6

2.3K 62 12
                                    


I agreed with the party. Yeah. But I didn't expect na kinabukasan agad gaganapin ang party. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Ang alam ko lang ngayon nandito ako sa harap ng maraming tao at nakikipagplastikan. Smile here smile there. Nakakasura.

Nang wala na ako sa spotlight agad akong pumuslit papunta sa pool area. Inilublob ko ang paa ko at hinayaang mabasa ang laylayan ng aking long gown.

Hindi nako babalik sa party kaya ayos lang 'to.

''Hey mahal na prinsesa bakit malungkot ka?'' Napalingon ako kay Xander ng bigla siyang tumabi sa akin. Just like me, inilublob din niya ang mga paa at hinayaang mabasa ang pants na suot. Wala na siyang sapatos na suot.

''I'm bored. You know I hate formal parties.'' I said.

Bago ko pa man marinig ang sagot niya ay nasapawan na ito nh isang boses. I stared at her, them actually. They're talking with so much humor. Ang sakit sa mata.

''Oh nandito pala sila Brandon.'' Ani Xander.

Obviously.

Agad na napalingon sa amin ang dalawa. Brandon remained calm while Macy looks like she's about to faint. ''Ahm, Hi.'' Nahihiya nitong sabi.

Yeah right. Nag-iwas ako ng tingin.

''Brandon join us.'' Nanunuyang sabi ni Xander. Here we again. He's playing.

Tumitig ako kay Brandon and to my dismay he looks annoyed. What would I expect? My presence for him is very infuriating. ''No thank you. I'm with Macy. ''

That's it.

I stand immediately. Wala along pakialam kung isipin man nila na bitter ako o naiinggit sa closeness nilang dalawa.

Dire-diretso ang lakad ko papunta sa parking lot. Luckily my purse is with me. Kinuha ko and susi ng kotse ko and started the engine. Nabigla pa ako ng biglang nagbukas ang pinto sa passenger seat. Pero ang mas nakakagulat at kung sino ang sumakay.

''Cassy it's not what you think.'' Natataranta nitong sabi.

I smirked.

Pinaandar ko ang sasakyan at walang habas na sinagasaan ang gate hanggang sa magbukas ito ng kusa. ''Oh my gosh Cassy stop the car.'' Umiiyak na sabi ni Macy.

Nakita kopa ang pagsunod ng sasakyan ni Brandon sa akin. Siguro sobrang nag-aalala na siya para sa welfare ng prinsesa Macy niya.

Sunod-sunod ang pagbusina nito.

''Cassy itigil mo na'to.''

''Sino bang may sabi na sumama ka ha?'' Sigaw ko. Mas lalo kopang binilisan ang pagpapaandar. Hindi kona pinansin ang dinadaan namin basta gusto ko lang umalis.

''Cassy may truck.''

I think immediately. Imbes na mabunggo sa paparating na truck ay mas pinili kong isalpok sa poste ang kotse ko. I know everyone will blame me because of this kaya bago pa bumunggo ang kotseng sinasakyan namin ay binukasan ko ang pinto sa tabi ni Macy at agad siyang itinulak palabas. Kung mamamatay ako ayaw kong mandalay pa.

Mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman ko nalang ang pamamanhid ng buo kong katawan. Nalasan ko rin ang dugong dumadaloy mula sa aking ulunan.



Nagising ako sa kumosyon na naririnig.

''This is her fault. Kung hindi sana siya umalis walang aksidenteng mangyayari.''

''Why are you blaming her? Lasing yung driver ng truck at siya ang nang-agaw ng linya hindi si Cassy.''

''Lagi mo siyang kinakampihan kaya ang tumitigas ang ulo niya.''

''So it's me now who spoiled her. Sino ba sa ating dalawa ang walang tigil sa pangungunsinte sa---'' Hindi na natapos pa ni Xander ang sasabihin niya dahil sa paggising ko.

''Cassy are you alright.''

''I feel numb Xander.'' sumbong ko.

Lalapit palang sana siya sa akin ng biglang tumawa ng patuya si Brandon. Napatingin naming dalawa sa kanya. With his feral look I know he's mad.

''Brandon what's your problem? Natutuwa kapa na nahihirapan si  Cassy?'' Nanggigil na sigaw ni Xander.

Ngayon ko lang nakita na nagalit si Xander kay Brandon. They're buddies.

Brandon smirked. ''Bakit, siya naman ang may kasalan kung bakit siya nandito hindi ba?''

Napauwang ang labi ko. Sa lahat ng bagay na inaasahan kong sasabihin niya ay ito ang hindi ko naisip ni minsan. Ang maging masaya siya na nahihirapan at nasasaktan ako.

''Leave us alone.''

''No way. Hindi ko ipagkakatiwala sayo si Cassy.'' Tumitig ako kay Xander at sinenyasan siyang ayos lang ako. Nagdadalawang isip man ay sumunod parin ito.

Maybe it's time for us to talk.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya ng diretso. ''What?''

Agad na nagdilim ang anyo niya at mabilis na hinablot ang dalawa kong braso. Nanggigigil na iniyugyog niya ako. Nasasaktan ako pero hindi ako nagsalita. ''Ikaw pa ngayon ang may ganang mag mataas? This is all your fault. Kung Hindi dahil sayo wala tayong lahat dito.''

Buong lakas ko siyang itinulak kahit na namamanhid ang mga braso ko at nahihirapan pang igalaw ang mga binti ko. ''Sino bang may sabing pumunta ka dito? Ako ba?'' Hindi ko na napigiling mapaiyak dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. ''Kasi nandito si Macy kaya ka nandito. Ako ang sisisihin mo dahil nadamay si Macy sa aksidente dahil sa akin. Wala naman akong sinabing sumama siya ah. Siya ang may kasalanan kung bakit siya nadamay dito kaya wag mo akong sisisihin.'' Patuloy parin ako sa pag-iyak.

''Nag-aalala lang sayo yung tao dahil sa bigla kang umalis. Tapos ikaw hindi manlang magpakita ng concern para sa kanya. You're so selfish Cassidy Entice.''

I stopped crying. I just stared at him. Kanina katawan ko lang ang namamanhid pero pati ang pakiramdam ko ay hindi ko narin maramdaman ngayon.

I smiled. I'm selfish. Yeah, I'am selfish.

Marami pa siyang gustong sabihin pero ng makita niya ang itsura ko ay bigla nalang siyang tumigil. Nakangiti ako sa kanya pero muling tumulo ang ang mga luha ko.

''Kung maramot ako edi sana nasa tabi parin kita. Kung maramot ako sana hindi ka masaya ngayon kasama si Macy.''

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon