I was taken aback because of her. Anong sabi niya?Naguguluhan man ay nagawa ko paring ngumiti. "Kamusta kana? Last time na nagkita tayo puro galos ka pa. I'm glad you're fine now." Bumangon na ako sa pagkakahiga at umupo na lang sa gilid ng kama.
Akala ko namamalik mata lamang ako kanina. Pero nang ngumisi siya ay nakumpirma kong parang may mali sa kanya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa sa kamang kinauupuan ko. "Bakit bumalik kapa?" mariin nitong bulong sakin.
"What are you talking about?" Nagawa ko naring tumayo dahil sa gulat.
"Tss. Ang kapal din naman ng mukha mo ano? Matapos nang lahat ng ginawa mong gulo may gana kapang bumalik?"
I was about to say something when she cut me off. "Shut up. Makinig ka. A-ako ang lahat ng naghirap sa lahat ng ito." Inilibot nito ang paningin sa loob ng aking silid. "Tapos babalik ka na parang isang prinsesa." Tila naubos na ang pagtitimpi nito dahil sa biglaang pagsigaw.
"Look, kung nagagalit ka dahil sa nangyari dati I'm sorry. Hindi ko gusto na makasama ka sa aksidenteng kinasangkutan ko." Sinubukan ko siyang hawakan pero agad nitong tinabig ang aking kamay.
"Umalis kana lang--"
"Is there any problem here?" Agad akong napalingon sa hamba ng pinto ng marinig na ang boses niya. He's here. My savior.
Agad na umayos si Macy at ngumiti nang matamis. As if she did not do anything kanina. "Wala naman. Kinakamusta ko lang si Cassy." Umirap ito sa akin at ibinalik ang maamong mukha bago ibaling ang tingin kay Xander na agad na dumiretso sa akin. Hindi niya pinag kaabalahan tignan si Macy.
"Are you alright?" He asked me tenderly. I nodded my head. "Let's go. Dinner is ready."
Hindi na ako nakapag protesta ng hilahin na niya ako palabas. Ramdam kong nakasunod lang sa amin si Macy.
Rinig na rinig ang tawanan na nagmumula sa may pool area ng bahay namin. I know na pupunta sila dito pero hindi ko ineexpect na ngayon agad. Naramdaman ko ang pagpisil ni Xander sa kamay ko. "It's alright. I'm here." He assured me with a smile.
I just nodded and hold his hand tightly. Magkahawak kamay kaming nagpakita sa mga bisita namin. Xander's parents are here together with Brandon and his parents as well. Nag-iwas ako ng tingin ng mapadako ang titig niya sa akin. Dumiretso ako kina Tita Mariam at humalik sa kanyang pisngi. Nahihiya man ay lumapit parin ako sa mommy ni Brandon para bumati. "Hija we missed you so much."
Yumakap din ako ng yakapin nila ako. "I miss you din po and sorry po sa lahat."
"Oh my dear, you don't have to say sorry."
Akala ko mahihirapan akong makiharap muli sa kanila after ng gulong ginawa ko but it seems like walang nagbago base sa pakikitungo nila sa akin. Masayang natapos ang hapunan. Hindi ko nagawang lumapit man lang kay Brandon para humingi ng sorry. Siguro hindi muna ngayon. Si Macy alam ko na may nagbago sa kanya. Panaka-naka siyang nasulyap sakin at umiirap kapag walang nakatingin at ngingiti naman nang matamis kapag napapasulyap sa kanya si Brandon.
It was a peaceful night. Nakahiga na ako habang abala naman si Xander sa laptop niya. Medyo nag-mature narin kasi siya kaya medyo responsible na siya ngayon. Ang sabi niya babantayan muna niya ako hanggang sa makatulog ako saka siya aalis.
Hindi na bago ang set up na ito sa amin. When I was still in U.S siya din ang katabi ko matulog kapag nadalaw siya sa akin. Kaya hindi na ako nagulat nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin sa likod bago isiniksik ang ulo sa aking leeg.
I closed my eyes and savor the moment. It feels like home.
--------------------
Please read my other story."UNFORGETTABLE VACATION"

BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.