Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hoping that this is just a dream. Pero ng makita ko sila mommy at daddy na natutulog sa couch ay bigla nalang naglaho ang kakaunting pagasa na mayroon ako.
"Mommy." Tawag ko.
"Mommy, daddy."
Bago pa sila magising ay agad na nagbukas ang pinto at iniluwa si Brandon. Nag-iwas ako ng tingin at muling tinawag sila mommy.
"My, daddy." ulit ko. Dali-daling tumayo si mommy at lumapit sa akin. Samantalang nakasunod din naman si daddy. Parehas may lungkot at labis na pag-aalala sa kanilang mga mata.
"Anak how are you?" Mommy cried while hugging me.
I cried too, but unlike awhile ago I can control it now. Kahit lumuluha ay nagawa ko paring sumagot. "I'm sorry po mommy. I'm sorry daddy."
Sobra-sobra ang pagsisisi ko. Dahil sakin umiiyak nanaman sila.
"Hush princess it's not your fault." Pang-aalo sakin ni daddy habang patuloy parin sa pag-iyak si mommy na hindi na nagawa pang makapag salita.
We stayed in that position not minding Brandon who's looking at me intently. I know galit siya dahil nadamay si Macy sa aksidenteng kinasangkutan ko. I'm so guilty about it.
Nang makabawi ay sinabi ko kay daddy na iuwi muna si mommy para makapag pahinga siya ng maayos. "No anak. I'll stay here."
Agad akong umiling. "My, okay napo ako. Matutulog napo ulit ako kaya pwede napo kayong umuwi."
Matagal na pakiusapan pa ang nangyari bago ko napapayag na umuwi sila ni daddy. I heaved a sigh bago bumaling kay Brandon na kasalukuyan nang nakaupo ngayon sa dulong bahagi ng aking kama. "Pwede ka narin umuwi. Okay nako." I smiled timidly.
Maingat kong tinulungan ang aking sarili na humiga. Agad na tumayo si Brandon at inalalayan ako. Gaya ko hindi rin siya makatingin. "Salamat." Agap ko.
He's still not talking.
"Ahm. Gusto ko sanang makausap si Macy bukas kung pwede." Nahihiya kong sabi.
He looked at me with his dagger eyes. "Why?" Pagalit nitong sabi.
Agad na nagtubig ang aking mga mata. Siguro talagang iniisip niya na masasaktan na naman si Macy kapag lumapit ito sakin. I refrained myself from crying. "Gusto ko lang humingi ng sorry. Wala naman akong gagawing ikakapahamak niya." I whispered.
Nabalot kami ng katahimikan. Gusto ko nalang pumikit para matapos na'to. "I wanna rest. If you don't mind, pwede bang iwan mo na ako?"
Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita siyang titig na titig sa'kin.
"You can rest but I'll stay."
Napaangat ako ng tingin dahil sa
narinig. Bakit dito siya mananatili? Asan si Macy? I want to ask him pero minabuti ko na lamang na manahimik at huwag makipagtalo.I nodded.
Tinulungan niya pa akong makahiga ng maayos bago umupo sa silyang kalapit lang ng kamang hinihigaan ko.
Kahit na nakapikit ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin. I can't comprehend his actions. Ibang-iba ang kinikilos niya ngayon sa mga ipinakita at ipinadama niya sa akin simula ng nagbalik ako.
I made sure that I'm closing my eyes tightly. Ayaw kong makakita mula sa kanya nang mga bagay na makakapag pabago ng isipan ko.
That's enough!
Pero bago pa muling pumayapa ang puso't isipan ko ay muli niya itong binulabog.
"Cassidy, my princess please take me back."
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Ficção GeralShe can get whatever she wants, but not his heart.