Hindi ako nakakilos matapos marinig ang sinabi ni Xander.Damn.
Halos hindi kona rin naintindihan ang iba pang sinabi ni Xander. Mabilis ang mga kilos niya. Paulit-ulit pasyang napapamura dahil sa pagkakataranta.
''Hello tita Brigette. Yes po, nandito na sya.'' natahimik sya sandali habang hindi parin ako makapaniwala sa aking nagawa. ''What? Yes tita ako na po ang bahalang maghanap kay Brandon.''
Agad akong napatingin dahil sa narinig. ''Xander nasaan si Brandon.'' Hindi ko na napigilang mapaluha. Guilty'ng guilty ako sa nagawa.
''He heaved a sigh. ''I don't know. But I'll find him no matter what, sa ngayon kailangan mo nang matulog.'' giit nito.
''Ayoko. Sasama ako.''
''Hindi pwede. Magpahinga kana muna. Magpapatawag nalang ako ng makakasama mo dito habang wala ako.''
Pero hindi ako pumayag sa gusto nyang mangyari. Kaya't sa huli ay kasama ako sa paghahanap kay Brandon.
Where is he now? I'm so worried.
Kung sino-sino ang tinatawagan ni Xander habang patuloy sa pagmamaneho. Wala akong masabi dahil kasalanan ko naman kung bakit nangyayari 'to.
I really hope that he's fine.
Puro 'hindi ko alam' ang sagot ng mga tinatawagan ni Xander. Naririnig ko ang pag-uusap nila dahil naka loudspeaker ang cellphone nito.
Nabuhayan kami ng loob nang mag-aalastres ng madaling araw ay nakatanggap kami ng tawag mula kay Macy.
''Xander I need help. Lasing na lasing na si Brandon.'' kahit na kung ano-anong imahe ang pumapasok sa aking isipan ay nakaramdam parin ako ng relief dahil sa nalamang nasa maayos parin syang kalagayan.
''Where are you? Papunta na kami dyan.'' mas tinulinan pa ni Xander ang pagmamaneho. At kahit nakaramdam ako ng kaba dahil doon hinayaan ko na lamang.
Exactly three thirty in the morning nang huminto kami sa harap ng isang bar. Medyo malayo ito kumpara sa mga bar na pinupuntahan lagi nila Xander. Nasa bungad palang ay sinalubong na kami agad ni Macy. Bakas sa kanyang maamong mukha ang pag-aalala. ''He's here.'' dinala nya kami sa kinaroroonan ni Brandon.
Walang ibang tao sa loob kundi kaming apat na lamang at ang iilang mga staff na nag-aayos ng mga lamesa.
Hindi ko magawang lumapit sa kinauupuan nya. Pinagmasdan ko lamang si Macy nang tinapik nya ang balikat ni Brandon. Nakasubsob ito sa lamesa. ''Hey let's go home.'' ngayon ko lang napansin na naka gown parin si Macy, habang ang dalawa naman ay nakatuxedo pa. Marahil isang formal party ang ginawang celebration para sa birthday ni Brandon.
Nakaramdam ako ng panlalamig sa aking sikmura. Kung hindi ko nakalimutan ang birthday nya marahil ay hindi ko rin gugustuhing dumalo. Naaalala ko parin ang ginawa kong gulo sa graduation party nila ni Xander, kaya't wala akong karapatang pumunta.
Matagal pa bago tuluyang nagising si Brandon. Nang tuluyan na syang makatayo ay inilalayan sya nila Xander at Macy para makalakad ng maayos.
I can see that his too drunk, dahil kahit na may nakaalalay na sa kanya ay hindi parin nya magawang humakbang ng maayos.
Kahit na nagtama na ang aming paningin ay nilagpasan nya lamang ako. Alam ko namang may kasalanan ako kaya't hindi nako nakipagtitigan pa. Hanggang sa makalabas sila ay nanatili lamang akong nakatayo sa loob ng bar.
Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon ng maramdaman ko ang paghawak sa aking kamay. ''Cassidy let's go.''
Pagod.
Yun ang naramdaman ko sa boses ni Xander. Hindi ko napigilang mapaluha na agad ko namang pinunasan. Ako na naman ang dahilan kung bakit naabala silang lahat. Simula sa mga magulang ni Brandon, si Xander at Macy. Kung sana ay umuwi ako ng mas maaga edi sana nag-eenjoy sila ngayon.
Ako na naman ang dahilan ng pagkasira ng plano nila.
Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Xander sa kamay ko. Bakas sa mukha nya ang pagpoprotesta pero umiling lamang ako. ''Hindi tayo kasya sa sports car mo. Mauna na kayo, umaga na naman kaya uuwi nalang akong mag-isa.''
Hindi ko lang maatim na ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Nahihiya ako dahil napaka laking abala na naman ang nagawa ko.
Nangako pa ako kay Brandon na mananatili lang sa bahay para makapag enjoy naman sya at hindi na mag-alala pa sa'kin. Pero ngayon nakagawa na naman ako ng problema.
''No. Hindi pwede. Kasama kitang pumunta dito kaya----.''
Agad kong pinutol ang kanyang pagsasalita. ''Xander please. Magtataxi nalang ako.'' nanghihina kong sabi.
Nagpatiuna na ako sa paglabas. Naabutan kong natutulog na si Brandon habang nakahilig sa balikat ni Macy. Maging ito ay nakapikit din, marahil sa sobrang pagod.
Nang makalabas si Xander ay agad din akong pumara ng taxi. Sinabi ko na ayos lang ako at wag na syang mag-alala pa, kahit na pinipigilan nya ako sa pag alis mag-isa ay hindi kona ininda pa. Nakita ko pang dumilat si Brandon bago ako makaalis.
Halos sabay lang ang paghinto ng taxing sinasakyan ko at ang kay Xander sa tapat ng aming bahay. Hindi na nila kasama si Macy ngayon.
Nagkatinginan pa kami ni Brandon ng makababa narin ako sa taxi. Agad akong napayuko dahil sa galit na nakita ko sa mga mata nya.
Hindi muna ako pumasok. Naglakad ako patungo sa park di kalayuan. Gusto ko munang mag-isip.
Umupo ako sa damuhan, hanggang sa mangalay ako kaya't humiga na ako nang tuluyan. Madilim pa ang kalangitan kahit mag-uumaga na. I don't know if I'm tired because of the exam or what. Pero ang alam ko lang may mali na naman akong nagawa.
Nagtagal ako ng ilang oras sa parke, hanggang sa magdesisyon akong umuwi na. Tahimik ang buong bahay ng makauwi ako. Bago umakyat ay nagtimpla muna ako ng kape. I don't know kung tama ba ang dami ng asukal at cream na nailagay ko. Kumuha rin ako ng isang slice ng cake, nilagyan ko pa ng maliit na candle sa ibabaw. Tapos na ang birthday ni Brandon but I just want him to know that I still care.
Dahan-dahan ako sa pag akyat dahil sa iniingatan kong wag mamatay ang apoy sa kandila. Pagpasok ko sa kwarto nya bumungad sa akin ang kanyang likod. Alam kong hindi sya tulog dahil marahan nyang hinihilot ang kanyang sentido.
Marahil ay nakakaranas sya ngayon ng headache.
Huminga ako ng malalim bago lumapit. ''Brandon.'' I called, but he did not bother to look at my side.
I smiled bitterly. Okay lang, gusto ko lang naman gawin 'to. Inilapag ko muna ang tasa ng kape sa side table katabi ng kama nya. Hawak ko parin ang isang slice ng cake.
'Happy birthday to you
'Happy birthday to you
'Happy birthday...
'Happy birthday...
'Happy birthday Brandon...'
I can't stop myself from crying ng hindi manlang nya ako tinapunan ng tingin. Pero kahit na umiiyak ay nagawa ko paring ngumiti. ''A-ako nalang ang magboblow ng candle ha?'' my voice broke.
Kahit na tapos na akong magsalita ay hindi parin nya nagawang tumingin sa akin.
Ang pangit naman kasi ng effort ko. Sino ba naman ang gaganahang magsabi man lang ng thank you.
''I'm sorry. Aalis na'ko para makapag pahinga kana.''
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Fiction généraleShe can get whatever she wants, but not his heart.