Everything went well sa mga nagdaang araw. I allowed him to fetch me from school but not all the time. Madalas kasi ay may group project kaming tinatapos o di kaya naman ay may practice kami para sa performance namin sa isang minor subject. Hinahayaan nya akong malate umuwi pero hindi sya pumapayag na makitulog ako sa bahay ng mga classmates ko.
''Cassy nandyan na ang sundo mo. Sure kabang ayaw mong matulog dito?'' Cherry asked. She's the closest to me. ''You can invite him to stay here too, kasi medyo late na at baka delikado ng umuwi ng ganitong oras.''
I smiled at her. Kahit gustuhin ko man ay hindi pwede. ''It's okay. Malapit lang naman ang amin dito.''
Dali-dali akong bumaba at sinalubong naman ako agad ni Brandon. Kinuha nya ang mga gamit ko at nilagay sa backseat. Hinila nya ako at niyakap. He even kissed my forehead bago binuksan ang pinto sa passenger seat. Kinabit nya pa ang seatbelt ko at ngumiti bago umikot papunta sa driver seat.
Ang saya nya yata?
''One week to go.'' he whispered.
Napakunot ang noo ko. Anong meron one week from now? Pasipol-sipol pa sya habang nagdadrive. Hanggang sa makauwi kami ay good mood siya.
Maging si Xander ay nagtataka sa pagiging energetic ni Brandon. I just shrugged my shoulder at him. Maging kasi ako ay hindi ko alam.
Tatakbo na sana ako paakyat ng hawakan bigla ni Brandon ang kanan kong kamay. ''Don't run baka madapa ka.'' he said.
Sabay kaming umakyat ng hagdan habang hawak parin nya ang aking kamay. Sa kabila naman ay dala dala nya ang aking mga gamit.
Hinubad ko lang ang sapatos ko at humiga na. Bukas nalang ako magpapalit ng damit. Pumikit na ako habang abala parin si Brandon sa pag-aayos ng mga gamit ko na nakakalat sa kung saan saan.
Nakakapagod ang araw na'to but I'm happy. I'm happy because I'd experienced this kind of feeling, dati kasi kapag may project at reports ako ay tatawagan ko lang si Brandon at sya na ang gagawa para sa'kin. Kung hindi naman sya agad makakapunta ay pinapadala nya si Xander at saka nalang sya hahabol.
Pero ngayon naisip ko na worth it naman pala lahat ng nangyari sa akin. Because I've learned from it. Natuto ako na wag maging palaasa palagi sa ibang tao, dahil darating ang araw na aalis sila at maiiwan ka.
Pinilit kong alisin ang pamilyar na damdamin. It's okay now. It's okay.
''Princess take a bath first before you sleep.'' ani Brandon.
Nagmulat ako ng mata dahil don. ''Bukas nalang antok nako.''
I played a lullaby song using my phone. Ginagawa ko ito para makatulog agad.
Napakunot ang noo ko ng biglang tumigil ang tugtog. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ang basang bimpo na dumadampi sa aking braso.
Nagmulat ako ng mata at nakitang pinupunasan ni Brandon ang aking braso, nang matapos ay inilipat nya ang pagpupunas sa aking binti hanggang paa. Ngumiti sya ng makitang nakatitig ako sa kanya. ''Sleep now my princess. I'll clean you up.'' he said.
Pinikit ko ang aking mga mata. Maya-maya ay narinig ko na ang kanyang magandang boses. He's singing a lullaby.
Kinabukasan ay nagising ako sa mahinang pag-alog sa aking braso. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Xander. ''Mahal na prinsesa gising na po.'' labag sa loob nitong sabi.
Napangiti ako dahil don. ''Good morning Xander.'' bati ko.
Lalo lamang syang sumimangot. ''Anong maganda sa morning kung habang mahimbing ang tulog mo ay may biglang sisigaw sayo para lang sabihin na tanghali na?'' eksahirado nitong sabi.
Ano raw?
''Kung makasabi syang tanghali na e mas tanghali ka pa ngang gumising kaysa sa akin.'' this time namumula na sya sa sobrang inis.
''Bakit nasali ako?'' tumayo na ako para magmumog habang sya ay walang tigil ang pagrereklamo na kulang pa daw ang tulog nya.
Umupo ako sa harapan ng tukador at nanalamin. Masarap ang naging tulog ko gaya ng dati.
''Xander suklayan mo'ko.''
Kahit na nagdadabog ay sumunod naman sya. Bumubulong pa sya ng kung ano anong reklamo nya sa buhay habang ako ay prenteng nakaupo lamang. ''Tapos na.''
Ngumiti ako at humarap sa kanya. Ngayon naman ay masama ang pagkakatingin nya sa akin. ''Kalungin mo'ko. I'm hungry.'' I said with puppy eyes.
Napakamot sya sa kanyang noo pero ginawa naman nya ang gusto ko. Lumuhod sya patalikod sa akin. Dali-dali akong lumapit sa kanya at nag piggy back. ''Thank you. Bilis na takbo kana.'' I said in happy tone. This is exciting.
''What the hell, gusto mo bang patayin ako ni Brandon?''
''Hindi yan. Bilis na.'' kumapit akong maigi ng nagsimula na syang maglakad palabas sa aking kwarto.
Nang nasa may hagdan na kami ay tumigil sya sandali para pagsabihan pa ako. ''Hold on tight.''
Tumango ako at kumapit ng mabuti.
Sigaw ako ng sigaw ng magsimula na syang tumakbo. Ang saya.
Pagkababa namin ng hagdan ay umalingawngaw ang boses ni Brandon. Napatayo ng tuwid si Xander dahil sa gulat. Maging ako ay biglaang nakaramdam ng kaba.
''Fuck lagot na naman.''
Kumapit ako ng mahigpit at sumubsob sa leeg ni Xander. ''Not me. Si Cassy ang may gustong tumakbo ako sa hagdan.''
''Bakit ako?'' bulong ko.
''Why not? Ikaw hindi ka nyan sasaktan e ako?'' bulong nito pabalik.
Lumapit sa amin si Brandon kaya lalo akong natakot. ''Cassidy Entice come here.'' he said in a warning tone. Sinubukan pa nya akong kuhanin mula sa pagkaka kandong kay Xander pero hinigpitan ko lamang ang hawak ko dito.
''Ayoko.''
''I said come here.'' he shouted again. Napapiksi ako dahil doon. Pinilit pa nya akong muling kunin pero umiling lamang ako at mas kumapit pa sa leeg ni Xander.
''Xander ayoko.'' nanginig ako sa takot.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Ficción GeneralShe can get whatever she wants, but not his heart.
