Chapter 31

5.1K 117 8
                                        


Natapos ang dinner ng matiwasay. Meaning, wala nang nagsalita matapos ni Brandon.

Nagkatinginan lamang sila tita Mariam, tita Brigette at mommy habang pinipigilan ang kanilang mga ngiti.

Xander whistled. Ofcoure umiksena na naman siya. Parang lalagnatin siya kapag hindi sya nakapagreact sa isang bagay. And that irritates me.

Kahit kailan talaga.

Nagkwekwentuhan ang mga parents namin sa sala habang ako naman ay naiwan sa dining table kasama si Xander. We're eating cake. Samantalang si Brandon ay lumabas sandali para sagutin ang kanyang phone.

''Chocolate? Diba mocha ang favorite mo?'' hindi makapaniwalang tanong ni Xander.

I just rolled my eyes. ''Gusto ko'to eh. Anong magagawa mo?'' pagtataray ko.

At ang ulupong umirap din sa akin. Talaga naman.

''If I know gusto mo lang kalimutan si Brandon. At sa tingin mo naman kapag hindi kana kumain ng mga favorites nya at patulay siyang iwasan makakalimot kana?'' akusa niya.

Nanlaki ang mga mata ko at binatukan siya. ''Ouch.'' aniya. Luminga ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa kanya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng walang makitang ibang tao sa paligid. Dinuro ko sya ng tinidor. ''Aarrgh.... Ikaw, kahit kailan pahamak ka sakin. Alam mo yon?'' asik ko.

He just laughed. ''Princess wala kang maitatago sa'kin. Diba sakin ka pa nga nagtapat ng iyong pagsinta para sa pinsan ko?'' pang-aasar pa niya.

'Pagsinta talaga?'

''Ugh, manahimik kana. Bakla kaba? Ang daldal-daldal mo!'' nanggi-gigil kong sabi.

''Oy, oy Cassy ha. Wag ako. DON'T ME. Gusto mo ipakita ko pa sayo ang abs ko? Girls will surely beg just to touch it.'' pagmamayabang pa niya.

Tinitigan ko lang sya. Parang bakla talaga.

''Oh ano, hindi ka naniniwala?'' Hindi makapaniwala niyang tanong.

Umiling ako na ikina simangot niya lalo.

''Para maniwala ka ipapakita ko sayo ang eight pack abs ko.'' pagpapatuloy pa niya. Akmang huhubarin na niya ang t-shirt niya ng biglang dumating si Brandon.

''Do that infront of her and I will kill you.'' aniya.

Namutla agad si Xander. Hindi kona napigilan na mapatawa.

Bakla talaga.

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon