasi akong magawa kaya inaayos ko ang mga gamit ko na nakaayos naman talaga kung tutuusin.
Abala ako sa pag i-scroll sa newsfeed ng Facebook account ko ng tumunog ito para sa isang notification.
I arched my brow when her name showed up. I clicked the notification and my blood started to boil again.
'Enjoying the rest of the day with him.'
It was a picture of Macy and Brandon sa isang park. They both smiled at the camera.
Talagang naka tag pa sa akin. Nandon ba ako sa picture? Bakit hindi si Xander ang itag niya. Atleast si Xander nasa Paris din. Bruhang Macy.
Agad na tumunog ang celphone ko para sa isang tawag galing kay Brandon.
"Edi enjoy the rest of your day!" I throw my celphone and in just a snap it was now ruined.
Istorbo lang naman ang gadgets kaya wag ng mag celphone.
Bahala kayo sa buhay niyo.
Maaga akong natulog ng gabing iyon. At tanghali namang nagising kinabukasan. Mommy keeps on telling me na tumatawag ang mag pinsan to check on me.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.